Mr. Harrison's POV
Nakapikit akong napahawak sa aking ulo dahil nakakaramdam ako ng kirot.
Minasahe ko ito atsaka dahan-dahan na iminulat ang aking mga mata. Ibinaling ko ang aking ulo sa gawing kanan ko."Amarah?" kunot-noong tanong ko.
"I thought, she's Alexa last night, wait nasaan si Alexa?" muli kong tanong.
"Ano ba Harrison, agang aga napaka ingay m---,"
"Get out of my room Amarah! Get out" bulyaw ko rito habang iminumulat ang kaniyang mga mata.
"How dare you to be here?" inis kong saad. Agad kong isinuot ang aking itim na slipper at agad na bumaba.
"Find Alexa! Find her go!" bulyaw ko sa mga ito. Hindi ako mapakali sapagkat hindi ko siya makita at hindi ko alam kung paano siya umuwi o kung saan siya umuwi.
"Where's Alexa?" agad na tanong ko sa kanang kamay ko na tauhan.
"Pasensya na po sir hindi ko rin po alam, sobrang nalasing din po ako kagabi eh," paliwanag nito.
Nakita nilang ikinuyom ko ang aking mga kamao kaya agad naman silang naglakad papalayo sa akin at tila hahanapin si Alexa.
"Alexa where are you? Hanapin ninyo, within this day kapag hindi ninyo siya nahanap, I will fire all of you!" gigil kong bulyaw sa mga ito.
I'm really hoping that she's safe right now.
"Hey sweetie, why are you yelling?" tanong ni Amarah habang bumababa ng hagdan.
"Don't talk to me, dahil sa iyo napabayaan ko si Alexa, go home!" utos ko rito.
"Who is Alexa?" takang tanong niya.
"None of your business, I don't want to see you, can you please stay away from me?" inis kong saad at agad na tumakbo papunta sa taas, sa aking kwarto upang hanapin ang aking cellular phone. Nang makuha ko ito ay agad kong tinawagan si Alexa.
"Answer me Alexa!" inis kong saad sapagkat nakaka sampung tawag na ako rito ay wala pa ring sumasagot.
Muli akong bumaba upang humingi ng balita sa mga naghahanap kay Alexa.
"Ano may nakita kayo?" agad na tanong ko sa mga ito.
"Boss may pumunta na po sa bahay nila," tugon ng isa.
"Nasaan na kaya si Madam Alexa? Baka po mga nakuha na ng mga masasamang loob, o di kaya ni-kidnapped o di ka---,"
"Sige ituloy mo para mawalan ka ng trabaho, sobrang dami ko ng iniisip dadagdagan mo pa," inis kong saad dito.
"Ikaw kasi para kang ano, doon ka nga hindi ka nakakatulong hindi ba boss?" saad ng isa ko pang tauhan.
"Isa ka pa, tumulong ka sa paghahanap kay Alexa!" utos ko rito.
"Yes boss," agad na tugon nito.
Nagpalakad lakad lamang ako sa aking harden habang patuloy na tinatawagan si Alexa.
"Alexa pick up the phone please!" nag aalala kong saad, dahil kung anu-ano na ang nasa isip ko dahil hindi ko pa rin nakikita si Alexa.
"Boss tumawag po yong mga pumunta sa bahay nina Madam Alexa," wika ng isa sa mga tauhan ko habang naglalakad papalapit sa akin.
"Anong sabi? Nandoon ba si Alexa sa kanila? Tell me!" agad kong saad.
"Wala raw po boss, hindi pa raw po umuuwi simula kagabi," tugon nito.
"Sh*t!" tanging nasambit ko sapagkat mas lalong tumindi ang kaba ko.
"Magbibihis lang ako, pakihanda ng kotse I will find her," utos ko rito at tumakbo ng muli papunta sa aking kwarto upang magbihis.
End Mr. Harrison's POV
Theron's POV
Iminulat ko ang aking mga mata ng may ngiti sa aking mga labi at masaya sa pakiramdam. Pinagmamasdan ko lamang ang maamong mukha ni Alexa na ngayon ay nasa aking mga bisig at mahimbing pa rin na natutulog.
Nakaunan ang ulo nito sa aking mga bisig at nakayakap sa akin. Hindi mawala ang aking mga ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang nag i-isang babaeng nagpatibok ng aking puso.
"Sana hindi na ito matapos, sana ganito nalang tayo palagi," sa isipan ko habang patuloy na nakatitig dito.
Sa sobrang amo ng mukha nito ay tila nadadala ako sa kaniyang kagandahan. Napatingin ako sa kaniyang mamula-mulang labi. Dahan-dahan akong lumapit dito. Mas lalo ko pang inilapit ang aking labi sa tapat ng labi ni Alexa. Akmang hahagkan ko na ito ng unti-unti nitong iminulat ang kaniyang mga mata.
"Theron?" takang tanong nito at agad na ikinalas ang pagkakayakap sa akin. Agad itong naupo sa kama at hinanap ang kaniyang cellular phone sa side table.
"Shocks, ang dami na niyang missed calls, kailangan ko ng umuwi," nagmamadaling saad nito at madaling-madali sa pagsusuot ng kaniyang sandals.
Mabilis naman akong humarang sa kaniyang daraanan upang hindi agad ito makaalis.
"Ano ba Theron pauwiin mo na ako, hinahanap na ako ng pamilya ko," pakiusap nito.
"Pamilya mo o ni Mr. Harrison?" takang tanong ko.
"Parehas," maikling na tugon nito.
"Makakapag hintay pa sila, can you stay for an hour please Alexa," pakiusap ko rito.
"Hindi pwede, alam kong nag aalala na sila at kagabi pa ako wala at hindi umuwi, dahil dito mo ako dinala sa hotel, saka may trabaho pa ako," tugon nito at akmang lalakad na palayo.
"Mahal mo pa ako hindi ba?" tanong ko na siyang ikinatigil niya.
"Sagutin mo muna yong tanong ko Alexa, mahal mo pa rin ako hindi ba?" muling tanong ko.
"Hindi na mahalaga kung mahal pa kita o hindi na dahil matagal na tayong tapos," tugon nito.
"Pero mahal na mahal pa rin kita, at alam ko at nararamdaman ko na mahal mo pa rin ako Alexa, huwag kang magsinungaling sa sarili mo pakiusap," pagsususmamo ko rito.
"Hindi ba't sinabi mo kagabi na you still love me at huwag na akong aalis hindi ba?"
"I was drunk last night, wala lang lahat ng mga yon," tugon nito.
"Really? Kung totoo yon tumingin ka sa akin ng diretso saka mo sabihin ang mga katagang binibitawan mo,"
"Oo mahal pa rin kita, pero wala ng magbabago sa katotohanang wala na tayo, hindi na maari ang lahat, sobrang lasing lang siguro ako kagabi kaya kung anu-ano mga sinasabi ko, kalimutan mo nalang lahat," wika nito.
"Hindi ganuon yon kadali Alexa, binigyan mo ako ng pag-asa na maayos pa kagabi eh, pero bakit ngayon nabaliktad na?"
"Dahil lasing ngalang ako kagabi, ilang beses ko ba dapat sabihin 'yon? Sorry kung binigyan kita ng maling pag-asa, pero hanggang dito nalang talaga tayo Theron,"
"Hindi ako papayag, liligawan kitang muli Alexa hanggang sa mapa sakin ka ulit," tugon ko naman dito at agad na itong naglakad papalabas ng kwarto.
Thank you for reading.
Votes and comments are highly appreciated. Lovelots!
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...