Alexa's POV
Matapos namin kumain ay inihatid ko lamang sina papa at nakababata kong kapatid sa kani-kanilang kwarto.
"Good night anak, maraming salamat,"saad nito.
"Good night papa," tugon ko naman at kinumutan ito at naglakad na rin palabas ng kwarto nito.
"Magpahinga ka na!" sigaw ni Theron habang abala ito sa paghuhugas ng pinggan, tumango lamang ako bilang sagot at muli na nitong ibinaling ang kanyang atensiyon sa lababo.
Sandali kong pinagmamasdan ang likuran nito habang naghuhugas ng aming mga pinagkainan.
"Napaka buti mo Theron, kaya mas deserve mo ang babaeng malinis at alam kong hindi ako 'yon," sa isipan ko at matapos noon ay naglakad na ako papasok sa kwarto namin ni Theron.
Kahit bukas ang aircon ay tila nakakaramdam pa rin ako ng init sa katawan kaya naman dali-dali akong naglakad papalapit sa bintana ng kwarto at binuksan ang sliding window nito.
Marahan akong napapikit nang sumalubong sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin.
Ilang minuto ko rin itong dinama bago iminulat ang aking mga mata.
Inilibot ko lamang ang aking paningin at napatingin sa ibaba nito na may mga sasakyan.
"Tumalon ka Alexa!"
"Talon!" tila may bumubulong sa akin.
"Bilisan mo na! Tumalon ka na sabi Alexa!"Hindi ko mawari ngunit nagpadala ako sa bulong na iyon, dahan-dahan kong inihawak ang aking mga kamay sa bintana at inakyat ito. Nang makaupo na ako sa bungad ng bintana ay muli kong ipinikit ang aking mga mata at dinama ang hangin na napaka sarap sa pakiramdam.
"Alexa, what are you doing? Nababaliw ka na ba? Seriously?" sunod-sunod na tanong nito habang humahangos sapagkat mabilis nitong binaybay kung nasaan ako.
Agad ako nitong binuhat at binaba mula sa bintana.
"Alexa, I'm asking you!" muling saad nito ngunit ni-isang salita ay walang lumalabas sa aking bibig, natulala lamang ako sa nangyari at napahawak sa aking tiyan.
"I'm sorry anak, hindi ko intensiyon na mawala ka, I'm sorry nadadala lang si mommy ng problema pero mula ngayon pipilitin kong labanan pa ito," wika ko sa aking isipan habang hinihimas ang aking tiyan.
"Shhh..., Alexa, stop crying please," pagmamakaawa ni Theron.
"Hindi ko sinasadya, hindi ko intensiyon na pati baby ko ay madamay, maniwala ka man o hindi ayaw kong mawala ang baby ko Theron, hindi ko kaya!" lumuluhanh saad ko rito habang ito naman ay pinupunasan ang mga luhang patuloy sa pag agos.
"Naniniwala ako Alexa, kumalma ka okay? Shhh...,"
"Pasensya na Theron, hindi ko talaga intensiyon, sorry baby ko, mommy loves you so much hindi ko hahayaan na masaktan ka," saad kong muli.
"Hindi ko kayo hahayaang masaktan, mag-ina ko kayo eh," seryosong saad naman ni Theron.
"Pahinga na tayo," akit nito at inalalayan akong makahiga sa kama.
Nakaunan lamang ang ulo ko sa kanang braso ni Theron habang ang kaliwang kamay naman nito ay minamasahe ang aking magkabilang sintido. Paulit-ulit nitong ginagawa habang mahinang kumakanta hanggang sa nakaramdam na ako ng antok.
"I love you Alexa, I love you baby," huling narinig ko bago tuluyan akong makatulog.
Salamat sa pagbabasa.
Votes and comments are highly appreciated mga bhie! Baka naman, UWU👉👈
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...