HOMWHB 8

2.2K 47 1
                                    

*Cough* *Cough*

"Inumin mo muna itong gamot bago kita punasan ng binasang bimpo," utos ni Alexa at dahan-dahang umupo si Mister Harrison sa tulong ni Alexa.

Nanghihinang inabot ni Mr. Harrison ang gamot na nasa kamay ni Alexa at isinubo ito. Agad naman na inilapit ni Alexa ang tubig sa bibig ni Mr. Harrison atsaka niya ito ininom.

Matapos noon ay muli siyang humiga. At dahan-dahan nang sinimulan ni Alexa ang pagpupunas sa katawab nito ng bimpo na binasa sa mainit init na tubig.

Nakapikit lamang ito habang ginagawa iyon ni Alexa.

"I love you Alexa, I'm sorry," tila nagdi-diliryong saad ni Mr. Harrison.

Napahigpit na lamang ang kapit ni Alexa sa bimpo na hawak nito na siya namang dahilan ng pagtulo ng maraming tubig.

"Isa lang yong patuloy na minamahal ko at hindi ikaw yon Mr. Harrison, at mas nangingibabaw ang pandidiri ako sa'yo!" saad ni Alexa sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan ang nanghihina at nangiginig na si Mr. Harrison.

"I'm sorry Alexa, please don't leave me," nakapikit na saad muli ni Mr. Harrison.

"Hindi maaalis ng sorry mo ang poot na itinatak mo sa puso ko, hindi kita kayang patawarin!" muling saad naman ni Alexa sa kaniyang isipan.

Nang kumalma kalma si Mr. Harrison ay kumuha ito ng isa pang makapal na kumot at ibinalot ito rito. Nang mapansin niyang nakakaidlip na ito ay agad na itong bumaba dala ang planggana at bimpo.

"Madam nakahanda na po lahat," wika naman ng isang lalaki.

"Sige maaari ninyo na akong iwan, ako nang bahala dito," utos ni Alexa.

"Sige po madam," tugon ng lalaki at iniwan na mag-isa si Alexa.

Sinimulan naman na niya lutuin ang chicken soup para sa may sakit na si Mr. Harrison.

Habang hinihintay ang niluluto ay tinawagan nito ang nakababatang kapatid na si Betty.

"Hello, Betty kumusta ang papa?" panimulang tanong ni Alexa.

"Ate successful yong operation," tila umiiyak na saad ni Betty.

"Thanks God," tanging nasambit ni Alexa habang pinupunasan ang mga luhang bumagsak.

"Hinihintay nalang ate ang paggising ni papa, nasaan ka po ba?"

"Baka bukas pa ako makauwi, kumain ka na diyan ha, naiwan ni ate yong bag ko diyan kumuha ka ng pera at bumili na rin ng pagkain mo at prutas ni papa, para paggising niya eh may makakain siya," ani ni Alexa.

"Opo ate, mag ingat ka po kung nasaan ka man," tugon naman ni Betty.

"Ikaw din ha, babalik ako pagkatapos ng mga kailangan kong gawin, pangako yan ni ate. Pasensya na wala ang ate sa tabi mo ngayon na kailangan mo rin ako," paumanhin ni Alexa.

"Okay lang ako ate, alam kong ginagawa mo ang lahat para sa amin, mag i-ingat ka rin diyan ate, I love you,"

"I love you too bunso," sagot ni Alexa at ibinaba na ang tawag.

Ilang minuto lang ang lumipas nang matapos ni Alexa lutuin ang chicken soup, agad niya itong inihanda Pati na rin ang mainit na gatas para kay Mr. Harrison.

Nang matapos niya itong ihanda ay agad na siyang umakyat sa taas kasama ang isang lalaki na may dalang pagkain at inumin ni Mr. Harrison.

"Thank you, ako na bahala dito," wika ni Alexa naglakad na rin palabas ng kwarto ang lalaki.

To be continued...
Enjoy reading everyone.
Votes and comments are highly appreciated. Lovelots!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon