Chapter 18

303 33 1
                                    

“Believe me or not, Irene but… I can assure you na hindi ako masamang tao. Ginawa lang akong masamang tao ng malandi mong nanay!”

Buong akala ko ay tapos na sa linya niya si Tita Gretchen pero may kasudlong pa pala. And now, she’s insulting my mother again!

“Hindi mo kilala si Mama kaya wala kang karapatan na insultuhin siya--”

“Iyon ang akala mo.” Naglakad siya palapit sa akin at idinikit nang bahagya ang mukha sa akin. “Mukhang hindi ka aware na namatay sa aksidente ang mama mo kasama ang kabit nito. Sino ‘yong kabit? Asawa ko lang naman, Irene.”

Nanginig ang kamao ko sa narinig, trying to process everything she uttered. Is she trying to say that my mother cheated to my father?

No, imposible ‘yon! Never did I imagine that my mother could do that! Not even once!

“Isinama niya pa sa kamalasan niya ang asawa ko kaya ngayon, walang kinikilalang ama si Stacy. ‘Yon ay dahil sa haliparot mong ina, Irene! Kaya masisisi mo ba ako na pinahihirapan ko kayo nang gan’to ng papa mo? Deserve n’yo ‘yan, kabayaran sa kawalanghiyaan ng nanay mo!”

“So, you’re saying… everything was all planned?”

Lumayo na siya sa akin bago ngumisi. “Exactly. Nanghimasok ako sa buhay ninyong mag-ama dahil hindi ako ‘yong tipo ng tao na tatayo na lang sa gilid nang walang ginagawa. Buhay ng asawa ko ang nawala, dapat lang na buhay rin ang maging kapalit no’n. Buhay n’yong mag-ama na gagawin ko talagang miserable!”

“Success naman ang plano ko, Irene. Napaikot ko nang husto ang papa mo at ngayon nga ay nasa rehab na siya dala ng sobrang pagka-high sa drugs. Without letting you know, pinauwi ko ang papa mo rito sa Pinas two months ago.

Bakit kamo? Because he’s begging me to give him those drugs. Oo, Irene… high na ang papa mo noong huling pagkikita n’yo.

Thanks to me because he ended up like that. Nabaliw ko siya’t napaikot nang hindi mo nalalaman. Unfortunately, dahil sobra na siyang naadik ay kinailangan na siyang dalhin sa rehab. How tragic, right?” she added, as her smirk remained planted on her lips.

Napakasama niya. Matapos siyang pagkatiwalaan ng papa ko, ito ‘yong isusukli niya? Wala siyang kasingsama!

“Umalis ka na rito, Irene. Ayaw na naming makita pang muli ang pagmumukha mo rito!” And after saying those words, pinagsaraduhan na nila ako ng gate.

Hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaan ang mga nalaman ko. Dala siguro ng panghihina, naupo na lamang ako sa gilid ng gate habang yakap-yakap ang mga tuhod ko.

Sobrang sakit pala talagang malaman ang katotohanan. Buong buhay ko ay ang linis ng tingin ko sa pagkatao ni Mama without knowing na may idudumi pala ang pagkatao niya.

How come she could do that thing? I thought she really love my father… pero bakit siya nag-cheat? Bakit siya nanira ng ibang pamilya kung mahal niya talaga kami ni Papa?

“Mama…”

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang buong katotohanan. Si Mama ‘yong nagsabi sa akin noon tungkol sa tunay na kahulugan ng katapatan, but why did she choose to betray us?

Paano ko malalaman ang paliwanag niya if I’m already disconnected with her more than a year? My goodness. Can someone teach me to not overthink like this? How could I make a healthy relationship if I’m an overthinker?

Toxic.

Walang mangyayari sa buhay ko kung iiyak lang ako rito kaya ang ginawa ko ay tumayo na ako’t kinuha ang maleta at ilang mga backpack kung saan naroon ang iba kong mga damit.

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon