Chapter 1

796 47 6
                                    

"Huwag ka na umiyak, anak. Babalik din si Papa, okay?" Gamit ang kanyang mga palad, he wiped my tears. "Nandito naman ang Mama Gretchen mo para alagaan ka... so, you don't have to worry. Ginagawa ko naman 'to para sa inyo, so hush now."

Kinagat ko nang mariin ang labi ko.

Gustong-gusto kong magsumbong kay Papa tungkol sa halos apat na taong pamamalagi ko sa impyernong bahay na ito magmula noong dalhin ni Papa sa bahay ang bago niyang future asawa pati na rin ang maldita nitong anak, si Stacy, ay hindi na naging maayos ang buhay ko.

I'm dying hard to tell him the truth, that I'm suffocated in this home---I no longer feel that it was my home.

"Bumalik ka kaagad, pa," ang tanging nasambit ko imbes na ituloy ang plano kong magsumbong.

How could I even do that? Her eyes were on me... at siguradong yari ako if I dare to do that.

"Mag-ingat ka roon, honey! Hindi mo na kailangan pang mag-alala riyan kay Irene. Aalagaan at mamahalin ko siya na parang anak... gaya ng naipangako ko sa iyo." She then gave my father a warm hug and they kissed swiftly before my father got inside the van, together with his luggage.

Wala na naman akong kakampi sa bahay na ito.

Muntik na akong makipaghalikan sa sementong kalsada nang marahas na itulak ni Tita Gretchen ang balikat ko.

I looked at her... only to meet her evil stare poking at me. "B-Bakit po?"

"Nagtatanong ka pa talaga kung bakit? Ano pang itinatayo-tayo mo riyan? Prepare our breakfast now!"

Natatarantang tumango ako bago pumasok ng bahay. Sa kusina ang diretsyo ko upang ipagluto ng almusal ang mga alagang sawa ng papa ko.

Gusto ni Papa na kumuha kami ng kasambahay rito sa bahay pero tinanggihan 'yon ni Tita Gretchen kasi raw dagdag bayarin pa raw. She even told my father na kaya niya na raw ang mga gawaing bahay... but it ended up like this.

Hindi siya pumayag na mag-hire si Papa ng kasambahay kasi ako ang gagawin nilang kasambahay.

I really hate that witch! Kung hindi lang ako natatakot na mapaalis sa bahay na ito, baka matagal ko na siyang isinumbong kay Papa.

Kaso alam kong sakaling gawin ko ang magsumbong, my father will surely not believe me. Malamang ay napaikot na nang husto ni Tita Gretchen si Papa. He's only believing in Tita Gretchen's words.

Masakit man sa kalooban ko na mapunta sa ganitong sitwasyon, when in fact mas may karapatan ako sa bahay na ito kasi ako ang tunay na anak ni Papa... ang tunay niyang pamilya, dahil nga hindi pa sila officially married ni Tita Gretchen, but still I'm scared of not being heard.

"Payday mo ngayon, 'di ba?" while serving the foods on the table, Tita Gretchen asked. "Irene, where's your revenue? Hindi ka pa nagbibigay sa akin."

"Hindi ko pa po na-w-withdraw--"

"Ano pang hinihintay mo't bakit hindi mo pa wini-withdraw?" Her words frozed me for a second. "Kung hihintayin pa natin ang papa mo na magpadala, edi sa Pasko pa tayo kakain?"

"Marami pa naman pong stock foods--"

"Could you please shut up, Irene?!" Stacy raised her voice. "Ibigay mo na lang kay Mommy 'yong sweldo mo. Huwag ka nang magbalak to argue with her, understood?!"

"Withdraw-hin mo lahat ng pera na nasa bank account mo, and then give it to me. It was also for your own sake, hija. Stop opposing my decision, or else..."

I clenched my fist, zipping my mouth to stop talking. She's ordering me to transfer all my money to her... without knowing how important those money were for me.

Euphoria: Dosage of RhapsodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon