HOMWHB 26

1K 24 1
                                    

Alexa's POV

Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo noong magkaroon ako ng malay. Iminulat ko ang aking mga mata at agad na tiningnan ang aking kumikirot na kamay.

Kumurap-kurap kong pinagmasdan ang aking kamay na may nakatusok na dextrose.

"Dinala nga pala ako ni Theron sa hospital," wika ko sa aking isipan.

Nabaling ang atensiyon ko nang makarinig ako na sumisinghot.

"Theron, bakit ka umiiyak?" takang tanong ko rito habang abala sa pagpupunas ng kaniyang mga luha at ng kaniyang ilong.

"May malala ba akong sakit? Mamamatay na ba ako?" tanong kong muli.

Dahan-dahan naman nitong hinawakan ang aking mga kamay bago nagsalita.

"Alexa, you are pregnant," tugon nito na siyang naging dahilan ng tila pag pantig ng aking tainga at tila tumigil ang oras ko ng mga panahon na iyon, maraming mga bagay na pumasok sa aking isipan.

Bumuntonghininga ako at pumikit ng marahan atsaka tuluyang bumagsak ang aking mga luha.

Mas lalo namang lumapit si Theron sa akin ay niyakap ako.

"Hindi ito maaring malaman  ng ama ng batang ito na sa kaniya ang pinagbubuntis ko, ayaw kong malaman niya, because he's a devil one," umiiyak kong saad habang yakap-yakap ako ni Theron.

"Sino ang ama ng dinadala mong sanggol Alexa? Si Mr. Harrison ba?" sunod-sunod nitong tanong.

Ilang segundo rin akong nanahimik bago ako mulinh umimik.

"Siya nga ang ama ng anak ko, ang taong pinaka kinasusuklaman ko," mariin kong saad at ikinuyom ang aking mga kamao.

"Lalo niya akong itatali sa kanya kapag nalaman niyang may anak kami, gusto ko ng makalaya sa kaniya pero may malaking utang pa ako na dapat bayarin sa kanya,"

"Ginamit niya ako, pinagsamantalahan ang kahinaan at kahirapan ko," humihikbi kong saad habang nakayakap at tinatapik tapik ng marahan ni Theron ang aking likod.

"Binili niya ako, nagka sakit si papa at wala akong matakbuhan kaya wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang alok niya sapagkat wala akong ganuon kalaking halaga,"

"Isa akong bayarang babae, ang dumi-dumi ko," patuloy lamang sa pagbagsak ang mga luha ko ng mga panahon na iyon.

"It's okay, don't cry Alexa, makakasama ito sa baby natin," wika nito na siyang ikinatigil ng paghikbi ko.

"Baby natin?" takang tanong ko rito ay kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at gamit ang kaniyang mga kamay ay marahan niyang pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

"Papanagutan ko ang bata, babayaran ko ang lalaking bumili sa iyo para makalaya ka na rin sa kanya, ilalayo kita, Alexa," saad nito habang patuloy na pinupunasan ang mga luha ko.

"Pero---,"

"Wala ng pero-pero Alexa, kasalanan ko rin ang nangyari, iniwan kita noong mga panahon na kailangan mo ako, nasaktan man natin ang isa't isa, hindi ko pa rin kayang nakikita kang nasasaktan, dahil mas nasasaktan ako, kasi mahal kita," mahabang litanya ni Theron.

"Mula ngayon, ako na ang ituturing niyang ama, kaya tumahan ka na, lalayo tayo, muling bubuo ng plano at sisimulang tuparin ang mga plano natin noon," nakangiting saad nito at hinagkan ako sa aking noo.

"Salamat Theron," tanging nasambit ko at muling tumulo ang aking mga luha.

Salamat sa patuloy na nagbabasa guys. Lovelots!

Votes and comments are highly appreciated. Baka naman hihi!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon