Chapter 60

168 6 1
                                    

“Honestly speaking, if we hadn’t been lacking for time filming it, supposedly “Mending Alicia” is the newest Maple View original series this coming January. Kaya lang nagkulang kami sa oras sa taping, and a unanimous decision has been made to just make this a movie, which will still be aired on the same streaming platform.”

Pagkamulat ng mga mata ko na tila galing ako sa mahaba-habang pagkakatulog, bumungad sa akin ang isang flat screen TV. And Direk Manuel’s voice made my sleeping soul wake up.

“Ang dahilan naman kung bakit kinakailangan talaga naming matapos sa taping para maihabol ‘to sa January listing, it’s because the lead actress of the movie, Corrine Desiderio, had a busy schedule entering the New Year. Aabangan siya ng mga tao na bumida sa isang teleserye na sabay-sabay nating mapapanood sa telebisyon this coming April or May.” 

“Literally a busy schedule for me,” I whispered.

Nanlalabo man ang paningin dahil kadidilat ko lang, ininspeksyon ko ang paligid kung saan ako bumangon, and the place is all white. Akala ko ay wala akong kasama rito… but I saw Yuwi on a wooden chair.

“Hoy? Saan mo ako dinala? Nasaan ako?”

“Yuwi ang pangalan ko, hindi Hoy.” Sandaling bumitaw ang tingin niya sa hawak na phone para ako naman ang tingnan nito. “Pinababantayan ka lang sa akin nina Magi. Nasa kabilang kwarto lang naman sila-”

“E, nasaan nga ba ako?” 

“Saan ka pa ba pwedeng makakita ng dextrose maliban sa ospital?” At noon ko lang din napansin na may nakakabit pala no’n sa akin. “Nahimatay ka raw no’ng nalaman mo ‘yong balita na naaksidente raw si Eli. Kaya agad kang dinala nina Magi rito kasi baka hindi ka na raw magising-”

“Sobra ka!”

“Pero buti na lang dahil nagising ka,” kibit-balikat niyang tugon. 

“Si Eli?” Wala namang masakit sa katawan ko kaya nagpupumilit akong bumangon. OA lang ‘tong si Yuwi kasi pinipigilan pa ako. “Okay lang ako, Yuwi. Gusto kong makita si Eli. Gaano ba kalala ang kondisyon niya?” 

“Magpahinga ka na lang dito. Huwag ka na makulit-”

“Ano kamo? Siraulo ka ba? Gusto mong magpahinga ako rito at walang gawin after ko malaman na naaksidente si Eli? Gusto mo akong mag-chill lang dito? Tumabi ka nga!” Sinusubukan ng lakas pambabae ko na tapatan ang kanya, pero ang tigas niya para hindi ko siya kayaning itulak.

“Yuwi, pwede ba? Titingnan ko lang naman kung gaano kalala ‘yong kondisyon niya! Hindi ko kayang maghintay na lang dito ng grasya! Hindi ko kayang kumalma knowing na ‘yong taong mahal ko, baka nag-aagaw-buhay na pala!”

“Huwag ka na makulit-”

“Sino ba kasing may sabi na malala ‘yong kondisyon ko?” Bigla na lang bumukas ang pintuan ng kwarto, at doon ay niluwa nito si Eli na walang kagalos-galos ang katawan.

“Huwag ka na mag-alala… buhay pa naman hanggang ngayon ‘yong lalaking mahal mo kamo.” I could see he bit his lips habang iniiwasan ang tingin ko.

“Buong-buo ko na narinig ang mga sinabi mo.” 

N-Narinig niya nang buo? Mula umpisa hanggang dulo? Edi… kanina pa pala siya sa labas ng kwarto habang nakikinig sa usapan namin ni Yuwi?

Tinamaan ka nga naman ng lintek! Mali, e. Isang malaking pagkakamali na binigyan ko ulit siya ng pag-asa na umasa sa akin… dahil hindi pa tapos ang gyera.

“Eli… Uh…. Kalimutan mo na lang ‘yong mga narinig mo. Hindi… Hindi ko rin naman sinasadyang sabihin ‘yon-”

“Ano pa bang dahilan para magsinungaling ka sa sarili mong hindi mo na ako mahal? Corinne… hindi kita maintindihan, e. Ano bang problema?”

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon