Alexa's POV
Matapos sa salon ay bumiyahe lamang kami ni Harrison papunta sa kanilang hotel dahil may ime-meet daw itong investor at gusto niya akong isama, dahil sa secretary din niya ako.
Ramdam ko ang pagtingin-tingin nito sa akin habang kami ay nasa biyahe, ngunit pinipigil ko ang aking sarili na tumingin sa kanya. Ipinokus ko lamang ang aking atensiyon sa labas ng sasakyan, kaya naman katahimikan lamang ang nanaig sa buong biyahe.
Ilang minuto lamang ang lumipas at nakarating na rin agad kami sa kanilang hotel. Dali-daling bumaba ng kotse si Harrison at pinagbuksan ako. Pinauna ako nito sa paglalakad at nakabantay lamang siya sa aking likod.
Gamit ang elevator ay pumunta kami sa 5th floor ng kanilang hotel kung saan ay mayroon restaurant.
"Ikaw na muna pumili, malapit na raw yong investor dito sa hotel eh, inaabangan ko," saad nito at inabot sa akin ang menu ng restaurant.
Dahil sa ayaw ko itong makita ay itinapat ko rin sa aking mukha ang menu habang namimili. Kaya naman natatakpan ang mukha ko nito at hindi nakikita si Harrison.
Habang namimili ay tila nabusog na ako sa mga mahal na bilihin ng restaurant na ito. Inumin pa lalang ay nasa libo na agad ang babayaran. Napapalunok na lamang ako ng laway habang tinitingnan ang iba pang putahe at naghahanap kung may mas mu-mura pa sa mga pagkain dito.
Napatigil ako noong magsalita si Harrison.
"Oh, he is here," masiglang saad nito at naramdaman ko na tumayo ito. Ngunit hindi ko pa rin ibinababa ang menu na nakatakip sa aking mukha.
"Welcome back to Philippines Mr. Theron! I'm glad you're back here," saad ni Harrison na siyang ikinatulala ko.
"The-Theron?" tanong ko sa aking isipan.
"Maraming Theron sa mundo, hindi siya 'yong ex mo Alexa, kumalma ka!" pagpapakalma ko sa isipan ko.
"Nice to meet you Mr. Harrison," saad naman ng isang pamilyar na boses na siyang lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko.
"It can't be happening Alexa, no!" muling saad ko sa aking isipan. Hindi ko pa rin ibinababa ang menu na nakatakip sa pagmumukha ko.
"Meet my secretary," magiliw na pakilala ni Harrison dito sa akin.
"Nice to meet you Miss Secretary," bati noong Theron at dahan-dahan kong ibinaba ang menu na nakatakip sa aking mukha.
Tila gusto ng makawala ng aking puso nang makita ang lalaki na ngayon ay nasa aking harapan. Tama nga, siya si Theron.
Nakita ko naman na naka abot ang kamay nito at agad ko rin itong inabot.
"Nice to meet you," tugon ko naman rito. Ngumiti lamang ito at agad na itinuon kay Harrison ang kanyang atensiyon kay Harrison.
"Teka, hindi na niya ba ako nakilala? Or nagpapanggap lang siya na hindi niya ako kilala?" mga tanong sa isipan ko ng mga panahon na iyon.
"Okay na rin naman yon na parang hindi niya ako kilala, para less awkward," saad ko sa aking isipan.
Matapos magpahanda ng mga pagkain ay nagsimula na rin kaming kumain. Habang sila ay abala pa rin sa pagki-kwentuhan tungkol sa business.
Ang laki na ng pinagbago ni Theron, he looks matured and syempre still handsome, mabuti na lamang iniwan ko siya, marahil kung hindi, hindi niya makakamit ang lahat ng mayroon siya ngayon.
Matapos kumain ay ibinaling ko lamang ang aking atensiyon sa aking cellphone at kunwari nagpi-pinindot doon dahil sa wala akong makausap that time.
Thank you po for reading.
Votes and comments are highly appreciated! Lovelots!
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...