Chapter 16

293 36 2
                                    

I think I wasted an hour and thirty minutes by just picking which among the clothes I have should I wear. And until now, hindi pa rin ako nakakapili.

Hindi ko alam kung bakit nga ba kailangan kong pahirapan ang sarili ko sa pamimili ng damit, at kung bakit nga ba nako-conscious sa magiging itsura ko once Israel meet me later.

That feeling that he should see me as the most beautiful woman in the world, which I find so weird. OMG, what is really happening to me?

I looked at my reflection in the mirror, examining myself so hard. No, I shouldn’t stress myself just so Israel sees me as a gorgeous woman. For I believe, simplicity is the true definition of beauty.

With that conclusion, I picked the most simple outfit which I think will fit my body.

For my chosen outfit, I wore a V Neck long sleeve in solid color A-line. Ito na ang sa tingin kong pinakasimpleng damit na nasa wardrobe ko, although the dress is a loose type after I wear it, it’s totally fine naman dahil hindi ko type ‘yong mga fitted dresses na trend ngayon.

As I finished grooming myself, I went outside of my room para sana umalis na ng bahay. I texted him naman ‘yong oras at lugar ng pagkikita namin.

“Baka may nakakalimutan ka, Irene.” I looked at that witch when she talked. She’s waving her hand while handling those papers… again. Tiyak na kukulitin niya na naman akong pirmahan ‘yon.

“Could you please prolong your patience? I haven’t talk with my father yet--”

“Don’t try to fool me,” her voice screamed in anger. “Nagkausap kami ng papa mo kagabi, at sinabi niya sa akin na nakausap ka na niya.”

“Huwag ako ang gawin mong tanga rito, Irene. If I were you, I'd have signed this first para makaalis ka na agad. Mukha pa namang mahalaga ang lakad mo ngayon.”

Ngunit kapag ginawa ko ‘yon, para ko na ring binitiwan ang karapatan ko sa bahay na ito. Makukuha ng witch na ‘to ang bahay namin ng wala akong ginagawa? How come I let that slide?

“Does my decision even count?” I glanced at her, tossing my evil stare. “Pwede bang magdesisyon din ako kung papayag ako na pirmahan ‘yan?”

“I totally understand your reason why you still don’t want to sign the papers, Irene. Let’s say wala kang tiwala sa akin, but it is your father’s decision. Pinagkatiwala niya sa akin ang bahay na ‘to because I will be your mother soon.”

Umamo bigla ang mukha niya. “Alam kong hindi naging maganda ang trato namin ni Stacy sa iyo noon, but don’t you ever think people can change?”

“People does...” Ngumisi ako. “Pero kayong dalawa ng anak mo, imposible ‘yon.” Kinuha ko ang papel na hawak niya tiyaka ‘yon pinirmahan. “Now that I did you a favor, please stop ruining my life again.”

Lumabas na ako nang tuluyan sa bahay, mabawasan man lang sana ang sama ng loob ko. Aaminin ko, I accept that I’m defeated this time. Kailan ba hindi? Pero kung hindi ko naman pipirmahan ‘yon, hindi niya ako tiyak titigilan.

Si Papa na rin mismo ang nagsabi sa akin na pirmahan ko ‘yon… so I sign it for him.

“Kaninong kotse ‘yang ninakaw mo?” As soon as I went outside the gate, nakita ko si Israel na nakasandal sa gilid ng puting kotse, pormadong-pormado na naghihintay sa paglabas ko.

“Pinahiram sa akin ni Eli,” aniya bago buksan ang pinto ng passenger's seat. Ako naman ay pumasok sa loob habang hinihintay siyang pumasok.

“Ikinwento ko kasi sa kanya na pumayag ka nang makipag-date sa akin. Sinabi niyang gamitin ko itong kotse niya para hindi hassle na mamasahe pa tayo sa first date nating dalawa.”

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon