HOMWHB 40

1.1K 15 2
                                    

Muli namang isinuot ni Theron ang leather jacket na hinubad nito kanina at muling nagpaalam kay Alexa.

"I'll be back hahanap lang akong papaya, papaayos ko nalang sa body guard natin yong ilaw, atsaka huwag kang kung anu-anong ginagawa ha, okay ba 'yon Love?" paalam nito kay Alexa sabay halik sa noo nito.

"Ijo saan ka pupunta?" tanong ng tatay ni Alexa na siyang ikakalingon nila dito.

"Maghahanap lang po ng papaya para sa sinigang na baboy na gusto ng anak ninyo tito,"

"Papaya sa sinigang na baboy?" kunot-noong tanong nito.

"Kuya nagpapatawa ka ba? Joker pala si kuya Theron," natatawang saad naman ni Betty habang tulak-tulak sa wheelchair ang ama.

"Hindi Betty, request talaga yon ng ate mo," nagkakamot sa ulong saad nito.

"Bakit ba? Pwede naman 'yon diba papa?" Paghahanap ng kakampi ni Alexa.

"Hindi ko alam anak, parang ang weird ng lasa noon," sagot nito.

"Eh gusto ko noon," muling sisimangot si Alexa.

"Sabagay mahirap hindi mapagbigyan ang gusto ng buntis, sige na ijo lakad na at mag i-ingat ka ha,"

"Opo tito, salamat po," saad nito at muling naglakad palabas.

Nang makaalis si Theron ay nagsimula namang kumain ang ama at kapatid ni Alexa noong cake at chicken na dala ni Theron.

"Bili mo rin ako ice cream," text pa ni Alexa kay Theron na may heart emoji pa gamit ang phone na binili ni Theron para dito.

"Anong flavor gusto mo Love?" reply naman nito.

"Ampalaya flavor," sagot nito.

"Love!!!" tanging nareply ni Theron.

"Basta ihanap mo ako, huwag kang u-uwi dito hanggat wala kang dala," babala ni Alexa dito.

"Okay I will love, magpahinga ka na muna diyan, I love you." muling text ni Theron. Nireplyan lang ito ni Alexa ng maraming heart.

Agad namang nakarating si Theron sa market at naghanap ng papaya. Agad naman itong nakahanap ngunit ang ampalaya flavor na icecream ay hindi niya matagpuan kaya naman tinawagan na nito ang isa pa niyang kaibigang Pilipino na naninirahan din sa Korea.

"Yes bro, what's up?" tugon sa tawag nito.

"May alam kang bilihan ng ampalaya flavor na icecream?" seryosong tanong ni Theron dito.

"Bro, I'm so busy here don't prank on me," natatawang saad nito, mapapahawak na lamang si Theron sa kaniyang buhok.

"I'm serious here dude, saan nga?" desperadong saad nito.

"Hindi ko alam, para saan ba yan?"

"Pinaglilihian ni misis,"

"Misis? Dude may asawa ka na pala at magkaka anak na, bakit ngayon mo lang sinabi? Sino? Taga saan?" sunod-sunod na tanong nito.

"Saka ko na iki-kwento maghahanap muna ako ng icecream na ampalaya flavor," problemadong saad nito.

"Ayan, mag asawa ka pa haha, maghanap ka ngayon ng ampalaya icecream," pang a-asar nito kay Theron na gulong-gulo na kung saan ba hahanap ng mga pagkaing gusto ni Alexa.

Nag search at browse naman ito sa internet at laking pasasalamat nito na may nakita siyang nagbebenta online at nagde-deliver din, kaya dali-dali itong nag order ng ampalaya icecream at matapos noon ay umuwi na rin siya dala ang papaya para sa sinigang na baboy na request ni Alexa.

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon