HOMWHB 49

857 17 2
                                    

"Dude, what are you thinking? Are you out of your mind?" gigil na saad ng kaibigan ni Harrison habang abala sa pagmamaneho ng kotse.

"Yes dude, ikaw ba namang layuan ng mag-ina mo, sinong hindi mababaliw hindi ba?" saad ni Harrison habang matalim na nakatingin sa labas ng kotse.

"Alam mo lalo mo lang pinagulo ang sitwasyon dude, look what happened? Maaari ka nilang ipakulong,"

"They won't do that dude,"

"How sure are you?"

"I'm pretty sure they won't,"

"Lakas talaga ng confidence mo eh 'no? Alam mo kung gaano rin kayaman si Mr. Theron hindi ba?"

"Wala akong pakialam sa yaman niya, ang mahalaga nakaganti ako sa kanila at I'm really sure hindi agad sila makakaalis ng bansa dahil sa kalagayan ng lalaking umagaw sa pamilya ko,"

"Babawiin ko ang mag-ina ko, mark my words Theron," matalim pa rin ang tingin ni Harrison sa labas habang nasa byahe.

"Wait, stop the car!" utos ni Harrison.

"Baliw ka ba? Binibilisan ko na nga at baka kasi mamaya damputin nalang tayo dito ng mga pulis,"

"I said stop the car dude!" muling utos ni Harrison.

"But why?"

"We'll kidnap someone," seryosong saad ni Harrison habang nakatitig sa isang taong naglalakad sa kalsada.

"Dude, this is enough, ayaw kong suportahan ka sa mga krimen na ginagawa,"

"Wow krimen, so are you saying that I'm a criminal?" sarkastikong tanong ni Harrison.

"Bakit hindi ba?" sarkastikong tugon din naman ng kaibigan.

"Tsk! Basta sa ayaw at sa gusto mo tutulungan mo ako,"

Agad namang bumaba si Harrison sa kotse at sumunod din naman ang kaibigan nito.

"Pi-piringan ko siya and then hawakan mo para hindi makapalag,"

"Dude, sino ba 'yan?" bulong na tanong ng kaibigan nito.

"Wag ka ng maraming tanong sumunod ka nalang," gigil na sagot naman ni Harrison.

"Okay fine, ano pa bang magagawa ko kung hindi supurtahan kabaliwan ng kaibigan ko, tsk!"

Ilang hakbang ang kanilang ginawa nang simulan ng mga ito ang kanilang maitim na balak.

Agad na nilagyan ng piring ni Harrison ang taong target nila habang hawak-hawak ito ng kaniyang kaibigan.

"Who are you? What are you doing to me? I have no money, so please let me go!" pagmamakaawa nito ngunit imbis na pakawalan ay mabilis nilang ipinasok ito sa kotse at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.

"Where are we going?" Nagpupumiglas na saad nito kaya naman hinubad ni Harrison ang suot nitong saplot at itinali sa kamay ng kanilang biktima.

"Yuck dude, magdamit ka nga, ang sagwa mo tingnan," tila nandidiring saad ng kaibigan nito.

"Kapal mo naman dude, ikaw nga kahit may damit masagwa pa rin tingnan eh," tugon naman ni Harrison.

"Are you a Filipino?" tanong ng taong ni-kidnapped nina Harrison.

"Shut up!" utos naman ni Harrison.

"Yeah, we're Filipino, how did you know our nationality?" manghang tanong ng kaibigan ni Harrison.

"Kababayan ninyo ako oy!" tugon naman nito na siyang ikinatigil ng kaibigan sa pagmamaneho dahil sa gulat.

Salamat sa patuloy na pagbabasa guys. Love you muah 😘

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon