Chapter 49

108 5 1
                                    

The fvck? That's the exact photo on the day that Stacy pushed me towards Echo… and… someone just captured that?! And I think I shouldn't be surprised if that someone who took a photo of that is no other than Stacy. She's really a bitch!

"So, what's the meaning of this, Corrine? Bakit ka sini-ship ng mga fans kay Echo gayong alam naman nilang may relasyon ka kay Eli?" Warren started the interrogation.

"Dude, para ka namang ignorante. Kahapon ka lang ba ipinanganak?" at talagang nagawa pang magbiro ni Yuwi.

"Oo nga naman kasi." Tumayo nang tuwid si Harris at bahagyang pinagpagan ang suot na damit. "Wala namang inuurungan 'yang mga fans na 'yan. Kesyo may jowa 'yong artista o wala, basta't makitaan lang nila na may chemistry 'yong bida sa isang teleserye, ishi-ship nila 'yan, for sure." 

"Where's the lie?" segunda rito ni Israel.

And… he's not lying, though. Everything that Harris said just speaks the reality of showbiz. 

"Eli-"

"Don't bother to explain anything to me, Corrine. Hindi ako ipinanganak kahapon kagaya ni Warren." He just chortled. "As if I didn't experience being in your situation before." 

"Kung bakit ba naman kasi hindi na lang kayo maging official love team," ani Dylan while he's busy pinching Magi's tummy.
"Para lang walang selosan na mangyari, or hindi uncomfy para sa isa sa inyong dalawa na panoorin ang isa't isa na may kani-kaniyang love team, tapos ibang tao pa ang ka-kissing scene, 'di ba?"

"Alam nating lahat na imposible 'yang mangyari," si Julia ang nagsalita. "Pwera na lang kung isa sa kanila ang magparaya at mag-decide na iwan ang agency nila para lumipat sa agency ng isa."

"You know what, guys? Let's stop arguing about these things." Eli finally stood from his seat. "We can't please the fans to stop shipping their idols, especially if they get to see chemistry from the artists. That's reality."

And then, he walked away.

Kahit na sinabi man ni Eli kanina na okay lang sa kanya na makitang sini-ship ako ng ibang fans to Echo, alam kong deep inside… it's not favorable with him. Malamang ay may tampo pa rin siya sa akin dahil sa hindi ko pag-attend sa award show… tapos nadagdagan pa dahil dito.

"Corrine… I think… you should follow him?" 

"Naglalaro ba sila ng habulan, Magi?" tumatawang tanong naman ni Harris.

"Huwag ka na lang kasing makisali sa problema ng mga taken. Hindi ka talaga makaka-relate sa kanila!"

"Nagsalita ang wala rin namang jowa! Tantanan mo ako, Julia! Tiyaka mo na ako pagsalitaan nang ganyan 'pag may jowa ka na at na-experience mo nang mag-celebrate ng monthsary!"

"Sus, 'wag na kayong mag-away! Pareho lang naman kasi kayong walang jowa at 'di pa rin nakaka-experience mag-celebrate ng monthsary," prenteng sambit ni Yuwi.

"Gago, tatlo kayo." At nagawa pang humalakhak ni Dylan.

"Just don't mind them," untag bigla sa akin ni Alec. "Follow him."

I winced. "He needs time… and I'm willing to give it to him. Hihintayin ko na lang 'yong oras na handa na niya akong kausapin."

"Insane." Just like that, Israel walked towards me, and harshly tapped my shoulder. "Minsan, hindi magandang gamitin ang paghihintay at pagbibigay ng space para ayusin ang gusot sa isang relasyon, Corrine. You don't have to always wait for him to get himself ready and talk with you. Because the right thing to do… is to have a conversation with him when he's obviously giving you the opportunity." 

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon