Chapter 53

105 7 0
                                    

Imbes na makipagtalo pa ako kay Stacy at piliing palakihin pa ang gulo, I remained my mouth shut instead. The shooting place is not the right place para palagan ko si Stacy at para paandarin ko ang pagka-immature ko.

For sure, mas madadagdagan lang ang init ng ulo ni Direk sakaling magkaroon pa ng away sa set. Baka maging sobra pa sa 24 hours ang working hours namin ngayong araw kung nagkataon.

Pinagpahinga muna kami ni Direk after shooting that unperfect scene, that eventually will be retaken after the short break. Masyado ko lang sigurong na-miss si Eli that's why I have mentioned his name during the taping.

But the crying scene was still a broken puzzle to me. What were those tears for?

"Ako ang hinahanap mo, Irene," I heard someone says… and it was Stacy. "Yes, definitely. Ako ang may-ari ng fan account at ang nasa likod ng death threats na natatanggap ni Eli." And she was saying those words the whole time, smiling. 

"Dapat ba akong ma-surprise?" 

"You should've been startled now. That's what I'm expecting." She laughed before going near me, and then she sat on the chair next to me. "Alam ko namang matagal mo na rin akong pinagsususpetsyahan na ako 'yong nasa likod ng fan account that continuously shipping you with Echo."

"But the threats you're giving to Eli, what was that for?" I'm quite soft to withstand this situation, so my eyes are getting teary. "Naiintindihan ko kung sana ako lang. Bakit dinadamay mo si Eli?"

"I want to ruin your life, Irene," nakangisi niyang bulong at ang mga mata niya ay nagliliyab sa sobrang gigil na masira niya ang buhay ko.

Kung wala lang kami sa set ngayon, kanina ko pa sinabunutan ang babaeng ito at inginudngod ang nguso niya sa maruming inidoro.

"And because Eli is a bigger part of your life, I've started with him. Finishing my mission with you… making you quit showbiz." Hindi na niya ako hinayaan pang makapagsalita dahil agad ring tumayo si Stacy at naglakad na paalis.

And I was like a fvcking dumb here, clenching my fist. Nanggigigil ako sa kanya, to the point na gusto ko siyang saksakin, saktan… patayin! That bitch… ang kapal ng mukha niyang pagplanuhan na sirain ang buhay kong kabubuo lang magmula nang palayasin nila ako sa bahay namin noon.

I promised myself that I will be stronger this time. With Eli helping me to rise from the ashes of yesterday, I inclined to be bolder the next day I'll meet those witches. Pero anong nangyayari ngayon? Bakit parang nauulit lang ang nangyari sa nakaraan? I'm still weak. I'm still soft. My body has run out of fuel to keep my fire burning. 

Gan'to na lang ba ako? Hihintayin ko na lang bang dumating 'yong araw na tuluyan nang masira ni Stacy ang buhay ko? Si Eli, 'yong career ko, 'yong pangarap ko… ngayong hawak ko na ang mga 'yon at nasa kamay ko na, hahayaan ko bang maagaw pa ito ng iba at hayaang sila ang magpaikot nito?

Definitely, not.

"You, bitch…" Mariing pinakatitigan ko si Stacy na masayang nagbibida-bida kay Direk at mukhang may ipinagmamalaki pa rito.

Ni hindi nga marunong umiyak, bakit puring-puri ni Direk 'yan?

"Sige, magpakasaya ka ngayon. Yari ka sa akin one of these days."

For once in a while, I would say goodbye to my soft side. 'Yong hindi ko nagawa noon na ipaglaban ang pangarap ko, I won't let that happen again. Kung gusto niya ng gulo, I will give her the war I pledge myself to conquer. Even if aiming to win the war will cost Eli or anything that matters to me, handa akong isugal 'yon.

Para sa pangarap ko at para sa mga taong mahalaga sa buhay ko, handa akong magsakripisyo para lang wala nang importante sa buhay ko ang mawala. Kung may dapat mang mawala sa mundong ito, si Stacy 'yon at ang nanay niya.

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon