HOMWHB 48

909 15 2
                                    

"Theron!" sigaw ni Alexa habang nalalaki ang matang nakatingin dito.

"Dude sakay na," sigaw ng isang tinug mula sa isang itim na kotse. Agad na tatakbo si Harrison papunta sa kaibigan.

"Babalik ako, babalikan ko kayo ng anak ko!" Bulyaw naman ni Harrison kay Alexa.

"Simula ngayon, hindi na kita kilala, napaka sama mong tao! Hinding-hindi mo na kami makikita ng anak mo!" Tugon ni Alexa.

Agad naman ng pinatakbo ang kotse ng kaibigan ni Harrison.

"Theron, kumapit ka, nandito lang ako okay?" Maluha-luhang saad ni Alexa habang hawak-hawak si Theron na duguan.

"Help! Help! Please help us!" paghingi ng tulong ni Alexa sa mga tao doon. Agad namang may nakakita sa kanila kaya't agad itong tumawag ng ambulansiya at dinala si Theron sa hospital.

"Kamsahamnida, Thank you so much," pasasalamat ni Alexa sa isang babaeng may edad na.

"You're welcome, I hope he's doing fine, I'll go now, are you okay here?"
Tugon naman nito.

"Yeah, I'm okay here, take care and thank you again," matapos noon ay umalis na rin ang babaeng tumulong sa kanila.

Ilang oras ding naghihintay si Alexa sa labas ng Emergency room at lumabas na nga ang doktor.

"Doc, how is Theron? Is he okay?" Agad na tanong ni Alexa dito, mapapailing naman ang doktor na siyang dahilan ng pagkahawak ng kamay ni Alexa sa kaniyang bibig. Mapapansin dito ang nangingilid niyang luha.

"His knee had a complication, because the gunshot hit his joint itself, it will be a long time before he can walk or worst not anymore," tugon ng doktor.

"What? Does that mean there is a possibility that he won't be able to walk?" muling tanong ni Alexa.

"Yes, you are right," tugon muli ng Doktor.

"Can I see him?"
"Yes you can, maybe after some hour, he will wake up,"
"Thank you doc," pagka alis ng doctor ay pumasok na rin si Alexa sa room kung nasaan si Theron.

Ilang minuto rin siyang naghintay sa paggising ni Theron hanggang sa nakatulog na rin ito sa tabi ng hospital bed ni Theron.

"Urghh,"
Isang ingay ang maririnig ni Alexa na siyang ikakagising nito, masasaksihan nito si Theron na pinipilit galawin ang tuhod na bagong opera.

"Huwag mo munang galawin Theron, huwag ka munang mag ginalaw, makakasama ito sa'yo," saad ni Alexa at tutulungan niya sana si Theron ngunit tinaplig nito ang kamay ni Alexa na siyang ikinaurong nito.

"May problema ba Theron?" May gusto ka bang kainin?" tanong ni Alexa dito.

"Wala," maikling sagot nito habang nakatingin sa malayo.

"Eh anong gusto mo?"

"Umalis ka sa harapan ko," mariing sagot ni Theron dito.

"Ha?" takang tanong ni Alexa sapagkat tila nagbago ang asal ni Theron ng mga panahon na 'yon.

"Ang sabi ko umalis ka! Ayaw kong makita 'yang pagmumukha mo!" Alis!" pagtataboy ni Theron kay Alexa. Hindi na napigilan ni Alexa na kumawala ang kaniyang mga luha ng mga panahon na 'yon. Agad din naman siyang umalis matapos siyang sigawan ni Theron.

Ano na nga ba ang mangyayari? Hindi ko rin alam, charot!

Salamat po sa patuloy na nagbabasa. Mahal ko kayo, muah! Lovelots!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon