Theron's POV
Ilang minuto ding nakayakap sa akin si Alexa. Noong una ay naramdaman ko ang tension ngunit unti-unti ay kumalma ito.
"Aalisin ko ang takot sa puso mo na itinanim sa iyo ni Harrison Alexa, hinding-hindi ko kayo pababayaang dalawa, you're my family now, and we will be one big happy family, I promise," wika ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ang nakayakap na si Alexa.
"Thank you," bigkas nito habang nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi mo kailangan magpasalamat, ginusto ko ito, tungkulin ko ito," tugon ko naman.
"Kasi kahit ginawan kita ng masama noon ay naging mabuti ka pa rin sa akin," muling wika nito.
"Syempre mahal kita eh,"
"Bakit hindi mo nagawang kalimutan yong nararamdaman mo para sa akin?"
"Hindi ko rin alam ang dahilan eh, basta ang alam ko lang kahit anong mangyari, patuloy kitang mamahalin,"
"Yuck, ang corny mo!" pagbibiro nito.
Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap nito at tumayo mula sa higaan.
"Biro lang eh," naka pout na saad nito.
"Ha?" takang tanong ko rito.
"Nagtatampo ka hindi ba?" tila paslit na saad nito
"Hindi ah, why?"
"Eh bakit bigla ka nalang kumalas aa yakap ko at tumayo?" Salubong ang kilay na saad nito.
Sasagot pa lamang ako ay agad na itong nagsalita.
"Bahala ka nga diyan," saad nito at tumalikod sa akin at humalakipkip.
Lumapit naman akong muli rito at hinagkan ito sa kaniyang noo.
"Magluluto kasi muna ako ng breakfast natin, huwag ka na magalit okay?" Mahinang saad ko rito. Nakita ko naman na sumilay ang matamis nitong ngiti kahit ito'y nakapikit.
Matapos noon ay naglakad na rin ako palabas at pumunta na sa kusina upang magluto ng aming breakfast.
Nasa bungad palang ako ng pinto pa kusina ay nakita ko sina tito, tatay ni Alexa.
"Tito, ako na pong bahala magluto, magpahinga pa po kayo, ako na po diyan," saad ko rito habang kinukuha ang isang pinggan na may lamang sibuyas at bawang.
"Salamat ijo,"
"Ang kulit po kasi ni papa eh," saad naman ng bunsong kapatid ni Alexa.
"Eh nakakahiya na kay sir dahil wala tayong ginagawa dito,"
"Okay lang po tito, mas gugustuhin kong makapag pahinga po kayo bago po tayo bumiyahe mamaya," paliwanag ko rito.
"Salamat ulit kuya, ibabalik ko muna si papa sa kwarto," paalam ng kapatid ni Alexa. Tumango ako bilang sagot at ipinagpatuloy ang ginagawang pagluluto ni tito.
"Sana lamang ay hindi maging sagabal si Harrison sa plano naming pag-alis ng bansa, sapagkat nararamdaman ko na ginagawa na nito ang lahat ng kaniyang makakaya upang mahanap si Alexa," sambit ko sa aking isipan.
"Ilalaban ko si Alexa ng patayan, hinding-hindi na niya muling mababawi ang mag-ina niya sa akin,"
Mabuti na lamang ay may connection ako kaya't maari kaming lumabas ng bansa sakay sa private plane.
Matapos magluto ay naghanda na rin ako ng lamesa at tinawag ko na rin ang mga ito.
"Maraming salamat sa pagkain ijo,"
"Walang anuman po tito," tugon ko at nagpatuloy na rin kami sa pagkain.
Salamat po sa pagbabasa...
Lovelots!
Votes and comments are highly appreciated po.
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...