Theron's POV
I really can't look with Mr. Harrison hugging Alexa infront of me, ang sakit nila sa mata.
Matapos ng eksena na iyon ay dumiretso ako sa bar ng hotel na ito at agad na umorder ng alak.
"Sir ang aga naman po ng paglalasing ninyo, nag breakfast na po ba kayo?" saad ng bartender sa bar.
"Hindi pa," maikling sagot ko.
"Kung gusto ninyo po may meal din po kami rito, baka po samaan kayo ng pakiramdam kapag uminom kayo ng alak ng ganito kaaga tapos wala pang laman ang tiyan ninyo," tugon nito.
"Wala akong pakialam, basta bigyan mo ako ng alak," mariin kong saad dito habang salubong na ang aking kilay.
Napapakuyom na lamang ako ng aking kanang kamao sa tuwing bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari kanina sa office ni Mr. Harrison.
"Nagkamali ata na bumalik pa talaga ako rito, mali siguro na muli pa kaming nagkita ni Alexa, kasi patuloy lamang ako masasaktan ng ganito habang siya parang wala namang pakialam, why so unfair?" wika ko sa akinh isipan habang hinihintay ang alak na inorder ko.
"Bakit ba ang sakit mong mahalin Alexa? Bakit ba ikaw pa ang minahal ko? Marami naman diyan na mahal ako pero bakit nga ba sa iyo?" mga tanong sa aking isipan.
"Ito na po ang order ninyo sir," saad ng bartender at iniabot ko naman agad 'yong bayad sa kanya.
"Keep the change," wika ko.
"Sakto lang po sir 'yong binayad ninyo po kaya wala na pong change, thank you po," nakangiting saad ng bartender.
"Okay thanks," maikling sagot ko at kinuha na ang isang bote ng beer at agad na nilagok ito.
Ilang minuto rin akong nanatili sa bar at naka apat na rin ako ng bote ng beer bago ko mapag desisyunan na lumabas na, pero bago 'yon ay bumili pa ako ng isang bote at dinala ito palabas.
Habang naglalakad ako papunta sana sa rooftop ay nakasalubong ko si Alexa na taas noong naglalakad.
Napangiti na lamang ako ng pilit habang pinagmamasdan siyang lumalayo sa aking paningin.
"Wala na talaga siyang pakialam sa akin, mula ngayon sisimulan ko na ulit na kalimutan ka Alexa, sisikapin ko 'yan," sambit ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ito hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.
Matapos noon ay naglakad na rin ako paakyat sa rooftop dala-dala ang isang bote ng beer.
Pagka akyat ko rito ay agad akong umupo sa isang sulok at tumingin sa kalangitan.
"Ang kalmang tingnan ng mga ulap, sana ako rin," saad ko at muling lumagok ng beer na aking dala.
"Siguro kailangan ko na muling umalis dito, siguro hindi talaga ito ang tamang lugar kung saan mas yayabong ako, kasi ito 'yong lugar kung saan bumagsak at gumuho ang mundo ko, kalalaki kong tao napaka drama ko, ang daming hinanakit sa buhay," mga nasa isipan ko habang pinagmamasdan ang kulay asul na kalangitan.
Nakaramdam ako ng antok kaya't sumandal muna ako sa pader at dahan-dahan ng pumikit ang aking mga mata.
Salamat po sa mga nagbabasa, pasensya na po at ngayon lamang nakapag update, sobrang tambak po kasi ng schoolworks ko huhu. Salamat po.
Votes and comments are highly appreciated guys.
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...