"Hindi mo na makikita ang mag-ina mo Mr. Harrison, mabaliw ka kahahanap," saad ni Theron sa kaniyang isipan habang nangingiting nakatingin sa monitor ng computer at habang nakikinig sa paliwanag ng kaniyang kaibigan magaling sa computer.
"Marami silang nagde-detect kay Alexa eh, pero syempre magaling tayo wala silang mahahanap," natatawang saad din ng kaibigan ni Theron.
"One versus all, iba ka talaga pare, isang apir nga diyan," saad naman ni Theron at nag apir ang dalawa.
"Kumusta sina Alexa?"
"Okay naman sila, naiwan sa bahay, sabi ko may pupuntahan lang ako, safe naman sila at may bodyguard doon," tugon ni Theron.
"Okay naman kayo?"
"Oo naman, nag a-adjust palang siya at pilit na kinalilimutan ang mga nakaraan niya, ang hirap na kinaharap niya sa kamay ng walang hiyang si Harrison, pero gagawin ko ang lahat para maging okay ulit siya, walang takot na nararamdaman," tugon ni Theron at nilagok ang beer na nasa boteng hawak nito.
"Mahal na mahal mo talaga si Alexa ano?"
"Sobra, kaya hindi ko na papalampasin ang pagkakataon ngayon," sagot muli ni Theron at ibinaba naman ang beer sa lamesa ng kaibigan.
"Paano kung mahanap ni Harrison ang mag-ina niya?" takang tanong nito.
"Magkamatayan na pero hindi na niya mababawi sa akin ang mag-ina ko na ngayon, atsaka hindi naman siya mahal ni Alexa eh,"
"Kaso siya nga ang ama ng dinadala ni Alexa,"
"Wala akong pakialam, kaya kong panindigan at magpaka tatay sa anak ni Alexa, anak namin,"
"Iba talaga nagagawa ng pag-ibig," umiiling na saad ng kaibigan ni Theron.
"Kapag nakita mo na rin ang babaeng mamahalin mo mai-intindihan mo rin ako," saad ni Theron dito.
"Huwag muna, ine-enjoy ko pa makipag fling sa iba't-ibang babae," natatawang saad nito at lumagok din ng beer.
"Napaka playboy mo talaga, titigil ka rin kapag nakatagpo mo na ang babaeng makakatapat mo," natatawang saad ni Theron.
"Sana matagal pa, para marami pa akong makilalang babae," muling saad nito na siyang dahilan ng kanilang pagtawang dalawa.
"Napaka takaw mo talaga sa babae," biro muli ni Theron.
"Hindi naman ako ang lumalapit, sila kaya, anong magagawa ko?" pagmamayabang nito.
"Wow! Pogi mo bro!" pagbibiro naman ni Theron dito.
"Syempre, mana ka sakin," tugon nito.
"Nagugutom na ako, anong pagkain mo dito?" tanong ni Theron at maglalakad ito patungo sa refrigerator ng kaibigan.
Mapapa nganga na lamang ito nang makita ang laman ng refrigerator ng kaniyang kaibigan.
"Kadiri ka bro!" sigaw ni Theron dito.
"Bakit?"
"Talagang nilalagay mo pa sa refrigerator ang ginagamit mong pang protect, yuck!" napapangiwing saad ni Theron na siyang ikakatawa naman ng kaibigan nito.
"Ano ba, para malamig!" Sagot nito.
"Kadiri ka!" muling saad ni Theron habang tumatawa.
"Ano ba yan puro alak naman laman, anong kinakain mo dito?"
"Ay sorry, hindi pa ako nakakapamili eh, mag order nalang tayo ng pagkain," sagot nito.
"Anong gusto mo ba?" tanong ng kaibigan nito.
"Kahit ano, ikaw na bahala," tugon naman ni Theron.
"Okay nag order na ako ng pizza, atsaka spicy chicken,"
"Pakibilisan kamo at gutom na ako," saad muli ni Theron.
Nang dumating ang kanilang pagkain ay nagsimula na ring kumain ang dalawa at nag kwentuhan.
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...