"Maybe this is my karma sa pagiging masama ko sa kanya noon, if this is my karma, then I will face it, mahal ko si Alexa pati ang anak namin, kaya naman hindi ko siya susukuan," sa isipan ni Theron habang nakaupo sa kanilang sala at nakatingin sa kawalan.
"Are you the husband of Mrs. Alexa?" tanong ng doktor kay Theron na nakaupo sa labas ng delivery room.
"Yes I am, why? What happened? Is she okay and our babies?" agad namang tugon ni Theron.
"I'm really sorry to say this but, one of the twins died," sagot ng doktor at tumungo.
"What?" tila nanginig ang mga kalamnan ni Theron ng mga panahon na iyon.
"Where's my wife?"
"She's still unconscious, but an hour she will wake up," tugon ng doktor.
"Thank you," naiwan namang tuliro si Theron ng mga panahon na iyon at hindi alam ang gagawin. Labag at masakit man sa loob ni Theron ay agad din nitong inayos ang libing ng isang kambal.
"Patawarin mo ako anak, walang nagawa si Daddy, hindi man lang kita nahawakan, nahagkan at nayakap, huwag kang mag-alala anak, hindi ko pababayaan ang mommy mo at ang kapatid mo, sana kung nasaan ka man ngayon maging safe ka na," wika ni Theron habang yakap-yakap nito ang isang funerary urn habang lumuluha ng tahimik.
"Akala ko magiging okay na ang lahat, pero siguro sinusubok pa rin talaga kami ng panahon, lilipas din ito," muling saad nito sa kaniyang isipan.
Habang nagmumuni-muni ito ay nakarinig ito ng isang iyak ng sanggol kaya dali-dali itong napatakbo sa kanilang kwarto.
Pagkapasok nito ay naabutan niya ang kanilang anak ni Alexa na namumula na sa pag-iyak, agad itong kinarga ni Theron at sinayaw-sayaw at unti-unti naman itong tumahan.
"Ang bait naman ng baby na yan, hindi iiyak yan, karga na ng daddy, lalala," sambit ni Theron habang isinasayaw ang anak.
"Bitawan mo nga yang anak ko!" Nabaling ang tingin ni Theron sa bandang comfort room nila.
"Hon, umiiyak kasi anak natin kaya kinarga ko muna," paliwanag ni Theron.
"Anak ko lang! Hindi anak natin!" mariing saad niya habang papalapit sa kaniyang mag-ama.
"Akin na nga ang anak ko, baka patayin mo rin gaya ng isang anak ko," saad muli ni Alexa habang kinukuha ang bata kay Theron.
Napamaang na lamang ito at napatitig kay Alexa habang pinapakalma ang sarili.
"Ang sakit mo naman magsalita Alexa, sa tingin mo ginusto ko 'yon ha? Masakit din 'yon para sa akin pero kung makapang husga ka grabe ah,"
"You don't know my pain, sabagay wala ka namang pakialam sa nararamdaman ko, bilang isang amang namatayan ng anak masakit din 'yon para sa akin,"
"If you don't believe it, wala na akong magagawa doon, lalabas muna ako hon, gusto ko lang muna magpa lamig ng ulo, sana pagbalik ko malamig na rin 'yang ulo mo," saad ni Theron at naiwang tameme naman si Alexa.
Habang sinusubok ng panahon ang dalawang mag-asawa, si Harrison naman ay tila nahanap na ang babaeng para sa kaniya.
---
*Sa Pilipinas*"You may now kiss the bride," nakangiting saad ng Pari kay Harrison.
Napakalawak naman ng ngiti ni Harrison habang pinagmamasdan ang mala-anghel na mukha ng kaniyang asawa.
"From now, I'm all yours baby," wika naman ni Harrison, agad namang namula ang pisngi ng asawa nito at dahan-dahang lumapit si Harrison at hinagkan ito ng marahan.
"I love you my husband, I'm all yours as well," tugon naman ng asawa nito at matapos ang halik ay nagpalakpakan ang mga tao.
Thank you sa pagbabasa my JADES, pasensya na talaga kung ngayon lang nakapag update, sobrang busy lang talaga sa work, thank you sa pananatili! Lovelots and ingat kayo palagi kung nasaan man kayo! Ciao!
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomansaSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...