Chapter 56

108 7 0
                                    

"Para patayin ang isyu na kumakalat tungkol sa break-up namin ni Eli, everything is just a rumor," my opening statement as I was keeping my eyes looking strong in front of the camera. "We have no idea who's the person behind leaking this fake news throughout social media."

"As we are facing the cameras right now to leave a statement, we are pleased to clarify everything that Eli and I are still in a relationship." At least I'd still call Eli as my boyfriend even only in front of hundreds of cameras and thousands of our fans. 

"Gusto ko lang din idagdag sa sinabi ni Corrine, I can assure both of our fandoms that there were no collisions that would ever happen between us. Remember our promise to all of you?" 

Naguguluhan kong tinapunan ng tingin si Eli for saying those words na wala naman sa script. I mean... wala sa usapan na kailangan niya pang sabihin sa public ang pagbibigay ng assurance sa mga fans na walang break-up na mangyayari between us. Lumalayo na siya sa direksyon ng goal dapat namin ngayon.

"That... I am forever binded with her soul," Eli continued.

At ang tanging nagawa ko na lamang ay ang pilitin ang sariling ngumiti alang-alang sa magiging imahe ko sa camera na nakatutok sa aming dalawa.

He's fvcking insane!

"Kaya kung magpapatuloy man ang pagkalat ng sari-saring rumors tungkol sa aming dalawa ni Corrine, let's all ignore it. We hope that after clarifying the state of our relationship today, malinaw sa inyong ang rumors na kumakalat ay mananatiling walang katotohanan."

Eli then turned his gaze at me, beckoning that it was my turn to speak. "Yes, absolutely."

"Anyway, let's all meet on New Year's Eve for the much awaited concert of my boyfriend. See you there!"

And after casting my last lines, the recording ended and we immediately left the studio, not realizing we had left those reporters there, trying to ask another batch of questions after the shooting.

"Bakit mo sinabi 'yon?" I asked him, still sauntering going outside. 

"Did I say something wrong?"

"Eli..."

Huminto ako sa paglalakad para hindi ko siya makasabay. Ilang hakbang siyang nauna sa akin nang siguro ay mapansin niyang wala na ako sa tabi niya. And he looked at his back, naglalakad na ngayon papalapit sa akin. 

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang kamay niya... kung saan hindi na roon nakasuot 'yong cartier watch na ibinigay ko sa kanya no'ng Pasko. Habang 'yong sa akin... tinatanggal ko lang 'yon every time na maliligo ako.

The f.

"You're giving them hope as if our relationship could be sorted out. Baka lang hanggang ngayon ay hindi ka pa rin aware tungkol sa dahilan kung bakit kailangan nating magsalita sa publiko. Eli-"

"Of course, I know." He's looking at me with a straight face. "Alam ko ang ginagawa ko, Corrine. Wala kang kailangan ipag-alala." 

What? Wala akong kailangan ipag-alala pagkatapos ng sinabi niyang hindi naman parte ng napag-usapan namin kasama ang mga managers namin? Is he really out of his mind?

"I've been waiting for you outside for almost an hour. Medyo naging matagal yata kayo sa loob? Nagkaproblema ba?" Naagaw ni Stacy ang atensyon ko nang sumalubong siya sa amin ni Eli---sinalubong niya si Eli ng yakap.

And it caused me pain as I was seeing my man hugging another woman.

"Wala. Naging smooth naman ang lahat as it should be. I think speaking to the public regarding the issue would at least cease the fire. Kung sinuman 'yong nagpapakalat ng tungkol sa balita, I hope that person will stopped his/her nonsense business."

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon