Mr. Harrison's POV
"Nasaan ako?" agad kong tanong sa kasama ko sa kwarto habang pinagmamasdan ang lugar.
"Ah," daing ko at agad na napatingin sa kanang kamay ko, nanliit ang aming mga mata habang sinisipat ang nakasaksak na dextrose sa aking kamay.
Wala ni-isang sumasagot sa mga tauhan ko, nabaling naman ang aking tingin sa pintong bumukas.
"Dok!" mabilis na napatayo ang aking kanang kamay na tauhan.
"All the test results are good, wala namang nabaling buto o kung ano mang fracture sa ulo mo Mr. Harrison, you can rest now at your home, maaari ka na pong umuwi mamaya," saad ni dok at lumabas na rin itong muli.
"I said what happened?" pinanlakihan ko ng mga mata ang mga ito.
"Nagka car accident po kayo, madaling araw pinilit ninyo pong lumabas at hanapin si mam Alexa kaso po ay nabangga po ang sinasakyan ninyo sa puno," tila nagpantig ang aking mga tainga nang marinig ko ang pangalang Alexa.
"Wait, what's the update about her?" saad ko habang pilit na inaalis ang dextrose na nakatusok sa aking kamay.
"Boss!" angal ng mga ito habang tila gusto akong pigilan sa aking ginagawa ngunit sinenyasan ko ang mga ito na huwag lumapit sa akin.
"I need to find her," muling saad ko at isinuot ang pulang leather jacket.
"Pero po sabi ng Doktor ---,"
"He said I am fine right? Kung hindi ninyo kayang hanapin ang mag-ina ko, ako ang hahanap sa kanila," matapos ang litanyang 'yon ay agad na rin akong naglakad palabas hawak-hawak ang aking tagilirang kumikirot-kirot pa, hindi na nila ako napigilan, subukan lamang nila kung hindi mawawalan sila ng trabaho.
Mabilis din namang nagsitakbo ang mga ito upang samahan ako.
"Ako na po magmamaneho sir," wika ng isa sa mga tauhan ko.
"Settle the hospital bills," inabot ko naman ang black card sa aking secretary at agad na sumakay sa sasakyan, siya naman ay naglakad papunta sa counter ng hospital
Bagsak ang aking katawan na napaupo sa likuran ng kotse, tila nanginginig na rin ang aking mga kalamnan.
"Aghh!" angal kong muli habang dinidiinan ang hawak sa aking tagiliran.
"Ang kulit ninyo po kasi sir, sabi ng Doktor magpahinga kayo eh, hindi ninyo pa po kaya, delikado po para sa inyo na magkinilos at galing po kayo sa aksidente," saad nito habang nagmamaneho.
"Mas ikakamatay ko na hindi makita ang mag-ina ko, mag uli-uli pa tayo, baka sakaling mahanap natin siya.
Habang nasa biyahe ay nararamdaman ko ang pagsakit at pagbigat na rin ng aking ulo kaya naman isinandal ko muna ito at ipinikit ang aking mga mata.
"Pahinga po muna kayo boss parang awa ninyo na, dadalhin ko na po muna kayo sa mansiyon para makakain po kayo ng maayos at maka inom po ng gamot," sambit nito, hindi ko na nagawang magsalita at pigilan ito sapagkat hindi ko na rin alam ang mga nararamdamang sakit sa aking katawan, at tuluyan na rin akong nakatulog habang nasa biyahe kami papunta sa aking bahay.
Votes and comments are highly appreciated. Lovelots!
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...