HOMWHB 27

1K 19 0
                                    

Mr. Harrison's POV

"Where's your madam?" agad na tanong ko sa isa kong tauhan na naglalakad papasok sa aking opisina dala ang turon at ngumunguya pa. Ito ang sumama kay Alexa palabas upang bumili ng kaniyang kailangan.

"Iniwan ko po doon sa comfort room malapit sa binilhan po niya ng kailangan niya, sabi po magpapalit lang siya at susunod na lang daw po siya," tugon nito.

"What?" nanlilisik ang aking mga matang saad. Kita ko na agad nitong nalunok ang turong kaniyang kinakain.

"Anong bilin ko sa iyo?"

"Huwag na huwag pong iiwanan si madam," nakatungong sagot nito.

"Oh anong ginawa mo?"

"Iniwan ko po siya, pasensya na po," pakiusap nito.

"Ano pang ginagawa mo? Go find her!" bulyaw ko rito.

"At kung may mangyari man sa kaniyang masama I will fire you!" Pahabol na sigaw ko rito habang ito ay tumatakbo na palabas.

"Argh!" naibato ko ang ballpen na hawak ko sa galit.

Pagdating kasi kay Alexa ay strikto talaga ako, lalo na sa mga pabayang bodyguard na kasama ni Alexa because I don't want her to get hurt.

Sinubukan kong tawagan si Alexa ngunit nagri-ring lang ito. Sa pang limang tawag ko ay out of coverage area na ito kaya naman nakaramdam na ako ng kaba ng mga oras na 'yon.

Ipinatawag ko na rin ang iba ko pang tauhan upang ipahanap si Alexa.

Isang oras na ang lumilipas ngunit wala pa ring Alexa na nakikita.

"Sir may meeting ata kayo mamaya," paalala sa akin ng isa sa mga tauhan ko.

"Cancel it, I will go and find Alexa," sagot ko at naglakad na rin palabas ng office upang ipahanap ang mga CCTV footage sa daan.

"Wait, that's Alexa," wika ko at pina zoom ang kuha sa isang babaeng mau dalang dilaw na payong.

"Confirmed, si Alexa yan, play it again," utos ko na agad naman niyang sinunod.

Tinuro kong mabuti ang video at may isang lalaking lumapit kay Alexa. Ni pause naman ng nag a-assist ng video at muli kong pinagmamasdan dito.

"Mr. Theron?" kunot-noong saad ko at muling ni-play nito ang video at nakita namin na isinakay nito si Alexa.

Kinuha ko agad ang aking cellular phone at tinawagan si Mr. Theron ngunit sa pangalawa kong tawag ay pinatay niya ito, sa pangatlong pagkakataon naman ay out of coverage na ito.

"Damn!"
"Mr. Theron what are you doing? Where's Alexa?" message ko rito at muli kong tinawagan ngunit hindi na talaga ito nagri-ring.

"Alam kong kasama mo siya, ibalik mo siya sa akin!" pangalawang chat ko.

Dahil sa walang reply akong natanggap ay tinawagan ko na ang aking mga tauhan.

"Hanapin ninyo si Mr. Theron! Lahat ng tao diyan maghanap, huwag babalik na hindi si Alexa nahahanap!" utos ko sa kanang kamay ko.

"Yes boss," sagot nito.

"What the! Mr. Theron you're getting into my nerves!"

"Akin lang si Alexa," nanginginig ang aking mga kalamnan at pahigpit ng pahigpit ang aking pagkakahawak sa aking cellphone.

"No matter what, I will find you Mr. Theron and I'll kill you! Sapagkat akin lamang si Alexa!"

Nanlilisik na saad ko at muling sumakay sa itim at kotse at mabilis na pinaandar ito.

Pasensya na sa late upload. Inuna ko po kasing tapusin ang "His Promises Since 1896" nawa po ay inyo rin itong mabasa. Salamat po.

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon