HOMWHB 7

2.4K 63 2
                                    

Nakatulala lamang si Alexa habang nakasandal sa bintana ng sasakyan.

Sinusulyap-sulyapan naman ito ng lalaki na abala rin sa pagmamaneho ng sasakyan.

"Napaka sama niya talaga!" bulong ni Alexa habang matalas na nakatingin sa labas ng bintana.

Bigla namang sumagi sa isipan ng driver ang pinag usapan nila ng kaniyang boss na si Mr. Harrison.

"Boss bakit po bumalik agad kayo? Akala ko po may meeting kayo?" tanong nito.

"I'm not feeling well, call Alexa please, I really need her," sagot naman ni Mister Harrison.

"Pero boss, according sa nagbabantay kay Madam Alexa nasa hospital po siya ngayon?" tugon naman ng lalaki.

"What? What happened to her?" nag aalalang tanong ni Mister Harrison.

"Yong papa po niya boss kailangan daw po ma operahan at kailangan niya ng malaking halaga,"

"You should go there bayaran mo ang dapat bayaran, here," *cough* *cough* tugon ni Mister Harrison at iniabot ang cheke sa lalaki.

"Boss namumula po kayo,"

"Don't mind me, go to the hospital now and pay all the hospital and surgery expenses, and dalhin mo rito si Alexa," utos nito.

"Pero mukhang malabo po na sumama siya at nag a-agaw buhay po ang papa niya,"

"Just please bring her here, I really need her, konsensyahin mo kung maari," pakiusap ni Mr. Harrison.

"Pero boss magiging masama ka na naman sa paningin niya,"

"Alam kong ako na ang pinaka masamang tao para sa kanya but I really don't care about that, as long as makakasama ko siya masaya na ako doon, you should go now," utos muli ni Mr. Harrison.

"Kung alam mo lang madam kung gaano kabait at gaano ka kamahal ni boss," wika naman ng driver sa isipan nito habang nagmamaneho.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na agad sila sa mansiyon ni Mr. Harrison.

Agad namang umakyat si Alexa sa taas, sa kwarto ni Mr. Harrison.

"What do you wa---," bulyaw na bungad ni Alexa ngunit unti-unti siyang napatigil nang makita si Mr. Harrison.

"Finally you are here," nanghihinang saad ni Mr. Harrison at pilit na iminumulat ang kaniyang mga mata at inilalabas ang ngiti kay Alexa.

Agad na kinapa-kapa ni Alexa ang noo at leeg ni Mr. Harrison, dahil nakita nito ang pamumula ng pisngi at pamumutla naman ng nga labi nito.

"Nilalagnat ka," nag aaalang saad ni Alexa at akmang hahakbang palayo kay Mr. Harrison ngunit pinigilan siya nito.

"Don't leave me please, I'm begging you," nanghihinang saad muli ni Mr. Harrison.

"Kukuha lang ako sa kusina ng mainit na tubig at towel pati na rin gamot mo," paliwanag ni Alexa.

"Promise me that you won't leave me," nakapikit na wika muli ni Mr. Harrison kay Alexa.

"Oo na pangako," tugon naman ni Alexa at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Mr. Harrison. Dali-dali naman itong kumuha ng maliit na planggana at nilagyan ng mainit na tubig at pati na rin bimpo. Kumuha na rin ito ng gamot.

Nagpahiwa at nagpahanda naman ito ng mga sangkap para sa soup na kaniyang lulutuin para kay Mr. Harrison.

"Babalik ako, papainumin ko lang boss ninyo ng gamot, pakihanda pa ng iba pang gagamitin," utos ni Alexa at agad na umakyat sa kwarto ni Mr. Harrison dala ang gamot nito.

Thank you for reading guys.
Happy Reading. Lovelots!
Votes and comments are highly appreciated.

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon