Chapter 6

418 39 0
                                    

Sandali akong natameme sa harap ni Israel, hindi ko mahanap sa sariling dila ang isasagot sa kanya.  O kung mayroon ba akong dapat sabihin o mananahimik na lang ako rito…

Tahimik na kikiligin sa sinambit niya?

Marahas kong iwinilig ang ideyang ‘yon sa utak ko. What am I thinking, huh? How come this guy will make me shiver… for I believe, I shouldn’t be affected?

Or am I?

“I don’t care.” I started talking. “May karapatan naman siguro akong hindian ka kasi ako ‘yong ihahatid mo, ‘di ba?”

“But I insist--”

“Wala akong pakialam, Israel,” mariin kong saad. “Hindi na ako batang uhigin para i-treat mo nang ganyan! Kaya ko namang umuwi mag-isa.”

“Irene--”

“Sasakay ba kayong dalawa? Kung hindi, pwedeng umalis kayo riyan? Hindi makapasok ‘yong mga pasahero, e. Nakaharang kayo!” pagsita sa amin no’ng barker.

“Papasok na po, boss,” Israel answered.

And just like that, he forced me to enter the jeepney at siya naman ay kasunod ko. He’s sitting next to me which makes me uncomfortable.

I’m sick of this setup, literally!

Uumpisahan ko na bang pagsisihan na hinayaan ko pa siyang ligawan ako? I admit that he’s such a nice guy and pursigido talaga siya sa ginagawa niya.

But yeah, he should at least limit himself from doing things like this.

He had crossed the boundary, to the point that he’s making me uncomfortable from his actions… and he’s spoiling me too much.

As much as possible, I don’t want to get attached to him. Ayokong maging close kaming dalawa. Ayokong dumating ang araw na maging espesyal na siya sa buhay ko… because special people are too hard to let go.

Hindi ko gustong kasanayan na palaging nasa tabi ko si Israel dahil alam kong darating ang araw na iiwan niya rin ako. Iniingatan ko lang ang sarili ko sa posibilidad na masaktan, sa posibilidad na mahirapan akong kalimutan siya at tanggaping pinili niya akong iwan.

You can’t blame me if this is my way of thinking right now. People come and go, they’re just for temporary purposes. May expiration date kung kailan ang araw na hindi na sila pwedeng lapitan… kasi iniwan ka na nila.

“Ano’ng iniisip mo?”

“Mga pwede kong gawin para sukuan mo na ang panliligaw sa akin,” tugon ko.

Nakatuon lamang ang paningin ko sa bintana, tinititigan ang dinadaanan ng jeep para hindi ako mahilo.

“Hmm, may isang bagay ka naman na pwedeng gawin para patigilin ako na ligawan ka.” Dahil sa sinambit niya, he hooked my attention.

I looked at him. “Ano?”

“Edi sagutin mo na ako.” Muli na namang nagpakita sa akin ang bunny smile niya. His smile, indeed, lightened my mood. Mukha man siyang kuneho sa paningin ko, but he’s exceedingly attractive. “Ayos ba?”

“Not funny.” Nang huminto ang jeep sa labas ng village namin ay bumaba na rin ako kaagad.

Minadali ko ang paglalakad ko just so Israel won’t come near me… but I was failed. He’s still tailing me, an inch away from me.

Naaasar na hinarap ko siya. “Pwede bang umuwi ka na lang? Ilang beses ko bang kailangan ulitin sa iyo na hindi na ako bata para ihatid mo?! Kaya ko na ang sarili ko, Israel. So, please, get lost!”

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon