Chapter 50

131 4 2
                                    

At dahil mukhang go naman silang lahat para sa binabalak na pakulo ni Eli, pumayag na rin ako na maging cameraman nila. Isa rin naman sa pangarap ko ang maranasang makapag-film ng isang music video, and I’ll be the one to direct it.

Ngayong sinasampal na ako ng opportunity ni Eli, I find no reason to object.

“Kailangan pa bang magsabit ng bagay na ‘yan sa leeg? E, ang kati-kati kaya n’yan, Julia!” rinig kong reklamo ni Yuwi.

Dahil ngayong araw nila binalak gawin ang gimik, considering that today is the day before Christmas, tapos hapon pa lang naman… ngayon, ang DWEIYAH ay inaayusan na nina Magi at Julia para sa costumes at kaunting makeup.

“Ang arte naman ng balat mo, Yuwi! Garland lang ito, ‘wag ka matakot!”  bubbled Julia as she excitedly hung the garland on Yuwi’s neck.

Pero dahil dakilang pasaway si Yuwi, agad niyang inalis sa leeg niya ‘yong garland nang umalis si Julia sa harap niya para si Israel naman ang tunguhan.

The garland was supposedly the boys main costume and maging uniform sila, but ended up only three of them remain wearing it; sina Israel, Eli at Warren lang. The rest of the boys are just wearing some headbands with Christmas decorations, tinernuhan pa ng mga long sleeves with Christmas-themed prints.

“How do I look?” Abala akong inaayos ang anggulo ng camera nang biglang lumapit sa akin si Eli, just so he could ask me that question.

“You look like…” Kunwaring nag-iisip ako habang napapahimas sa chin ko. “My future husband?”

“No one, but me, should be your future husband, of course.”

Hinubad niya ang malalaglag na niyang headband sa ulo at ‘yon ay iniabot sa akin. His intention of doing that was, obviously, to request na ibalik ko ‘yon sa ayos sa buhok niya.

“Do you think… will the fans like my surprise for them?”

“They will love it, Eli.” I brushed his soft hair to the side. “They will really appreciate your effort of granting their wish… to dance to one of BTS’ songs. Mark my words… it will go viral.”

Natawa siya sa sinabi ko. “You really think so?”

And I just nodded.

“Nor do I. Paano namang hindi magba-viral ang gagawin nating video–”

“Sure akong magba-viral tayo, Eli. Kasama n’yo ba naman ako sa screen… nako! Siguradong buong mundo ang magkakagulo dahil sa kagwapuhan ko. Baka halos kalahati ng populasyon ng mga tao sa buong mundo ay magsilaglagan ang mga panty the moment na makita nila ako sa mga screen nila… tapos mapapatanong na lang sila sa kawalan kung bakit ang isang gwapong kagaya ko… ay hindi isang artista?”

“Ayan ka na naman sa kahanginan mo, Harris,” iiling-iling na sambit ni Alec at gamit ang kanyang braso, ipinulupot niya ito sa leeg ni Harris para hilahin na roon kina Israel na nagpa-practice na ng sayaw.

“Bakit pa ako magpa-practice? I’m a great dancer, you know?” Tapos ay parang baliw siyang nagsasasayaw sa gitna habang sinusundan ang step na ginagawa nina Israel, Dylan at Warren.

Si Eli naman ay sinamahan na rin sina Harris sa pagpa-practice.

“Mukhang marami-raming take ang mangyayari nito, Corrine,” beamed Magi as she finished retouching Warren’s face.

Lahat sila ay nakagayak na at mga handang-handa na sa pagsayaw, practice at pagkabisa na lang sa choreography ang gagawin. Madali lang naman daw, according to Dylan, ang choreography ng Butter, so he believes na hindi magiging hassle ang practice na gagawin nila.

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon