HOMWHB 21

1.2K 27 0
                                    

Alexa's POV

Hindi na ako napigilan ni Theron, agad na akong naglakad palabas ng kaniyang kwarto na tinutuloyan.

Nakahawak lamang ako sa aking ulo na nakakaramdam ng kirot habang binabaybay ang daan palabas.

Pasarado na ang pinto ng elevator kaya't tumakbo ako papalapit dito upang makaabot ako, mabuti na lamang ay napigilan ko ito sa pagsara kaya nakasakay pa ako. Bumuntong-hininga ako pagkapasok na pagkapasok sa loob nito. 

"Alexa ano bang nangyayari sa iyo? Bakit ka kasi nagpaka lasing?" mga nasa isipan ko habang nasa elevator.

"Hays!" inis kong sambit na siya namang umagaw ng attention sa mga kasama ko sa elevator. Agad naman silang napatingin sa gawi ko.

Tumungo na lamang ako sa kahihiyan ng mga panahon na iyon.

Ilang minuto lang ang lumipas at agad na rin itong bumukas. Dali-dali ako sa paglalakad upang makalabas agad.

Nang makalabas ako ng hotel na tinutuloyan ni Theron ay agad akong nag abang ng jeep. Saglit lamang akong naghintay sapagkat may dumating na rin, mabuti na lamang ay hindi puno ito kaya pinasakay ako.

Isinandal ko lamang ang aking ulo sa jeep dahil sa nakakaramdam pa rin ako ng kirot dito at pumikit na rin. 

"Ano ba yan, kababaeng tao maka upo ay Wagas,"

"Oo nga grabe ano?" mga naririnig kong reklamo ng mga nasa jeep.

"Kagandang bata pero nagje-jeep," bulong ng katabi ko sa jeep.

Agad akong napamulat ng mata at tiningnan ang aking sarili. Agad akong napaayos ng upo noong mapagtanto ko na naka formal dress pa pala ako. At halos lahat ng kasama ko sa jeep ay nakatingin sa akin.

"Hays, isa na namang kahihiyan Alexa, ano na? Ganito pala talaga epekto ng alak, nakakapagsisi talaga na uminom pa ako noon, ito na ang huling inom ko pangako yan," wika ko sa aking isipan at muling ipinikit ang aking mga mata.

Makalipas ang ilang minutong biyahe.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita na lumampas na ako sa aking tahanan.

"Para po!" biglang sigaw ko. Agad namang itinigil ni manong driver ang jeep na siyang naging dahilan ng pagkakadikit dikit ng mga nakasakay doon.

"Ano ba yan?"

"Dahan-dahan naman po sa pagtigil manong driver," reklamo ng mga ito.

"Kasi naman itong si Miss wagas kung maka para," inis na saad ng babaeng katapat ko at umirap pa ang mga mata nito sa akin.

"Pasensya na po," paghingi ko ng tawad sa mga ito.

"Bayad po," muli kong saad at pagkatapos kong makuha ang sukli ay agad na rin akong bumaba dahil hindi ko na kinakaya ang mga tingin nilang halos gusto na akong kainin.

Nag abang naman ako ng tricycle dahil medyo malayo na rin ang aking nilampasan.

Nang may makita na akong tricycle ay agad ko naman itong pinara.

Makalipas ang sampung minuto.

"Dito nalang po manong driver," pagpara ko rito at dahan-dahan niyang itinigil ang tricycle.

"Magkano po?" tanong ko.

"15 pesos lang Miss beautiful," tugon nito. Agad akong kumuha ng 15 pesos sa aking kulay puting wallet na dala.

"Salamat po," muling saad nito.

"Maraming Salamat din po," tugon ko naman at umalis na ito.

Matapos noon ay naglakad na rin ako papasok sa aming munting tahanan.

"Ate may naghahanap sa iyo," bungad na tanong akin ni Betty.

"Saan ka ba galing anak? Bakit hindi ka nga umuwi kagabi?" tanong din sa akin ni papa. Agad akong naupo sa tabi ni papa.

"Pasensya na po masyado pong naparami ata yong nainom ko sa party, hindi ko na po kinayang umuwi kaya doon nalang po ako natulog sa venue ng party," paghingi ko ng paumanhin.

"Ang mahalaga ay nakauwi ka ng ligtas anak ko, sa susunod anak ay bawasan nalang ang pag inom ng alak," saad naman ni papa.

"Opo papa, hindi na po talaga ako i-inom nakakapagsising uminom ng alak pala," tugon ko naman na ikinatawa ni papa.

"At least ay nagkaroon ka na ng karanasan sa pag inom ng alak," muling wika ni papa.

"Masamang karanasa papa dahil hindi ako nakauwi," biro ko.

"Okay lang yon anak,"

"Ate hanap ka noong tauhan ng boss mo raw ate, Mr. Ha---Harrison ba 'yon?" saad naman ni Betty.

"Anong oras na ba?" tanong ko rito. Agad naman itong tumayo upang tumingin sa aming munting orasan.

"Ate 9 AM na ng umaga," tugon nito.

"Hala! Late na ako sa trabaho," hagas kong saad. Akmang maglalakad na ako ngunit pinigilan ako ni papa.

"Kumain ka na muna anak," wika ni papa.

"Sa trabaho ko nalang po papa," tugon ko rito. Dahil alam kong kailangan kong magmadali at hinahanap na ako ni Harrison. Akmang hahakbang na akong muli noong magsalita si Betty.

"Kain na muna ate, si papa nagluto," napatigil ako ng mga panahon na iyon sa sinabi ni Betty. Agad akong napaharap sa mga ito.

Mababakas ang kasiyahan sa aking mukha ganuon rin sina papa at Betty.
Nakakataba lamang ng puso na unti-unti ay nagsisimula ng muli bumangon si papa.

Agad kaming naghanda ng pagkain sa lamesa.

"Hala papa na-miss ko ang sinigang na bangus na luto mo," excited kong saad habang inaamoy ang niluto ni papa.

"Sinikap kong magluto anak at nagawa ko, may natira pang pera sa binigay mo kay Betty kaya pinabili ko siya ng bangus dahil alam ko paborito ninyo rin yang dalawa, sana magustuhan ninyo mga anak," tugon naman ni papa.

"Oo naman papa ikaw pa ba? The best ka kaya magluto," sagot ko naman.

"Amoy palang busog na ako papa," wika naman ni Betty.

"Amoyin mo nalang tapos akin nalang ulam mo, busog ka na pala sa amoy eh," pagbibiro rito.

"Biro lang ate," tugon ni Betty na siyang dahilan ng tawanan naming tatlo.

Matapos ang tawanan ay nagdasal muna kami bago kumain.

"Amen," sabay sabay naming sambit.

"Yehey kakain na," masayang sambit ni Betty.

"Siya nga pala yong nanay ninyo?" tanong ni papa na siyang ikinatigil namin sa pagsandok ng kanin.

"Ah, tulog pa po papa, paniguradong may hang over na naman siya at lasing na naman siya kagabi, baka po magalit kapag ginising ko," tugon ni Betty.

"Hayaan na po natin papa, tirahan nalang po natin ng pagkain, kain na po tayo," sambit ko naman.

"Sige mga anak kain na," wika naman ni papa. Nilagyan ko muna ng pagkain ang kaniyang plato bago ang akin atsaka kami nagsimulang kumain.

"Ate ako na po maghuhugas ng olayo, alam kong late ka na sa work sige na ate," alok ni Betty.

"Sigurado ka?" tanong ko naman. Tumango lang ito bilang tugon.

Matapos kumain ay agad na rin akong naghanda ng isu-suot at naligo.

"Papa aalis na po ako, Betty bantayan mo si papa, yong module mo ha sagutan mo na rin," paalala ko kay Betty.

"Opo ate," sagot ni Betty habang naghuhugas ng plato. Humalik lamang ako sa pisngi ng mga ito atsaka naglakad na palabas ng bahay.

"Ingat anak!" dinig kong sambit ni papa. Kumaway lang ako sa mga ito at tuluyan ng umalis.

Salamat sa patuloy na pagbabasa. Pasensya na rin po sa late update. Salamat sa paghihintay. Lovelots!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon