Natulala ng ilang segundo si Alexa nang makita ang fiance na may ibang babaeng nag a-alaga dito.
"Si-sino siya Theron?" nauutal na tanong ni Alexa.
"She's my best friend, Cory." Pakilala ni Theron dito.
"Hello," bati naman ng best friend ni Theron na si Cory.
"Hi," maikling tugon naman ni Alexa at binigyan ito ng ngiti, ibinalik naman ni Cory ang ngiti kay Alexa.
"Kumusta na pakiramdam mo? May kailangan ka ba hon o gustong kainin? sunod-sunod na tanong ni Alexa sa kaniyang fiance.
"Nothing, pwede ka ng umuwi, hindi kita kailangan dito, my best friend is enough," tugon naman ni Theron sa kaniyang fiance.
"Theron, don't be like that to your fiance, she's pregnant remember?" suway naman ni Cory sa kaniyang kaibigan.
"I don't care," tugon naman ni Theron sa kaibigan.
"Sige uuwi muna ako para maikuha ka ng damit mo," saad naman ni Alexa habang pinipigilan ang nangingilid niyang luha.
"No need, may pinabili na ako kay Cory, umuwi ka nalang at ayaw kitang makita, hindi kita kailangan dito,"
"Bakit ka ba nagkakaganyan Theron?" matapos ang pagbitiw ni Alexa ng mga katagang 'yon ay siya ring pagbagsak ng kaniyang mga luha.
"Don't asked me, ask yourself,"
"Can you just leave? Ang dami mong drama," sagot naman ni Theron sa fiance nitong patuloy na sa pagluha ang mga mata.Tumayo naman si Cory at agad na inalalayan si Alexa.
"Ako na munang bahala sa fiance mo, umuwi ka na muna para makapag pahinga ka," saad naman ni Cory, ang best friend ni Theron.
"Thank you, Cory." saad ni Alexa habang inaalalayan siya nitong lumabas ng hospital room ni Theron.
Nang makalabas ang mga ito sa room ni Theron ay kinausap ni Cory si Alexa upang tulungan na mapagaan ang kaniyang pakiramdam.
"Hayaan mo na muna siya, marahil ay hindi pa niya matanggap ang mga nangyari sa kanya," saad ni Cory upang mabawasan ang bigat na nararamdaman ni Alexa.
"Kasalanan ko naman ang lahat eh, kung hindi dahil sa akin edi sana wala siya sa ganyang sitwasyon, edi sana masaya siyang nakakapaglakad at nagagawa ang kaniyang mga gustong gawin," lumuluhang sagot ni Alexa, yayakapin naman ito ni Cory.
"Shhh, hindi mo kasalanan, hindi mo naman ginusto ang mga nangyari hindi ba?" tatango naman si Alexa bilang tugon sa tanong ni Cory.
"Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo," yayakapin naman ni Cory si Alexa.
"Salamat talaga Cory, kung wala ka rito marahil walang mag aalaga kay Theron sapagkat ayaw niya akong makita eh,"
"Huwag ka na munang mag-isip ng kung anu-ano ha? Baka makasama pa sa baby mo,"
"Babalik ako, titingnan ko lang din ang kalagayan nina papa sa bahay, ikaw na muna bahala sa kaniya ha?"
Pakiusap ni Alexa."Oo ako ng bahala kay Theron," tugon ni Cory at inihatid na niya ito sa sakayan.
"Ingat ka Alexa," kumakaway na saad ni Cory kay Alexa na nakasakay sa taxi, nginitian lamang ito ni Alexa.
Habang nasa biyahe ay hindi pa rin matahimik ang isipan ni Alexa.
"Mas gusto pa niyang mag alaga ang best friend niya sa kanya kaysa sa akin na fiance niya," sa isipan ni Alexa habang pilit na inilalabas ang kaniyang ngiti.
Maraming Salamat po sa walang sawang nagbabasa. Sisikapin ko pong makapag update araw-araw. Lovelots guys. Votes and comments are highly appreciated, nakakasipag yon. Chareng!
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...