"Hala, sorry! Mukha ka kasing life guard kaya naitulak kita." Umarteng nag-aalala siya pero no'ng makaahon naman ako, hindi ligtas sa paningin ko ang pagngisi niya.
"Ibang-iba naman ang uniform namin sa mga lifeguard rito, miss." Mula sa likod ko, napakinggan ko ang iritadong boses ni Harold.
"Tanga ka ba para hindi ma-identify ang kaibahan ng lifeguard sa mga staff ng resort na 'to?"
"Kaya nga iba-iba ang mga uniform ng mga workers... para 'di kayo malito na i-identify kung ano'ng trabaho nila sa isang workplace," Harold added.
Hinawakan ko ang manggas ng polo na suot niya upang subukan na agawin ang atensyon niya. I signaled him to stop, but his face seems like he has no plan to stop.
Gosh!
"Staff ka lang dito, 'di ba? Ganyan ba kayo mag-welcome ng customer dito sa resort n'yo? Ang rude naman pala ng mga trabahador n'yo!"
As I expected, hindi talaga papatalo sa sagutan si Stacy. Knowing her, she will use being entitled as a customer para lang ibalik sa amin ang sisi.
"Shut up, beach!" Nabigla ako nang magsalita si Harris, mataman na tinitigan si Stacy habang nakaduro dito. "Hindi kami kasing tanga mo para maniwalang hindi mo sinasadya ang pagtulak diyan kay Irene. Akala mo yata hindi kami marunong gumamit ng mata, e! Gaga ka!"
"Ang kapal ng mukha! Makakarating 'to sa head ng resort--"
"Gaano ka naman kasigurado na paniniwalaan ka ng kaibigan namin?" si Yuwi naman ang nagsalita. "Sila ang may-ari nito... Kaya kung may paniniwalaan man siya, kami 'yon hindi ikaw."
Stacy's jaw dropped after hearing those words. Malamang ay hindi niya inaasahan na sa pagkakataon na 'to, wala siyang kakampi.
Palibhasa ay nasanay na palaging ipinagtatanggol ng nanay niyang demonyo rin, kaya ganyan siya... Tiklop siya ngayon.
Buong akala ko ay makahihinga na ako nang tuluyan, kaso bigla akong tiningnan ni Stacy. She gave me an evil stare, mukhang nagbabanta na gagantihan niya ako dahil sa nangyari.
Bago siya umalis.
As if may lugar pa para matakot o kabahan man lang ako. Sanay na sanay na akong minamaltrato at 'di ko na kailangan pang maging handa para sa surpresang bubungad sa akin pag-uwi ko ng bahay.
"Sorry for that inconvenience, Irene," paumanhin ni Warren.
Ngumiti ako. "Masasanay rin akong makisalamuha sa mga kagaya niyang customer."
Umalis na kami ni Harold sa pool area upang bumalik na sa trabaho. Ako naman ay dumiretsyo muna sa restroom upang makapagpalit ng uniform.
I let out a heavy sigh. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin nang matapos akong makapagbihis. At this moment, I'm completely groomed... But my whole self is a mess.
Bakit hanggang dito ay sinusundan ako ng isa sa bwiset sa buhay ko? Is she trying to ruin my future? Trying hard to stopped me from finishing my degree, huh?
Sa lahat ng pang-aabuso na pinagdaanan ko sa kamay ng mag-ina na 'yon, hindi ko hahayaan na gawin din nila 'yon sa pag-aaral ko. I've strive harder para makaraos sa mga years ko in college... Never did I imagined from giving up in my chosen degree.
Asa pa silang mag-ina.
"Kilala mo ba 'yong babae kanina?" Nang makabalik sa lobby, sinalubong ako ni Harold ng isang tanong na sa tingin ko ay kanina niya pa iniisip ang sagot.
Hindi niya alam na may step mom at step sister ako. Why should I even bother to share it with him? Kahit na friend ko si Harold, I still have no one to trust.

BINABASA MO ANG
Euphoria: Dosage of Rhapsodies
Teen FictionLOVE YOURSELF: THE SERIES 2 For long years of moving on from the death of her first love, Corrine finally find the courage to open her heart again. She thinks she has moved on... not when one day, her first love came back to her life.