Chapter 10

375 39 0
                                    

"You have a good voice, Irene. Hindi ba pumapasok minsan sa isip mo na sumali sa mga singing contest? Specifically, mga contests that usually broadcast on National TV?" asked Eli as we're on our way to my place.

"Kung tutuusin, mas masikip pa ang schedule ko sa mga artista." I hummed softly, hiding the sarcasm. "I don't have much time to audition for a contest like that. Mga pa-contest nga sa barangay ay hindi ko nasasalihan, doon pa kaya?" I hissed.

"Focus kasi siya masyado sa pamilya niya, bro. Kaya walang time para sa sarili niyang pangarap."

Hearing the words uttered by Israel makes me feel irritated. Hindi niya kasi alam ang buong katotohanan, wala siyang alam kung gaano kahirap sa akin na gumalaw sa sitwasyon ko ngayon.

"But you also have your goals to achieve, Irene. I saw you have a great potential entering the showbiz industry. Have you ever think now is the time para sarili mo naman ang pasayahin mo?"

Nanatili lamang akong walang imik sa kinauupuan ko, piniling hindi sagutin ang tanong ni Eli. I totally understood why these two kept pushing me to pursue my dream... But I know I couldn't.

Kung ang kapalit lang din naman ng pagtupad ko sa pangarap ko ay ang mawala sa akin si Papa nang tuluyan, I rather choose to disregard pursuing my greatest objective in life.

"Thank you for this day. Na-enjoy ko mag-tour sa loob ng SGN building. Thanks to the both of you."

"Ako lang ang dapat mong pasalamatan kasi plano ko--"

"Sabi niya, you're welcome daw," Eli replied as he waved his hands at me.

Nang tuluyang makaalis ang sasakyan, ako naman ay nagsimula nang maglakad pauwi sa bahay namin.

I let out a deep and heavy sigh. Wala akong nararamdamang kahit ano'ng takot sa posibleng gawin sa akin ni Tita Gretchen, but upon remembering the day she locked me on my room, bigla akong nakaramdam ng pangamba. It isn't impossible she's going to do it once again.

Napahinto ako sa tapat ng gate namin, ngayon ay bigla akong nag-alangan na pumasok sa loob. I think I'm not ready to---

"Kanina pa kita hinihintay, nandito ka na pala." Nang bumukas ang gate, si Tita Gretchen ang bumungad sa akin. "Pumasok ka na, may mahalaga
tayong pag-uusapan."

I swallowed hard, sweats are streaming down my face. Kinakabahan ako, ramdam ko rin ang labis na panginginig ng binti at kamay ko. Upon seeing her face, I think she will explode a minute later.

"Katatawag lang ng papa mo." Nang makaupo sa sofa kasama silang dalawa ni Stacy ay nagsimula nang magsalita si Tita Gretchen. "Inutusan niya akong pirmahan mo 'to, which means you're granting me your permission, as his daughter, to own this house."

"What?" I asked, surprisingly. "Do you mean... Sa iyo mapupunta ang titulo ng bahay?"

"Do you have a problem with that?" She raised her left eyebrow. "I am your future mother, Irene. Don't I have any rights to this house, huh? Tiyaka isa pa, it's your father's order, kaya sundin mo na lang!"

Nagmatigas ako. "Gusto ko muna siyang kausapin regarding this matter. I want to hear his explanation--"

"Shut the hell up, Irene! Pirmahan mo na lang nang matapos na!"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Tita Gretchen. It seems like she was afraid na kausapin ko si Papa.

"I won't sign it unless makausap ko si Papa," pagmamatigas ko.

Halos mapatalon ako sa gulat nang hampasin niya nang malakas ang table na nasa gitna. Matalim ang mga tingin na ipinupukol nito sa akin, pero hindi ako nagpaapekto roon at hindi natakot.

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon