"Tingin ko wala namang masama kung aayain man kitang mag-date, 'di ba?" he added while he's still looking at me, solemnly.
I swallowed hard, finding any single word to utter. "We're not even couple, so bakit ako papayag? Nililigawan mo pa lang ako, baka nakakalimutan mo 'yon, Israel?"
Ang advance nito, gusto agad ako i-date. Hindi naman sa ayaw kong makipag-date sa kanya pero kasi ang bilis niya pa kay Flash. Hindi niya man lang dahan-dahanin ang lahat sa pagitan naming dalawa.
"Sina Warren at Delancy nga, nag-date muna silang dalawa bago silang maging official. Tiyaka wala naman sa batas na pwede ka lang makipag-date sa isang babae 'pag may label na kayo," pagpupumilit niya pa rin sa gusto niyang mangyari.
"Iba ang pananaw ko sa kanila, Israel. Bakit ba hindi mo maintindihan 'yon? Hindi ako 'yong tipo ng babae na makikipag-date sa isang lalaki na hindi ako hundred percent sure na gusto ko na siya."
Mataman ko siyang tiningnan. "May karapatan naman siguro akong tumanggi o pag-isipan man lang nang maigi 'yang hinihingi mo sa akin, 'di ba? Ako naman 'yong nililigawan mo at ako 'yong inaalok mo na makipag-date…"
I heave a sigh. "Let me think about it."
Alam kong ang dami kong sinabi sa kanya na pawang nagpapahiwatig na ayokong makipag-date sa kanya, pero dahil marupok ako, hindi ko rin inaasahan na magiging gano'n ang sagot ko.
"Okay lang naman." He chortled. "At least ngayon, mukhang may chance na papayag kang makipag-date sa akin."
"Asa ka." Pumasok na ako sa loob ng bahay at iniwan si Israel sa labas, tawa siya nang tawa na animo'y huling tawa niya na 'yon.
Hindi naman sa pagmamataas or pagiging pabebe, ayokong pumayag na makipag-date kay Israel dahil natatakot akong mas mapalapit ako sa kanya.
Ayokong maging too attached sa isang tao na 'di ako siguradong hanggang dulo ba ay hindi ako iiwan. Natatakot akong maging close muli ako sa isang tao, then after few days, e bigla na lang maglalaho na parang bula.
Just like how I feel when I lost my mother, it brings trauma in my life. Mahirap bitawan ang isang taong napalapit na sa iyo nang sobra, kaya hangga't maaari, pinipilit kong dumistansya sa kanya.
But I know it will be this hard, knowing that Israel was willing to devote himself to someone like me. Alam ko namang seryoso siya sa akin, but it's not the only thing I included in my criteria just to prove he was the one.
"Hindi mo pa rin ba nakakausap ang papa mo, Irene?" Si Tita Gretchen kaagad ang sumalubong sa akin nang makapasok sa loob ng bahay.
Ibinaba ko muna sa table ang mga pinamili ko bago siya hinarap. "I tried to call him multiple times already, but he's not answering my calls."
"Edi subukan mo ulit ngayon, baka sumagot na!"
"Tita, 'wag mo naman sana akong madaliin--"
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang na mapunta sa pangalan ko ang titulo ng bahay!" pagputol nito sa sinasabi ko. "Hanggang ngayon ay kumakapit ka pa rin sa kapiranggot na pag-asang mananatiling sa iyo ang bahay na 'to, 'di ba?"
"Dahil mas may karapatan ako kaysa sa inyo!" Nilakasan ko ang loob ko upang sagutin siya. "Hindi pa kayo kasal ni Papa, at hangga't hindi nangyayari 'yon, wala kang pag-aari!"
"Sumasagot ka pa--"
Lumayo ako kaagad sa kanya dahil kabisado ko na si Tita Gretchen, binabalak na naman niya akong saktan.
"Sa tingin mo, 'pag sinaktan mo ako e mababago na ang desisyon ko? Asa ka pa, Tita Gretchen. Pagod na akong maging aso na sunud-sunuran sa iyo! Hindi mo na ako ulit mako-control!"

BINABASA MO ANG
Euphoria: Dosage of Rhapsodies
Teen FictionLOVE YOURSELF: THE SERIES 2 For long years of moving on from the death of her first love, Corrine finally find the courage to open her heart again. She thinks she has moved on... not when one day, her first love came back to her life.