Chapter 57

105 8 0
                                    

"Does it look good to me, Corrine?" At masayang ibinalandra pa ni Stacy sa mukha ko 'yong cartier watch na mula sa akin... ibinigay ni Eli sa bruhang 'to.

"No," tipid na tugon ko. "Mas bagay kasi 'yan sa lalaki..." Kaya nga gano'ng design ang pinili ko... 'yon ay dahil sa lalaki ko ibibigay 'yong watch. And seeing it worn by Stacy makes her look like a clown.

'Yong sama ng loob ko kani-kanina lang, naglahong parang bula dahil sa naging pakla ng timpla ng mukha ni Stacy sa ibinato ko sa kanyang pang-aasar. At least, nakabawi man lang ako kahit na papaano.

"Depende na lang din siguro kung lalaki ang tingin sa iyo ng nagbigay n'yan," pahabol ko pang sabi.

Hindi ko na inaksaya pa ang oras ko para makipag-away man kay Stacy as I immediately left the dressing room afterwards. Naghihintay na rin sa labas 'yong service van ko para ihatid sa SGN Music studio—of course for the rehearsing part of the song that we'll gonna sing on our upcoming TV guesting.

Ang dahilan naman kung bakit sa studio ng SGN kami tutungo ay dahil naroon si Eli, busy sa concert niya at rehearsing din ng ibang songs. It would also be nice to visit SGN after a long time. Nakaka-miss din kasi ang ambiance ng malaking gusali nito with a touch of a prestigious furnitures of a five-star hotel.

"Long time no see, hija. Buti't nadalaw ka ulit dito?" Habang papasok ay sinalubong ako ni Tita Beauty; she's the scriptwriter and the award-winning director under SG Network Company. "Last time I saw you, noong nakaraang taon pa yata. What brought you here?"

Bumeso ako sa kanya tulad ng nakakagawian ko every time na may nakakasalubong akong kakilala. "Just went here for a rehearsal, tita. My co-artists were actually here to meet Eli. Nasa music studio na po ba siya?"

"He's still not arrived. Nasa concert venue pa siya ngayon—if I'm not mistaken—sa Shein Stadium ang venue. Is he aware of this, Corrine?"

"I believe he is... I mean... Direk already informed Eli about the rehearsing of the song." Ngunit maski ako ay nagsisimula na ring maguluhan sa mga nangyayari.

Sa aming tatlo nina Echo at Stacy, ako pa lang ang narito sa SGN. Where the fvck are they?

"Sakto, ayan na pala siya."

Nang dahil sa salitang nanggaling kay Tita Beauty, nasira ang focus ko sa phone while trying to dial Echo's number just when Eli appear to my face, wearing just a white, plain shirt, a cargo short in color black, an adidas clover smith white shoes paired with a square retro sunglasses. And to complete his final look, he dyed his hair in ash gray.

Kung tutuusin, sa mga mata ko, medyo nag-iba man ang itsura niya dahil sa buhok niyang hindi ko nakagawiang tingnan bilang ibang kulay aside sa itim, but still he managed to be attractive as hell in my eyes.

"Good afternoon, maganda kong tita." Just like what I did earlier, bumeso rin si Eli sa kabilang pisngi ni Tita Beauty as his way of greeting her. "Thanks for talking to Corrine while waiting for me. May dinaanan lang kasi ako."

Nakangiting tinapunan ako ni Eli ng tingin, at sa likod ng tinted niyang salamin, nakakagulat na nagagawa pa rin akong tunawin ng singkit ngunit mabangis niyang mga mata. "Let's go-"

"Teka lang naman. Hiningal ako kakahabol sa iyo kasi ang bilis mong maglakad." Kamay mula kay Stacy ang humawak sa braso ni Eli, and I just looked at her hand glued to my man's skin, arching my brows.

"Okay, let's go." Nang makabawi sa hingal, she smiled.

Ang kapal pa nga ng mukha niyang iangkla ang kamay niya sa braso ni Eli, without even realizing na baka pagmulan pa sila ng issue 'pag may nakakita sa kanilang ibang tao. Hays, hindi nag-iingat.

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon