HOMWHB 45

967 17 0
                                    

Magigising si Harrison dahil sa malakas na tunog ng kaniyang telepono.

Best friend's calling...

"Hey what's up?" tugon ni Harrison habang humihikab sapagkat ito ay nakakaramdam pa ng antok.

Kinurap-kurap nito ang kaniyang mga mata at tiningnan ang oras ng kaniyang cellular phone.

Mapapakunot noo na lamang ito nang makita ang oras sa kaniyang cellphone.

"Dude, what's wrong with you? It's only 3 o'clock in the morning, anong mayroon at napatawag ka?" Saad muli ni Harrison.

"Sabi ko na eh, limot ka, remember may flight tayo ng maagap today sa Korea to meet your new investor," paalala nito.

"Shocks! Oo nga pala," mapapabalikwas ito at agad na tutungo sa kaniyang walk-in closet.

"I'll just fix myself in a minute," muling sambit ni Harrison at agad na nag ayos ng sarili para sa pag alis.

"Maybe this is perfect," sambit ni Harrison habang inaayos ang kaniyang gray na necktie habang nakatingin sa salamin.

Matapos noon ay nagpahatid na siya sa airport.

"Hey Dude ang tagal mo, may pa I'll just fix myself in a minute ka pa, dude ilang oras na akong naghihintay dito sa labas ng airport sa iyo," reklamo ng kaibigan nito.

"Sinabi ko bang hintayin mo ako?" Salubong ang kilay na saad nito.

"Sungit mo naman, ikaw na ng hinintay eh, syempre kapag kasama kasi kita mas maraming babae na lumalapit," tumatawang saad nito.

"Ewan ko sa'yo, let's go!" sambit nito at dire-diretsong naglakad papasok ng airport.

"Hoy! Napaka sama mo, matapos kitang hintayin iiwan mo ako? Ganyan igaganti mo? Ang sama mo Mr. Harrison!" sunod-sunod na saad nito habang naghahabol kay Harrison.

"Dude, babae ka ba?" irritableng saad ni Harrison.

"Nope, why? Bulag ka na ba at hindi mo nakikita ang pormahan kong pang gwapo dude?"

"Nope, I'm not blind, ingay mo kasi para kang babae," sagot naman ni Harrison.

"Hoy, hindi lahat ng babae maingay ha? Tamo yong bagong crush ko, tahimik lang siya," tila kinikilig na sagot nito.

"Whatever dude," tugon naman ni Harrison at nagmadali na rin sa kaniyang paglalakad.

Ilang minuto din ang nakalipas bago nakasakay ng eroplano ang dalawa.

"Dude, ang ganda noong flight attendant oh, kanina pa yan tingin ng tingin sa akin," kwento ng kaibigan ni Harrison.

"Assuming," sagot naman ni Harrison habang nakasandal ang ulo sa upuan, naka crossed arm at nakapikit.

"Tsk! Oo na sa iyo na nakatingin, mag hi ka naman sa kanya oh, ngiting-ngiti na nakatingin dito oh,"

"Kahit mapunit pa yang labi niya kakangiti sakin I don't care, my heart is for Alexa only period!" tugon nito.

"Napaka loyal mo naman dude sa babaeng hindi ka naman mahal,"

"Shut up!" mariing tugon ni Harrison na siyang ikinatahimik ng kaibigan nito.

Ilang oras muli ang lumipas at dumating na rin sila sa kanilang destinasyon, sa Korea.

"Grabe dude ang ganda pala dito sa Korea," manghang wika ng kaibigan ni Harrison habang pinagmamasdan ang mga building sa kaniyang paligid. Hindi naman sasagot si Harrison sapagkat abala din itong nagmamasid sa paligid.

Mapapakunot noo naman ito nang may makitang pamilyar na pigura ng tao.

"Wait, is that Alexa and Theron?" titig na titig na saad ni Harrison sa isang babae at lalaki na abala sa paglalakad sa hindi kalayuan.

"Where?" sagot naman ng kaibigan nito habang nagpapalinga-linga.

"Wala naman sina Alexa at Theron, alam mo gutom lang yan, kumain na muna tayo," dagdag ng kaibigan nito.

Mula ng insidenteng iyon ay hindi na rin maka pukos si Harrison sa kaniyang ginagawa.

"Nasa Korea ka nga ba Alexa? Or nagha-hallucinate lang ako dahil miss na miss na kita?" sa isipan ni Harrison.

Magkita na nga kaya ang tatlo sa Korea? Thank you sa pagbabasa guys ❤️ Pasensya na sa late update. Enjoy! Lovelots!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon