Chapter 19

294 32 0
                                    

My life after one and a half year was not that easy to survive. I'm back to square one, starting a new life without others restricting me to do what I want.

Hindi naging madali na magsimula ng bagong buhay without my father in my side. All of our assets were secured by Gretchen. Nagpapakasasa ang mag-inang 'yon sa kayamanang hindi naman kanila.

At 'yon ang sinisiguro kong babawiin ko sa lalong madaling panahon.

With Eli's help, nagawa kong tapusin ang pag-aaral ko. Sineryoso talaga niya 'yong sinabi niya sa akin na tutulungan niya akong magsimula ulit, at lubos kong ipinagpapasalamat na buhay pa rin ako ngayon dahil sa kanya.

Actually sa kanilang magkakaibigan, kasi after everything that had happened, hindi nila ko kinalimutang tulungan. And that's when I realized that they're not just friends... they're a family.

"Kaya mo ba talaga? Pwede ka namang umatras kung hindi mo talaga kaya."

Umiling ako. "Kayang-kaya ko po, direk. Ready na po ako sumabak."

Huminga muna ako nang malalim bago sumilip sa ibaba. Nasa tuktok ako ngayon ng isang napakataas na building, in the midst of shooting a drama. Extra lang naman ang role ko sa drama, bale isang pasyente sa mental na siyang witness sa isang kaso.

All about law ang drama na ito, and ang character ko ay magsisilbing witness para maisara na nang tuluyan ang kaso, pero dahil may problema ako sa pag-iisip dito, tumakbo ako palabas ng mental hospital at umakyat sa tuktok ng mataas na building na 'to.

Mayroon namang tali sa likod ko pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan, e. Ang taas nitong tatalunin ko, baka habang nasa ere ako ay mahimatay na lang ako bigla.

Hindi naman ako na-inform na gan'to pala kahirap 'pag magsisimula ka nang maging artista. Kailangan talagang gumapang muna sa umpisa bago marating ang rurok ng tagumpay.

"In one, two, three... action!"

'Yon na ang naging hudyat para gumalaw na ako't pikit-matang tinalon ang mataas na building. Gumuhit sa pisngi ko ang matalim na hangin habang pababa ako nang pababa, ang puso ko naman ay sobrang lakas ng tibok na tila ito na ang huling araw na titibok ito nang ganito.

Ngunit dahil may taling nakakabit sa akin, lumutang lang ako sa ere matapos i-cut 'yong pag-shoot. At ang sumunod na eksena ay ako, nakahiga sa kalsada, at punong-puno ng ketchup ang katawan ko---mga food colors at ketchup na nagsilbing dugo.

"Good take!"

"Thank you, direk."

At doon na natapos ang acting career ko para sa drama na 'yon. Tanging ganap ko lang doon ay ipakitang tinatakasan ko 'yong bida which is isang lawyer para umakyat sa building at doon magpakamatay.

May mental illness kasi 'yong character ko and ilag din at takot sa mga tao, that's why my character ended up suicidal.

Nang makaligo ako't maayusan ang sarili ko, saglit akong sumilip sa set. Busy pa rin ang mga staffs at mga artistang sumasabak sa shooting.

Suddenly, I see myself smiling while watching Miss Lauren and Mister Kerby act their roles properly. Their acting skills is superb, and now wishing myself na someday, sana ay maging kasinggaling din nila ako sa pag-arte.

"Kumusta ang unang sabak mo?"

"Na-enjoy ko naman kahit papaano." Iniayos ko ang pagkakakabit ng seatbelt bago umayos ng upo.

"Ang tapang ko nga raw sabi ni Direk kasi hindi ako natakot na talunin 'yong napakataas na building. Bakit naman ako matatakot, 'di ba? May tali naman na nakakabit sa likod ko, sure naman na safe ako."

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon