HOMWHB 61

1.5K 19 0
                                    

Lumipas ang oras hanggang sa gumabi na, ngunit si Theron ay nanatili pa ring tahimik at walang kibo.

Matapos kumain ng hapunan ay agad itong pumasok ng kwarto at nahiga hanggang sa makatulog ito ng may sama ng loob.

Nang makapagligpit naman si Alexa ng kanilang hapag-kainan ay sumunod din ito sa kwarto at nadatnan ang asawang mahimbing na natutulog ngunit mababakas ang lungkot sa mukha nito.

Habang pinagmamasdan nito ang asawa ay tila papel na kinukuyumos naman ang nararamdaman nito sa kaniyang dibdib, at muling bumabalik sa kaniyang ala-ala ang mga panahon na sinisisi niya si Theron sa pagkawala ng kaniyang anak.

Lalapit ito at mahihiga sa tabi ng asawa.

"I'm sorry hon, sinisi kita kahit wala ka namang kasalanan, naging bulag at makitid ako sa sakit na nararamdaman ko kaya ang tangi kong nagagawa ay manisi sa isamg bagay na hindi mo rin naman ginusto, "
"Mahal kita, salamat at nanatili ka kahit na pinagtatabuyan kita dahil sa paninisi ko sa'yo, patawad mahal ko, simula ngayon sisikapin kong bumangon ulit, upang magpatuloy sa buhay, upang mas maalagaan ko kayo ng anak natin na natira,"

Sambit ni Alexa at dahan-dahang niyakap si Theron upang hindi ito magising. Ilang minuto lang din ang lumipas nang mayakap nito ang asawa ay agad ding bumigat ang kaniyang talukap ng kaniyang mga mata hanggang sa makatulog na ito.

Dumating ang umaga at nakaramdam si Theron na tila may mabigat sa kaniyang braso, antok pa ito ngunit pinilit na niyang imulat ang kaniyang mga mata.

Nang makita niya si Alexa na nakaunan sa kaniyang mga braso at nakayakap sa kaniya ay palihim itong napangiti.

"Namiss mo siguro ako ano?" bulong nito at hinagkan ang noo ni Alexa.

Nabaling naman ang atensiyon nito sa kanilang anak na palakas na ng palakas ang pag-iyak, kaya naman marahan niyang inalis ang braso mula sa pagkakaunan sa ulo ni Alexa at inayos naman nito ang kumot ni Alexa bago pinuntahan ang anak.

"Gutom na ba ang baby na yan ha? At yak-iyak na, lalala," pagpapatahan ni Theron dito habang karga-karga ito sa kaniyang mga bisig. Pilit naman itong nagtitimpla ng gatas ng anak habang isinasayaw ito upang hindi lumakas ang pag-iyak at upang hindi magising si Alexa.

"May milk na ang bebe na yan, tahan na ang bebe ha? Opo, nandito na si Daddy," muling saad ni Theron habang hawak ang bote ng gatas ng anak at pinapainom ito.

Habang abala sa pagpapainom ng gatas at pagpapatahan sa anak habang sumasayaw ng mabagal ay nagising naman si Alexa, palihim nitong pinagmamasdan ang ginagawa ni Theron sa kaniyang anak.

"Mali ako, dahil hinusgahan kita agad, sapagkat napaka buti mong ama Theron kahit na hindi mo naman dugo't laman ang sanggol na 'yan, sana mapatawad mo ako," sa isipan ni Alexa habang nanonood sa kaniyang mag-ama.

"Aw, smile-smile na ang baby, busog na yan? Ha? I love you, syempre pati ang mommy mo anak," wika muli ni Theron, napangiti naman si Alexa ng mga panahon na iyon.

Tahimik itong tumayo mula sa kaniyang higaan at niyakap si Theron mula sa kaniyang likuran habang karga-karga ang kanilang anak.

Napatigil naman sandali si Theron nang gawin iyon ni Alexa.

"Sige lang, ituloy mo lang pag-aalaga sa anak natin, I love you," sambit ni Alexa habang nakayakap sa likuran ni Theron.

"Hindi ka na ba galit sa akin? Hindi mo na ba ako pagbabawalan na humawak sa anak natin?" sunod-sunod na tanong ni Theron.

"Hindi na, ikaw ba galit sa akin?"
Tugon naman ni Alexa.

"Hindi naman ako nagagalit sa iyo, sumama lang ang loob pero hindi ko kayang magalit sa iyo, asawa kita eh, mahal kita eh," sagot naman ni Theron.

"Okay na tayo ha? Pwede ko ng alagaan ang anak mo?" saad ni Theron.

"Anak natin," tugon naman ni Alexa.
"Sabi mo kasi anak mo lang eh," pang-aasar ni Theron.

"Sorry na kasi," sambit naman ni Alexa at nagpatuloy lamang sila sa pagsayaw habang karga-karga ni Theron ang kanilang baby.

Muling isinayaw naman ni Theron ang kanilang anak ni Alexa, habang si Alexa naman ay nakayakap kay Theron at sumasabay din sa pagsayaw.

---
Habang ang pamilya ni Theron ay muli ng nagka-ayos, si Harrison naman ay patuloy pa rin sa pag-iisip ng paraan paano niya mababawi ang kaniyang anak.

"Love iniisip mo na naman ang anak mo?" tanong ng asawa ni Harrison.

"Yes love, hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nababawi ang anak ko, mark my words, babawiin ko ang anak ko, " mariing saad ni Harrison habang nakatitig sa kawalan.

Salamat sa pagpapatuloy magbasa my JADES😘
Sorry na sa late update, super busy lang sa work. Sisikapin ko makapagsulat after work. Ingat always, lovelots!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon