HOMWHB 36

985 16 0
                                    

Mr. Harrison's POV

"Boss," tawag sa akin ng isa sa mga tauhan ko.

"What?" nanghihinang tugon ko at dahan-dahang ibinaling ang aking ulo dito.

"Ready na po ang pagkain ninyo," sagot naman nito habang marahan na inilalagay ang isang maliit na table sa aking bed.

Kakauwi ko lamang ulit galing hospital sapagkat muli na naman ako na aksidente sa daan habang pilit na hinahanap sina Alexa. at ang mas malala pa ay nakabangga ako ng isang tao.

"Kumusta siya?" tanong ko habang pilit na kinakain ang inihanda nitong pagkain.

"Okay na po siya boss, maybe next day ay makauwi na rin daw siya,"

"Papuntahin mo muna dito bago siya bumalik sa kanilang tahanan, alamin mo ang mga impormasyon ukol sa kanya," utos ko.

"Yes Boss,"

"How about Alexa? May hint na ba kung nasaan siya?"

"Wala pa rin po sir,"

"What?" Napalakas na ang aking boses at pinanlakihan ito ng mga mata.

"Ngunit ginagawa naman po namin lahat boss para mahanap sina ma'am Alexa,"

"Like what?"

"Nakipag ugnayan na po kami sa ibat-ibang ahensiya,"

"You can go now! And wag na wag kang babalik dito na walang magandang balita tungkol sa ma'am Alexa mo!" nakakuyom kong saad.

Tila hindi ko malasahan ang aking mga kinakain ngunit pinipilit ko itong nguyain at lunukin upang magkaroon ako ng lakas, upang sa gayon ay muli akong makapag hanap kay Alexa.

Hindi ko na alam ang gagawin, gusto kong saktan ang sarili ko, gusto kong magwala ngunit wala din naman iyong maitutulong, hindi rin naman yon makakatulong para mahanap sina Alexa.

"Alexa, I miss you, nasaan ka na ba?" napatulala lamang ako sa isang picture ni Alexa na nasa aking side table na ninakaw ko pa noong siya ay abala sa pag a-ayos ng mga document ko sa aking office.

Matapos kumain ay kinuha ko ang aking cellular phone at tinawagan ang ibat-ibang connection ko upang magpatulong na mahanap si Alexa.

Tila mababaliw ako hanggat hindi ko nakikita ni-anino ni Alexa.

"Anong mahika ba ang iyong ginawa Alexa upang mahumaling ako sa iyo ng ganito?"

Napahawak ako sa aking pisngi at naramdaman ang likidong umaagos mula sa aking mga mata.

Mahabang taon na rin na hindi ako lumuluha, pero bakit ganuon? Ang lakas-lakas ko sa ibang bagay ngunit bakit pagdating sa iyo Alexa napaka hina ko.

Ikaw lang Alexa ang babaeng minahal ko ng ganito, wala ka mang yaman o kung ano pero sa iyo talaga tumibok itong puso ko eh.

Mahanap lang kita, hinding-hindi na kita pakakawalan pa. Babawiin kita kay Theron! Maubos man ang pera ko kakahanap sa iyo wala akong pakialam.

"Boss!" nabaling ang attention ko sa labas ng kwarto ko nang marinig ko ang pagtawag ng isa sa mga tauhan ko.

"If it is bad news huwag ka ng pumasok!" saad ko, ngunit narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang biglaang pagpasok nito.

"So I think it's good news right?" Paglilinaw ko, sumilay ang ngiti nito bago tumango-tango.

"What is it? Tell me!"

"Nahanap na po namin si ma'am Alexa," abot-taingang saad nito.

"Really?" nanlalaking matang saad ko, matapos noon ay gumaan ang aking pakiramdam.

Salamat sa pagbabasa guys. Hope you like this update!

Votes and comments are highly appreciated. Baka naman mga bhie! Lovelots!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon