HOMWHB 59

1.2K 21 2
                                    

Limang buwan na ang lumilipas nang mawala ang anak ni Alexa, ngunit patuloy pa rin ito sa pagluluksa.

Matapos nitong mapatulog ang naiwang anak ay muli itong naupo sa kanilang kama at tumitig sa kawalan.

"Hon, kumain ka muna oh, pinagluto ka namin ni Betty ng paborito mo," magiliw na saad ni Theron, sandali niya itong titigan at agad na iiwas ng tingin.

"Hindi ako nagugutom, kung gusto ninyo kayo ang kumain, kung ayaw ninyo edi itapon ninyo," walang emosyon na saad nito.

"Ate naman," angal naman ni Betty na siyang may hawak ng inumin ni Alexa.

"Hon, nag effort kami para diyan eh, gusto lang naman namin na mapasaya ka," wika ni Theron.

"Mapasaya? Ganuon nalang ba kadali sa iyo na kalimutan ang nangyari? Nawalan ako ng anak tapos gusto mo akong maging masaya? Sabagay hindi mo naman anak 'yon kaya ganyan ka umasta, na parang wala lang sa'yo!" mariing tugon ni Alexa.

"Ate hindi naman ginusto ni kuya Theron ang nangyari eh," saad ni Betty.

"Pwede ba iwan ninyo muna ako?" irritableng sambit ni Alexa.

"Kung akala mo ate na hindi nahihirapan si kuya nagkakamali ka, bilang asawa at ama masakit din para sa kaniya 'yon, pero hind niya pinakikita kasi ayaw niyang ipakita niya na nanghihina siya kasi kung pinanghinaan din siya saan ka na kukuha ng lakas hindi ba?" paliwanag ni Betty.

"Tama na Betty, hayaan na muna natin ang ate mo," saway ni Theron.

"Hindi kuya eh, sobra na rin eh, ilang buwan ko na ring nakikita na halos ipamukha sa iyo ng ate na parang kasalanan mo, na ginusto mo ang nangyari sa pamangkin ko kahit hindi naman, ate wake up!"

"Tama na sabi Betty, lumabas ka na muna," sagot naman ni Theron.

"Wala kayong alam sa nararamdaman ko kaya pwede ba lubayan ninyo ako? Gusto kong mapag-isa," sambit naman ni Alexa.

"Please Betty lumabas ka na muna, ako na muna bahala sa ate mo," utos ni Theron.

"Sumama ka sa kanya lumabas, ayaw ko ng kasamang katulad mo," nakatulalang saad nito.

"Sige hon, tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka," hindi na sasagot si Alexa kaya naman agad ding lalabas si Theron.

Pagkalabas na pagkalabas nina Theron ay muling namuo at bumagsak ang mga luha nito.

"Sorry anak ko, hindi ka man lang naalagaan ni mommy, ni-hindi man lang kita nakarga habang may buhay ka pa, sana mapatawad mo ang mommy, patawad anak at pangako ko sa iyo, hinding-hindi ko pababayaan ang kapatid mo," lumuluhang saad ni Alexa.

Thank you dahil muli kang nagbasa ng aking maikling update. Pasensya na muli at na busy lang sa work.

Votes and comments are highly appreciated my JADES.

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon