Alexa's POV
Matapos kumain ay naghanda na rin kami sa aming pag-alis.
Nakaupo na kami ngayon sa private plane na hiniram ni Theron mula aa kaniyang kaibigan.
Hindi pa man kami nagsisimulang bumiyahe ay nakakaramdam na naman ako ng panginginig ng kalamnan.
"Huwag ka matakot, nandito kami ni baby," bigkas ni Theron sabay hawak ng marahan sa aking tiyan.
Marami pa ring naglalaro sa aking isipan. Kahit anong pagpapakalmang gawin sa akin ni Theron ay hindi pa rin naaalis ang takot na pinaramdam sa akin ni Harrison.
Lalong i-igting ang galit nito kapag nalaman pa niyang nagdadalang tao ako at siya ang ama ng sanggol na nasa sinapupunan ko.
Sa aming pag-alis, dala ko pa rin ang pangamba na hindi kami magkakaroon ng tahimik na buhay. Kahit saan man kami naroroon alam kong ang panganib ang nariyan lamang.
Ilang oras din ang lumipas ngunit hindi pa rin kami nakakarating sa aming pupuntahan.
"Nagugutom ka ba? You need anything? Sabihin mo lang, I will prepare that for you, sina Tito ay kumakain na," mahabang litanya ni Theron.
"Ayos lamang ako Theron, mauna ka na kumain," walang ganang sagot ko rito.
"But why? Baka makasama kay baby ang pagpapalipas mo ng pagkain,"
"Busog pa rin naman ako, wala lang din ako sa mood, I'm really okay Theron, don't mind me," seryosong saad ko rito at muling tumulala sa kawalan. Nauna naman na kumain si Theron at halata na ang gutom sa mukha nito.
"Your birthday is tomorrow right?"
"Yes po!" sabat naman ng aking kapatid na kumakain din.
"Anong gusto mong gawin sa birthday mo? Sabihin mo lang what kind of party ang gusto mo Alexa," wika muli ni Theron, mababakas naman ang excitement sa mga mata nito.
"Hindi naman ganuon ka espesyal ang kaarawan ko, ang tanging hiling ko lamang ay peace of mind na alam kong mahirap at impossibleng mangyari," tugon ko naman na siyang ikinatigil at kinatahimik niya sa pagkain.
"Ate, you're so overthinker," puna naman sa akin ng aking nakababatang kapatid na babae.
"Hindi ko mapigilan eh, kagagawan ko naman lahat eh, pumayag ako sa offer niya, kahit ayaw ko ginawa ko pa rin,"
"Kinasusuklaman ko ang sarili ko, naatim kong ibenta ang katawan ko para sa pera," mahinang saad ko na tama lamang upang makinig ni Theron. Ayaw ko na rin namang ipaalam pa kina papa at kapatid ko.
Itinigil ni Theron ang kanyang pagkain at mas lumapit pa sa kinau-upuan ko.
"Alam ko mahirap alisin yang masasamang nangyari sa isipan mo, pero I'm trying Alexa, I'm trying to help you to forget that, pero mukhang walang silbi, wala akong silbi sapagkat patuloy mo pa ring naaalala ang mga ganyang bagay, I'm sorry," seryosong saad nito habang pinupunasan ang luhang tahimik at patuloy lamang sa pagbagsak.
"Hindi kasi ganuon kadaling kalimutan 'yon Theron, I'm sorry kung nararamdaman mo 'yan, pero Theron malaki ang utang na loob ko sa'yo, thankful ako na nandiyan ka sa tabi ko,"
"Please Alexa, forget about that man!" mariing saad nito.
"Sinusubukan ko naman eh, pero sa bawat paghinga ko, pagpikit ng mga mata ko, masasamang ala-ala kasama siya ang pilit na bumabalik,"
Sa pagkakataong 'yon ay dahanyna nito akong niyakap.
"Bu-burahin natin lahat 'yan sa panibagong mundo na ating pupuntahan," tugon nito at mas hinigpitan pa ang yakap.
"Malapit na," muling saad nito.
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...