HOMWHB 41

917 14 0
                                    

Magpa 5AM palang haha, dahil kinikilig ako, mag a-update po ako, Charot! Naging abala lang po ako sa aming graduation, pasensya na po sa late update.

Agad namang nakauwi si Theron at nagluto ng sinigang na baboy may papaya ni Alexa.

"Kainan na," masayang sambit ni Theron at tila nagningning ang mga mata ni Alexa nang makita ang niluto ni Theron na sinigang.

Kinuha ni Theron ang plato ni Alexa at nilagyan ito ng kanin at sinigang. Ganuon din naman ang ginawa ni Betty sa kaniyang ama.

Unang higop pa lamang ay makikita ang malaking ngiti ni Alexa sa kaniyang mga labi.

"Ang sarap, thank you," magiliw na sambit nito at muling humigop ng sabaw ng sinigang. Lihim namang napangiti si Theron habang pinagmamasdan si Alexa na masayang kumakain.

"Okay naman pala ang lasa niya," saad naman ng tatay ni Alexa.

"Kaya nga po papa, mabuti na lamang naglilihi si ate, haha nakakatikim tayo ng mga kakaibang pagkain," natatawang sang-ayon naman ni Betty.

Habang abala ang lahat sa hapag-kainan ay may narinig ang mga ito ng doorbell.

"Baka yong ampalaya icecream na 'yon," sambit ni Theron at mabilis na napatayo sa kaniyang upuan.

"Ampalaya icecream?" kunot-noong tanong ng ama ni Alexa at Betty, tumango at ngumiti lamang si Alexa bilang tugon.

Ilang minuto lang ay bumalik na muli si Theron dala-dala ang isang brown paper bag.

Dahan-dahan niya itong binuksan at nanlaki ang mga mata ni Alexa nang makita ang laman nito.

"Wahh, makakain ko na siya," excited na saad nito.

"Bitter gourd icecream, edi ang pait niyan kuya?" kunot-noong tanong ni Betty.

"Hindi ko lang sure Betty pero panigurado na mapait, pero wala eh gusto ng ate mo," sagot naman ni Theron.

"Thank you," abot-taingang saad ni Alexa habang pinagmamasdan si Theron na nilalagyan siya ng ampalaya icecream sa baso.

"You're always welcome love," tugon naman ni Theron at ginantihan nito ng ngiti si Alexa.

Matapos kumain ay naghugas lamang si Betty ng pinggan at hinatid na rin ang ama sa kwarto sapagkat hindi nila trip ang ampalaya icecream ni Alexa.

Naiwan naman sina Theron at Alexa sa kusina.

"Masarap naman diba?" Napilitang tumango lamang si Theron habang maluha-luha ito habang tila ninanamnam ang icecream na isinubo ni Alexa sapagkat hindi niya nagugustuhan ang lasa.

Matapos mangalahati ang icecream ay tinigilan na rin 'yon ni Alexa.

"Thank you sa pagbili sa mga cravings ko," saad ni Alexa. Kinuha naman ni Theron ang lagayan ng icecream at inilagay sa refrigerator. Matapos noon ay dinala naman nito ang mga hugasin na ginamit sa pagkain ni Alexa.

Habang tahimik na naghuhugas ay may mararamdaman si Theron na mainit na mga bisig na yayakap mula sa kaniyang likuran.

"I love you," tila magpangtig ang tainga nito sa kaniyang narinig, bumilis din ang tibok ng kaniyang puso dahilan ng kaniyang pagtigil sa paghuhugas. Napa lunok laway naman ito nang humarap kay Alexa.

"I love you too," mahinang sagot nito at kitang-kita ang pamumula ng pisngi. Bigla naman itong bibigyan ng mabilis na halik ni Alexa, gagantihan naman niya ito ng mariin at matagal na paghalik.

"Ngayon nalang ulit ako kinilig ng ganito, hoy! Ano ba Alexa?" tila nahihiyang saad ni Theron dito.

Napangiti naman si Alexa ng mga panahon na 'yon at muling niyakap si Theron at inilapit ang kaniyang labi sa tainga ni Theron at bumulong.

"Ipagpatuloy mo na ang iyong paghuhugas," natatawang bulong nito.

"Panira ka ng moment love eh," dismayadong saad ni Theron at tumawa naman ng malakas si Alexa.

Thank you guys sa walang sawang pagbabasa.  I love you guys, muah!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon