Chapter 12

331 36 1
                                    

"Do you mean it?"

"Kung ayaw mo, okay lang naman sa akin. Babawiin ko na lang 'yong sinabi ko--"

He swiftly grabbed my hand and pecked a kiss in it which made me stop from talking. For sure, he's not aware that in his little way, he makes me shiver. 

"Kailan ka pwede?" 

"Siguro sa araw na hindi ako busy." I hummed. "Ite-text na lang kita kung kailan. And reminder lang, hindi mo kailangang gumastos ng malaki just to rent a prestigious restaurant for me. Okay na ako sa isang simpleng lugar."

"Obligasyon ng lalaki na dalhin sa isang espesyal na lugar ang babae. Ako nang bahala sa diskarte kung paano ko gagawing extra special ang lugar na 'yon." Hindi ko alam kung para saan ang ginawa niyang pagkindat.

Right after the conversation we had, naghiwalay na rin kami ng landas ni Israel nang makalabas ng convenience store. He's going to Eli. Surprisingly, nalaman kong nagtatrabaho pala si Israel kay Eli. 

Kaya pala madalas ko silang nakikita na magkasama lately. He's duty is something like Eli's personal assistant, ngunit temporary lang naman daw 'yon hanggang sa makatapos lang si Israel sa pag-aaral. 

Ang kasama naman ni Israel sa bahay ay 'yong tiyahin nitong matandang dalaga, alagain pa raw niya. Hindi ko siya nakita no'ng nagpunta ako sa bahay nina Israel kasi naka-confine daw that time 'yong tita niya kasi na-stroke daw.

In short, wala siyang source of income kung hindi ang magtrabaho upang pag-aralin at buhayin ang sarili niya. I'm not aware na hindi pala niya kasama ang mga magulang niya sa bahay. Kung nasaan man sila, hindi ko na 'yon itinanong pa kasi ayokong isipin ni Israel na nanghihimasok ako sa buhay niya.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

I'm on my way home nang biglang mag-ring ang phone ko, and it was Delancy who's calling me.

"Okay." Tiyaka ibinaba ang phone. 

Hindi na ako nagtuloy na umuwi sa bahay, bagkus tinahak ko ang daan hanggang sa entrance ng aming village kung saan daw ako susunduin nina Delancy. May mahalaga raw kaming pupuntahan, and she was asking me to come. 

Dahil hiyang-hiya ako na humindi sa kanya, considering that she's now my friend, kaya pumayag na lang ako sa gusto niya. Bahala na kung saan man nila ako dalhin.

I waited for a few minutes before they arrived. Sumakay ako sa kotseng nakahinto sa harap ko, gulat na napatingin sa dalawang katabi ko sa upuan. Nasa harap si Delancy katabi ni Warren, at ang dalawa naman na kasama ko sa likod ay si Yuwi at Dylan.

"Saan n'yo ako dadalhin?" may halong kaba na tanong ko. Buong akala ko ay kami lang ni Delancy ang may lakad, pero bakit kasama sila?

"Mapilit kasi si Magi," ani Dylan. "Sumama raw ako ngayon sa inyo para tumulong sa pagbubuhat daw ng paper bag."

Paper bag? Bakit naman sila magbubuhat no'n? Saan ba talaga nila ako dadalhin?

"Hindi dapat ako kasama kaso hinila niya ako palabas ng bahay namin." Itinuro naman ni Yuwi ang katabi niyang si Dylan.

"Wait, saan ba talaga ang punta natin?" naguguluhan kong tanong.

"We'll go shopping!" Delancy exclaimed. "In preparation for Magi and Dylan's engagement party, nandito kami para bilhan ka ng damit at mga gamit na gagamitin mo sa party."

"Special guest ka raw kasi kaya may special treatment ka. Mala-disney princess ang galawan kaya lang wala kaming magic wand to dressed you up," natatawang sambit naman no'ng si Warren.

"Hindi n'yo naman kailangan gawin 'to. Ayokong gumastos pa kayo ng malaki para lang sa akin." I'm trying my best to refuse their offer.

"Nakasakay ka na ng kotse, Irene. Huli na para magreklamo ka," Yuwi hissed.

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon