"Theron?" Takang saad ni Cory at mabilis pa sa alas-kwatro itong nakalabas kasama ang babaeng receptionist.
"Arghhhh!"
Naabutan naman ng mga ito si Theron sa tabi ng dalampasigan na wala na sa wheelchair niya at kasalukuyang nakaupo sa buhangin.
"Bakit mo sakin ginagawa ito ha?!"
"Ano bang kasalanan ko sa iyo? Kung inalisan mo lang din naman ako ng silbi bakit binuhay mo pa ako? Bakit pinahihirapan mo pa rin ako hanggang ngayon?!""Theron tama na," pakiusap ni Cory sa kaibigan habang tinutulungan itong tumayo at i-upo sa wheelchair.
"Wala akong kwenta Cory, isa lang akong pabigat, alam mo yon?" saad ni Theron habang lumuluha ang kaniyang mga mata.
"Hindi 'yan totoo Theron, may silbi ka okay? Kung wala kang silbi edi sana kinuha ka na niya hindi ba? Pero nandito ka dahil may silbi ka, dahil may mga taong kailangan ka pa tulad nina Alexa at ng magiging anak ninyo, kaya huwag na huwag mong iisipin na wala kang silbi okay?" paliwanag ni Cory sa kaibigan.
"Arghhhh!" humahagulhol na saad ni Theron.
"Pag nakita ko 'yong taong 'yon mananagot 'yon sakin!" mariing saad ni Theron habang nakakuyom ang mga kamao na nakalapat sa buhangin.
"Kumalma ka okay? Miss pahanda ng one bucket of cold beer please," pakiusap ni Cory sa receptionist.
"Kaya ninyo na po ba?" tanong naman ng receptionist na siyang tumutulong dito na buhatin si Theron.
"Yes, I can manage, pahanda nalang din agad at kailangan ng kaibigan ko ng pang palamig ng ulo,"
"Okay ma'am, thank you po," sagot nito at agad na ipinahanda ang inutos ni Cory.
Matapos ang ilang minuto ay naupo na rin sina Cory sa isang bench na malapit sa dalampasigan.
"Alam mo ang pinagtataka ko, ilang buwan na ang nakakalipas pero tila hindi na kayo ginugulo noong Harrison na 'yon?" tanong ni Cory sabay lagok ng beer na kaniyang hawak.
"Yan din ang pinagtataka ko, dahil patay na patay 'yon kay Alexa eh, tapos bigla nalang tumigil," sagot naman ni Theron at lumagok din ng kaniyang beer.
"Maybe takot? Kasi baka ipakulong mo?"
"Parang never namang natakot 'yon, basta hindi ako mapalagay sa pananahimik niya,"
"Or maybe tanggap na niya na ikaw talaga ang mahal ni Alexa, ano sa tingin mo?"
"I don't know, hindi ko talaga mawari ang mga bagay-bagay sa taong 'yon,"
"Uminom nalang tayo, maige pa," saad ni Cory at pinagpatuloy lamang ng dalawa ang pag -iinom hanggang sa...
"Cory ang sama ko ano?" sambit ni Theron habang lumuluha.
"Sobra friend," sagot naman ni Cory.
"Hindi ako nararapat kay Alexa dahil napaka sama ko sa kanya," humahagulhol na saad nito.
"Akala ko ba iinom lang tayo? Bakit may pag-iyak ka diyan? Lasing ka na ata e," natatawang saad ni Cory sa kaibigang lasing na umiiyak.
"Hindi pa ako lashing,"
"Hahaha, tara na at matulog ka na,"
"Hindi pa nga ako lashing eh, Alexa I Miss Youuu yuhooo! Gustong-gusto na kitang yakapin, at syempre i-kesshh, hek!"
"Gusto mo bang makita si Alexa?" tanong ni Cory.
"Oo, pero impossible, galit 'yon sa akin eh,"
"Sige na matulog ka na, dalhin na kiya sa kwarto," saad ni Cory.
*Sa kwarto*
"Ikaw na bahala sa kaniya Alexa ha?" Pakiusap ni Cory kay Alexa.
"Salamat Cory at pinahatid mo pa ako rito," tugon naman ni Alexa
"Naku wala 'yon, miss na miss ka na kaya ng kaibigan ko," tugon naman ni Cory.
"Sige, salamat ulit," matapos noon ay lumabas na si Cory, hinuhubad naman ni Alexa ang damit ni Theron na natapunan ng beer kanina.
"Hoy Cory tigilan mo ako ha? Huwag kang magpanggap na ikaw si Alexa, hek! Huwag mo nga akong hubaran para lang ito sa fiance ko," saad ni Theron habang pinipigilan si Alexa sa paghuhubad sa kanya.
"Theron ako ito si Alexa," pagpapakilala nito.
"No you're not, Alexa hates me so much kaya impossible na nandito ka, hek!"
"Lumabas ka nga Cory!" Bulyaw ni Theron kay Alexa, kaya agad namang pumasok si Cory kung nasaan sina Theron at Alexa.
Maraming Salamat sa pagbabasa. Pasensya na po at natagalan ang update.
Votes and comments are highly appreciated. Lovelots my JADES!
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
عاطفيةSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...