Dalawang araw ang lumipas at pinayagan ng makalabas ng doktor ang mahal na ama ni Alexa.
"Dahan-dahan ate," paalala ni Betty kay Alexa habang marahang tinutulak nito ang wheelchair kung nasaan nakasakay ang kanilang ama.
"Welcome home papa!" magiliw na sambit ni Betty habang hawak-hawak ang tatlong makukulay na lobo. May hawak-hawak din itong maliit na cake.
"Hay naku nandito na naman ang mga bwisit!" irritableng saad ng nanay nina Betty at Alexa.
"Hayaan nalang po natin," paalala naman ni Alexa sa ama. At itinuloy ang kanilang munting kasiyahan.
Habang naghahanda ang magkapatid sa kanilang munting salu-salo ay nakangiting pinagmamasdan lamang ng kanilang ama ang mga ito.
"Mukhang masarap ang mga inihanda ng mga anak ko ah," masayang saad ng kanilang ama.
"Oo naman papa, si ate pa ba, the best yan magluto eh! Bago niya tayo sunduin sa hospital ay nagluto muna po ito, nakakamiss na ang luto mo kasi ate Alexa," ani ni Betty.
"Ay naku ang bunso namin binola na naman ang ate," natatawang saad naman ni Alexa habang nagsasalin ng kanin sa bandihado.
"Bago po tayo kumain ay tayo po muna'y manalangin," wika ni Alexa at nag sign of the cross ang mga ito ng sabay-sabay.
"Lord, thank you for the blessings for today, for the food and sa pag-uwi ng aming mahal na ama dito, thank you for the love and guidance that you have given to us everyday, Amen." at muling na sign of the cross ang mga ito.
"Kainan na!" masayang saad ni Alexa at Betty.
"Teka, nasaan na ba pumunta ang nanay ninyo?" tanong ng kanilang ama habang ito ay nagpapalinga-linga.
"Lumabas po papa, ewan ko lang po kung saan na siya pumunta, baka sa mga kainuman na naman niya," tugon ni Betty.
"Sayang naman at hindi natin siya makakasabay kumain ngayon," dismayadong saad ng kanilang ama.
"Hayaan na po muna natin siya, mukhang wala rin naman siyang balak sumabay sa atin sa pagkain, mas uunahin pa noon ang alak," wika naman ni Alexa.
"Oh siya kain na tayo mga anak, tirahan nalang natin ang nanay ninyo, para pagkauwi niya ay may makakain siya," saad naman ng ama na siyang ikinangiti ng dalawang magkapatid.
"Papa bakit ang sweet mo kay mama kahit na ganuon siya sa iyo?" takang tanong ni Betty.
"Dahil mahal na mahal ko ang nanay ninyo, kasalanan ko naman kung bakit nagkaganuon siya, nawalan na kasi ako ng silbi kaya hindi ko maibigay ang mga pangangailangan ninyo at ng nanay ninyo," paliwanag ng ama.
"Sana ate kapag nagka boyfriend ka, kasing sweet ni papa, talagang mahal na mahal ka," wika naman ni Betty, pilit namang ngumiti si Alexa.
"Naku napaka bata mo pa ha, boyfriend agad iniisip," natatawang saad ni Alexa.
"Para sa iyo naman ate eh, ayaw kong tumanda kang dalaga, sa ganda mong yan oh," natatawang saad naman ni Betty na siyang naging dahilan ng kanilang tawanan.
Habang masayang nagtatawanan ang tatlo ay may dumating na lalaki, ang tauhan ni Mr. Harrison, agad na lumabas si Alexa upang kausapin ito.
"Pinapatawag po kayo ni Mr. Harrison, kailangan na raw po niya ng secretary," saad nito. Napakuyom na lamang muli ng kamay si Alexa.
"Lagi nalang siyang humahadlang sa kasiyahan ko," wika ni Alexa sa kaniyang isipan at ibinaling ang tingin sa kaniyang ama at kapatid na masayang nagtatawanan.
"Okay! Magbibihis lang ako," tugon nito.
"I will wait for you ma'am here," sagot nito at pumasok naman na si Alexa sa kanilang bahay, habang ang Lalaki ay nakatayo lamang sa labas ng itim ba kotse.
Thank you for reading guys. Lovelots!
Votes and comments are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
Lãng mạnSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...