Mr. Harrison's POV
Patuloy pa rin kami sa paghahanap kay Alexa sapagkat wala pa rin kaming balita.
"Boss!" humahangos na sigaw ng isa sa mga bodyguard ko habang tumatakbo papalapit sa akin.
"What? May balita na ba kayo kay Alexa?" agad kong tanong.
"Nasa office na raw po siya," sagot naman nito at bumuntong-hininga pa.
"Okay good, give me a minute, I will just take a bath then we will go to the office right away," tugon ko at agad na tumakbo papunta sa aking kwarto.
---
"Hays, ano ba isusuot ko? Maroon or gray suit?" tanong ko sa aking sarili."Bahala na nga, maliligo muna ako para makapunta na rin sa office agad," matapos kung ilabas ang dalawang damit na aking pinag pipiliian ay agad na akong pumunta ng banyo.
Makalipas ang ilang minuto.
Agad kong kinuha ang kulay gray na suit and slacks na mas malapit sa akin atsaka nagbihis.
Kumuha rin ako ng Gel at dahan-dahan na ipinahid sa aking buhok. Ilang segundo rin akong tumitig sa aking sarili sa salamin.
"Maybe I'm good now," wika ko sa aking isipan. Ibinaling ko ang aking tingin sa gawing kanan kung nasaan ang mga perfume ko. Kinuha ko ito isa-isa at inamoy. Noong masmoy ko na ang nagustuhan kong scent ay agad kong ni-spray ito sa aking katawan at damit.
"Okay sweetie, here I am," muli kong sambit bago isara ang pinto ng aking kwarto.
Naka hanay lamang kaliwa at kana ang mga tauhan ko habang bumaba ako ng hagdan.
"Let's go," akit ko sa kanang kamay ko na tauhan.
"Okay boss," tugon nito at bilis-bilis na pinagbuksan ako ng pinto.
"Mukhang napaka fresh ninyo po ngayon boss, ang bango pa," nakangiting saad nito. Ngumiti lang ako ngunit hindi na ako tumugon.
Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan ko lang ang mga puno at ibang halaman na aming nadadaanan.
"I really miss Alexa, I don't know sobrang nao-obsessed na ata akong talaga kay Alexa, I can't do anything without her, gusto ko lagi siyang nakikita, nakakasama dahil kapag hindi ko siya nakikita parang may kung ano akong nararamdaman, umiinit ang ulo ko agad at hindi ako kumakalma," wika ko sa aking isipan habang patuloy pa ring nananahimik sa biyahe.
"Boss kung hindi nagpakita si mam Alexa at hindi namin siya nahanap anong mangyayari sa amin?" tanong noong nasa driver's seat.
"I will fire all of you," tugon ko.
"Grabe naman boss, mabuti nalang talaga pumasok na si madam sa office," muling saad nito.
"I told you to guard her right? Pero anong nangyari? Napabayaan ninyo siya," sagot ko naman.
"Sorry boss, hindi na po mauulit," paghingi ng paumanhin nito.
"Talagang mahal na mahal ni boss si Madam Alexa," bulong pa nito. Hindi na ako nag react sa kaniyang binulong.
---
Pagka park ng kotse sa parking lot ng aking kompanya ay agad na bumaba ang aking tauhan upang pagbuksan ako ng pinto.Pagkalabas ko ng kotse ay agad kong inayos ang aking suot at agad na pumunta sa aking office.
---
Theron's POV
Pagka alis na pagka alis ni Alexa ay agad akong nag ayos ng sarili at agad na pumunta sa office ni Mr. Harrison para hanapin si Alexa.
*Office ni Mr. Harrison*
Agad akong dumiretso sa office ni Mr. Harrison dahil alam kong nandoon na rin si Alexa, dahil siya ang secretary nito.
Pagbukas ko ng pinto ng office ni Mr. Harrison ay agad na bumungad si Alexa sa akin na nakasuot na maroon na office attire.
"Wala pa si Harrison, anong kailangan mo?" agad na tanong nito habang naglalakad ako papalapit sa kanya.
"Can we talk?" tanong ko. Ngunit kinuha lang niya ang mga paper works nito at nagsimula na mag check.
"Kung hindi naman tungkol sa trabaho we can't talk, can you see I'm busy right now," malamig na saad nito.
"Alam mo hindi kita maintindihan, ikaw yong tumapos ng relasyon natin tapos nakiusap ka sa akin noong nakaraang gabi na huwag na ako umalis hindi ba? Bakit pinapahirap mo pa ang sitwasyon? Bakit mo ako pinahihirapan Alexa?" tanong ko rito.
"Kung nahihirapan ka ay hayaan mo nalang ang mga bagay-bagay, huwag mo ng ungkatin ang mga nakaraan," sagot nito.
"Hindi ko mapigilang hindi ungkatin kasi hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng sagot kung bakit mo sakin ginagawa ang mga bagay na ikakasakit ko?" Muli kong saad.
"Bakit mo ako iniwan noon?"
"Hindi mo ako mai-intindihan kaya huwag ka nalang magtanong," tugon ni Alexa.
"Hindi kita maintindihan dahil hindi mo naman sa akin pinai-intindi," sagot ko naman dito.
"Dahil hindi kita minahal noon pa man Theron," tugon naman nito at nasaksihan ko ang pag kuyumos niya sa puting papel.
"Alexa!" tawag ko rito.
"Alam kong nagsisinungaling ka, sabihin mo nagsisinungaling ka lang Alexa please," pagmamakaawa ko rito.
"Hindi ko babawiin ang sinabi ko dahil 'yon naman ang totoo kaya tigilan mo na ako Theron, please lang umalis ka na marami pa akong gagawin," pakiusap nito.
"Hindi, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo, alam ko sinasabi mo lang yan para tigilan na kita," tugon ko naman dito at naglakad papalapit sa kaniya upang yakapin ito.
"Ano ba Theron! Hayaan mo na ako, baka kung sino pa makakita sa atin dito kung ano pang isipin, huwag mo nalang akong lapitan kahit kailan, umalis ka na kasi!" irritableng saad nito.
Sasagot na sana ako ngunit nabaling ang atensiyon ko sa dumating.
"Alexa!" Humahangos na saad nito habang mabilis na naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Alexa.
Agad na tumayo si Alexa. Niyakap naman agad ito ni Mr. Harrison.
"Thanks God you are okay, saan ka natulog? Anong nangyari sa iyo kagabi?" sunod-sunod nitong tanong habang nakayakap kay Alexa.
Tumingin lang ako kay Alexa, ganuon din si Alexa. Bago ako lumabas ay kita ko rin na nakatingin ito sa akin. Nakatingin lamang ako kay Alexa habang yakap-yakap ni Mr. Harrison habang lumalabas ng pintuan.
Nasasaktan ako sa mga nangyayari, lalo lang atang gumulo noong muli kaming nagkita ni Alexa. Lalong dumagdag yong tanong ko na hindi masagot sagot, at ang malala ang sakit sa puso ko.
"Sila na ba ni Mr. Harrison kaya hindi na pwede kaming dalawa? Bakit ganuon nalang ka concern si Mr. Harrison kay Alexa? Bakit?" mga tanong sa aking isipan habang naglalakad ako papalayo sa office ni Mr. Harrison.
"Should I stop? No! I love her right? I will fight for her even if it pains me so much,"
Salamat muli sa patuloy na pagbabasa! Lovelots!
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...