Theron's POV
Nakaramdam ako ng tila likidong pumapatak sa aking mukha pati na rin sa aking katawan.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at muling napapikit dahil sa likidong pumatak dito.
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata at gamit ang dalawa kong kamay ay pinunasan ang buong mukha ko.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang lumalakas na patak ng ulan.
Sinikap kong bumangon at naglakad upang tingnan ang nasa ibaba ng rooftop.
"Gabi na pala, napahaba ata ang aking tulog," saad ko habang inililibot ang paningin sa ibaba.
Isang babae naman ang aking napansin na naglalakad hawak-hawak ang dilaw na payong.
"Alexa?" tanong ko sa aking isipan habang inaaninaw ang mukha ng babae.
Ilang segundo ko rin itong pinagmamasdan noong makita ko ito na ito ay napaupo sa tabi ng kalsada.
Agad akong tumakbo mula sa rooftop hanggang sa makababa ako kinaroroonan ni Alexa.
Humahangos at hawak-hawak ko ang aking dibdib habang papalapit kay Alexa.
"Are you okay?" agad na tanong ko rito at hinawi ang payong na humaharang sa kanyang mukha.
"Theron?" nanghihinang tanong nito at kita sa mga mata nito na hinang-hina na siya.
Agad ko itong inilagay sa aking mga bisig at binuhat papunta sa aking sasakyan.
"I'm okay Theron don't worry," nanghihinang saad nito habang nakapikit ang kanyang mga mata.
"No you're not okay, Alexa," tugon ko.
"Saan mo ako dadalhin?" mahinang tanong nito.
"Dadalhin kita sa hospital para macheck ka na rin ng doctor," sagot ko naman.
"Huwag na, kaya ko na ito, simpleng sakit lang ito ng ulo, wala akong pambayad, pagod na ako magbayad ng mga utang ayaw ko ng dagdagan, pagod na akong makahanap ng pambayad gamit ang katawan ko," wika nito at tila may luhang tumulo sa kaniyang mga mata.
"Shh..., hindi ko ito pababayaran sa iyo, don't bother Alexa, gusto ko lang na maging maayos ka,"
"Thank you Theron, kahit na sinaktan kita ng paulit ulit nandito ka pa rin para sa akin," muling wika nito at ko ang paghikbi nito.
"Tahan na, I will do everything because I really love you, Alexa," sagot ko at agad na binuksan ang pinto ng aking kotse, dahan-dahan ko namang inilapag si Alexa sa front seat katabi ng driver's seat. Pagkatapos kong lagyan si Alexa ng seat belt ay agad ko na rin pinaandar ang kotse.
"I still love you Theron, pero hindi mo deserve ang isang tulad kong bayaran," wika ni Alexa habang nakapikit at nakasandal sa upuan ng kotse ko.
"Huwag mong sabihin 'yan, mahal na mahal din kita kahit palagi mo akong sinasaktan, bumalik ako ng Pilipinas para sa iyo," tugon ko rito habang lumilingon-lingon sa kanya at nagmamaneho.
"Sorry," mahinang saad nitong muli.
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan upang agad na makarating sa pinaka malapit na hospital.
Nang makarating kami ay bumaba agad ako ng kotse at binuhat ang walang malay na si Alexa papasok ng hospital.
"Please doc, do everything for her" pakiusap ko sa doctor habang pinapasok si Alexa sa hospital room.
"I will mister, diyan nalang po muna kayo, kami na pong bahala sa kasintahan ninyo," sagot nito at sinarado na ang pinto.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang doctor.
"Kumusta po siya doc?" agad na tanong ko rito.
Sumilay naman ang ngiti nito bago sumagot.
"Congratulations, your girlfriend is pregnant," nakangiting saad ng Doktor na siya namang ikina kunot-noo ko.
"She's pregnant? Kanino? Sino ang ama Alexa?" mga tanong sa aking isipan.
Tila gumuho ang mundo ko noong malaman na buntis si Alexa sa ibang lalaki at hindi ko kilala kung sino.
"Maari ninyo na pong puntahan siya at maya-maya po ay magigising na rin po siya," wika muli ni dok at naglakad na papalayo.
Pumasok naman ako sa room ni Alexa at pinagmasdan lamang ito habang mahimbing na natutulog.
"Huwag mo sanang sabihin na si Mr. Harrison ang ama niyan, please Alexa," sa aking isipan habang pinagmamasdan itong natutulog.
Salamat sa pagbabasa guys, pasensya na rin sa late update.
Votes and comments are highly appreciated guys.
You want more? Vote and comment na🙈
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...