Matapos ang mga pangyayari kanina ay nahiga na rin ang dalawa nina Alexa at Theron.
"Hon, come here," request ni Alexa kay Theron na abala sa kaniyang pagbabasa ng libro. Isinara naman ni Theron ang libro at inalis ang salamin na suot-suot nito at sabay na inilagay sa side table ang libro at salamin sa mata.
"What's wrong hon?" takang saad ni Theron habang inilalapit ang katawan kay Alexa. Imbis na sumagot ito ay agad niyang yayakapin si Theron ng mahigpit.
"I love you," nakangiting saad ni Alexa.
"I love you too hon," tugon naman ni Theron kay Alexa habang nakayakap ito pabalik.
"Hon, mayroon ka bang dalaw ngayon, bakit parang ang sweet mo?" Kunot-noong tanong ni Theron dito.
"Hon naman, are you kidding me, I'm pregnant, kaya hindi ako magkakadalaw," tumatawang saad ni Alexa.
"Oo nga pala," nagkakamot sa ulong saad ni Theron.
"Ayaw mo bang sweet ako?"
"Gusto syempre, naninibago lang ako," tugon nito.
"Mula ngayon masanay ka na, I'll do my best to be the sweetest fiance in the world,"
"Thank you," bulong ni Theron dito.
"For what?" kunot-noong saad ni Lexa habang inaayos ang buhok ni Theron.
"Sa pagbalik sa dating Alexa, yong sweet at pala ngiti, akala ko kasi hindi ko na maibabalik ang dating ikaw eh dahil kay Harrison na 'yon,"
"Don't mention him,"
"Sorry hon,"
"It's okay, ang mahalaga hindi na niya mako-control ang buhay ko, nararamdaman ko rin naman na bumabalik na ako sa dating ako, alam mo kung bakit? Kasi you're with me," nakangiting saad kay Theron. Agad namang ngingiti si Theron at ilalapit ang kaniyang sa labi sa noo ni Alexa.
"During my darkest time you're with me, and your love for me didn't fade, and I'm so thankful for that, inangkin man ako ng iba, nagawan mo pa rin ng paraan upang ako'y mailigtas, I know and I can feel that, we will have a big and happy family Theron,"
"Yes hon, we will, a-arrange ko na rin ang wedding natin as soon as possible," wika naman ni Theron.
"Gusto ko rin tumulong," sambit naman ni Alexa.
"Are you sure hon? Baka mapano kayo ni baby," nag aalalang saad nito.
"It's okay hon, saka it's our special day gusto ko ring makatulong sa iyo,"
"Okay hon, thank you, hahanap na rin ako ng ating wedding planner para mapagplanuhan na lahat," saad ni Theron.
"Okay lang sa akin na hindi ganuon ka bongga ha? Simplehan lang natin okay?" Ani ni Alexa.
"Kung anong gusto ng future wife ko, 'yon ang masusunod," saad muli ni Theron.
"Let's sleep na," dagdag nito.
"Good night hon, I love you," tugon naman ni Alexa.
"I love you too hon, have a sweet dream, masaya akong gigising sapagkat katabi ko ang fiance ko, ehem fiance," saad ni Theron.
"Oo na, fiance mo na nga, tulog na my FIANCE,"
"Okay po, my FIANCE," diin nito sa salitang fiance na siyang ikinatawa ng sabay ng dalawa at ipinikit na rin ang kanilang mga mata upang tumulog.
Salamat po sa patuloy ng pagbabasa, pasensya na rin po sa late update, marami lang din pong inaaabyad si Miss A. Lovelots!
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...