HOMWHB 58

1.2K 15 0
                                    

"Ang pangit mo pala umiyak hon," pang a-asar ni Alexa kay Theron na kasalukuyang nakayakap sa kanya.

"Stop it Alexa,"

"Humahagulhol eh, hahaha," muling saad ni Alexa.

"I said stop it, let's sleep for a moment, antok pa ako," seryosong saad ni Theron.

"Paano muna yong iyak mo?" muling pang a-asar ni Alexa sa fiance nito.

"I said stop it Alexa, or else," pagbabanta nito.

"Or else what? Ha?"

"Or else bu-buntisin kita kahit buntis ka," tugon ni Theron na siyang ikinatawa ni Alexa.

"Hahaha loko ka,"

"Hon please let's sleep," pakiusap muli ni Theron dito, ngunit hindi nakinig si Alexa bagkus muli pa nitong ni-play ang video na sinent sa kanya ni Cory habang si Theron ay humahagulhol.

"Hon!" inis na saad ni Theron habang inaagaw ang phone ni Alexa.

Agad namang napatayo si Alexa upang ilayo ang cellphone nito sa fiance.

"Ang cute mo rito oh," pang a-asar nito at tumawa pa ito ng malakas.

Agad namang nahuli ni Theron si Alexa at niyakap ito ng mahigpit mula sa likod nito at kinuha ang cellphone.

"Hon, stop it, oo na iyakin na ako, ayaw ko lang kasing mawala ka, pero ayaw ko ring maging pabigat sa iyo," seryosong saad ni Theron. Humarap naman si Alexa dito at nagsalita.

"Hindi ka pabigat, at hinding-hindi ka magiging pabigat okay?" Saad ni Alexa, akmang hahalikan na ito ni Theron nang bigla itong napalayo kay Theron.

"Oh my gosh!" nanlalaking wika nito.

"Why?" kunot-noong tanong naman ni Theron.

"Nakakatayo ka na hon," sagot ni Alexa at mapapahawak ito sa kaniyang bibig, mapapatingin naman si Theron sa mga paa nito at unti-unting mangingilid ang luha.

"Hon, makakalakad na ako," garalgal na saad ni Theron at muling niyakap si Alexa na tumatango sa tuwa.

Lumipas ang panahon at unti-unting nakapaglakad si Theron hanggang sa dumating ang araw na muli itong nakalakad ng maayos at matapos noon ay itinuloy na ng dalawa ang kanilang binalak na kasal.

"Finally, I can call you my lovely wife now,"  bulong ni Theron sa asawa nito habang sumasayaw sa ilalim ng buwan sa kanilang terrace.

"And I can call you asawa ko," tugon naman ni Alexa.

"Let's sleep na, kabuwanan mo na rin my wife kaya hindi ka pwedeng masirinuhan sa gabi, baka magkasakit ka," sambit ni Theron. Kaya naman pumasok na ang mga ito sa kanilang kwarto at nahiga.

"I'm so thankful to be your wife hon, good night," bulong ni Alexa habang nakapikit, nakahiga at nakayakap sa asawang si Theron at tuluyan ng nakatulog.

"I love you my wife," tugon naman ni Theron at hinalikan ang noo ng asawang mahimbing ng natutulog.

Masaya naman ang naging pagsasama ng dalawang bagong kasal at walang naging problema, hanggang sa dumating ang araw na manganganak na si Alexa.

*Hospital*

Nanghihinang iminulat ni Alexa ang kaniyang mga mata, nanlalabo man ngunit agad niyang nasilayan ang asawa.

"Hon, nasaan ang mga anak natin?"
Agad na tanong ni Alexa.

"Magpahinga ka pa hon," sagot naman ni Theron. Ngunit hindi mapakali si Alexa kaya naman naman inilibot nito ang kaniyang mga mata at nakita ang nag i-isang bata sa katabi niyang bed.

"Bakit mag-isa siya? Nasaan yong isa pa nating anak Theron?" takang tanong ni Alexa nito.

"I'm sorry honey," nakatungong saad ni Theron.

"Bakit ka nagso-sorry? Eh hinahanap ko lang naman ang isang anak natin, Theron ilabas ninyo na siya, gusto ko rin siyang makita," nagmamakaawang saad ni Alexa. Lumapit naman si Theron dito at niyakap.

"Sorry hon, wala na ang baby natin," agad na napa-kalas si Alexa sa yakap ni Theron ng mga panahon na iyon at tila hindi naiintindihan ang mga nangyayari.

"Don't fool me Theron, anong wala na ang anak natin?" Mangiyak-ngiyak na saad ni Alexa.

"Patay na ang anak natin," mahinang tugon ni Theron na siyang ikinaluha ni Alexa.

"Hindi, hindi siya patay, hon nasa kabilang kwarto lang siya diba?" Lumuluhang saad nito. Muli naman itong niyakap ni Theron.

"Bakit mo hinayaang mamatay ang anak natin Theron? Bakit?" Humahagulhol na saad ni Alexa habang yakap-yakap siya ni Theron.

Nagsimula na rin namang bumagsak ang mga luha ni Theron habang yakap-yakap ang asawa at nakatingin sa isang anak na naiwan sa kanila.

Hindi madaling manganak, lalo't higit ang mawalan ng anak, kaya ano na kayang magaganap? Maraming Salamat sa pagbabasa my JADES.

Lovelots! Day off ko kaya nakapag sulat, maraming salamat muli sa paghihintay.

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon