HOMWHB 5

2.6K 55 5
                                    


"Alis po muna ako papa, may pupuntahan lang po ako, ibibili ko na rin po kayo ng bagong oxygen at dextrose, ikaw na muna ang bahala Betty kay papa ha, babalik din agad ang ate," paalam ni Alexa sa mga ito. Bago umalis ay nagmano ito sa kaniyang mahal na ama.

Kumaway-kaway naman si Betty habang naglalakad palayo ang kaniyang ate.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay agad namang nakasakay si Alexa sa isang pang pasaherong jeep at bumaba na sa kaniyang pinagta-trabahuhan na bar.

Pagkababa nito ay agad niyang inayos ang kaniyang buhok na nagulo dahil sa mahanging biyahe. Kinuha sa kaniyang bag ang itim na panali sa buhok atsaka ibinuhol sa kaniyang buhok.

Bumuntong hininga ito bago naglakad papalapit sa harapan ng gate ng bar.

"Hindi po kayo pwedeng pumasok," sambit ng isang naka kulay itim na damit na bouncer ng bar. Agad namang humarang din ang isa pang bouncer.

"Teka lang, bakit pinagbabawalan ninyo ako eh nagta-trabaho ako rito?" takang saad naman ni Alexa at pilit na pumapasok.

"Hindi po talaga pwede, mapapasara po ang bar na ito kapag nagpumilit po kayong pumasok, kaya pakiusap po huwag ninyo na pong tangkain ma'am," umiiling-iling  na saad ng iss pang bouncer ng bar.

"Ano bang trip ninyo ha? Papasukin ninyo nga ako, kakausapin ko lang saglit si Madam," pakiusap ni Alexa ngunit hindi pa rin siyang pinag bigyan ng dalawang bouncer.

"Diyan lang po kayo ma'am, ako nalang po tatawag kay Madam at magsasabi na gusto mo siya makausap," sambit ng isa sa mga bouncer at dali-daling naglakad papunta sa loob.

Halos isang minuto lang ang hinintay ni Alexa at lumabas na rin ang bouncer kasama ang madam ng mga ito.

"Madam ano bang nangyayari? Bakit hindi na ako pwede pumasok dito? Dito ako nagwo-work hindi ba? Bakit bawal? Tanggal na ba ako sa work? Pero bakit madam?" agad na tanong ni Alexa.

"Pasensya ka na Alexa, alam mong gusto ko ang performance mo rito sa bar pero hindi ko maaatim na mawala ang bar na ito nang dahil lamang sa iyo," malungkot na tugon naman ng madam nito.

"Bakit po ba? Ano po bang nangyayari, naguguluhan na po ako, wala naman po akong ginagawang masama hindi ba?" muling tanong ni Alexa. Tumango naman ang madam nito bilang sagot.

"Wala kang ginawang masama pero kapag tinanggap pa kitang muli rito ipapasara ni Mister Lykus Harrison ang buong bar na ito. Ayaw niyang makikita pa ng ibang lalaki ang katawan mo, tanging siya lang daw ang magma-may ari sa iyo," malungkot na saad ng madam nila.

Napatulala at napakuyom na lamang si Alexa ng kaniyang kamay.

"Hays, that man! Sino siya para kontrolin yong trabaho ko? Ang buhay ko?" wika sa isipan ni Alexa.

"Pasensya na talaga Alexa, ingat ka pag-uwi ha,"

"Nai-intindihan ko po Madam, sige po salamat po mauna na po ako," walang saad ni Alexa at tumalikod na sa kaniyang madam at nagsimula ng maglakad papalayo sa bar.

"Kailangan ko ng iba pang trabaho para mas makaipon ako ng pera para sa  operasyon ni papa, pero dahil sa makasariling lalaki na 'yon wala sa aking tatanggao panigurado," nakakuyom ang kamay na saad ni Alexa habang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Habang nakatulalang naglalakad si Alexa ay naramdaman niyang nagba-vibrate ang kaniyang cellphone. Agad naman niya itong kinuha.

"Hello Betty, bakit ka napatawag?" agad na tanong nito.

"Ate si papa dinala namin sa hospital!" nag a-alalang saad ni Betty.

"Ano? Teka papunta na ako!" nag aalalang tugon naman ni Alexa at mabilis na sumakay sa sasakyan at pumuntang hospital.

To be continued...
Enjoy reading guys.

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon