HOMWHB 65

1.4K 23 4
                                    

Nakauwi na sina Theron sa kanilang bahay na binili sa Pilipinas ngunit si Alexa ay patuloy lamang sa kaniyang pag-iyak habang nagkukulong sa kwarto.

"Daddy, what should we do? Mommy is still crying, I don't want her to cry like that, I don't want mommy to be sad," saad ni Theo, mababakas naman ang pag aalala sa mukha nito at ang nangingilid nitong luha.

Yayakapin naman ito ni Theron upang pakalmahin.

"Don't worry son, daddy is still thinking ways to make mommy okay," tugon naman ni Theron habang yakap-yakap si Theo.

"Thank you daddy, I know, you're the one who can help mommy to surpass this situation dad," sagot naman ni Theo.

"You stay here Theo okay? Bantayan mo ang mommy mo," paalala naman ni Theron nito.

"Saan ka po pupunta daddy?" takang tanong naman ni Theo.

"Basta anak, diyan ka lang muna, huwag aalis okay? Sabihan mo sina lolo at tita mo na bantayan ang mommy okay? Babalik agad ang daddy, hahanap ng paraan si daddy para hindi na umiyak si mommy," paliwanag naman ni Theron.

"Okay daddy, take care," kumakaway na tugon naman ni Theo.

---
Makalipas ang isang oras ay bumalik din naman si Theron sa kanilang bahay.

"Ate, kain ka na muna, may dala si kuya Theron na paborito mong pagkain," akit ni Betty sa ate nitong nakatingin sa kawalan.

"Wala akong gana Betty, kayo nalang muna." Sagot ni Alexa.

"Maybe dito magka gana ka," sambit naman ni Theron habang ipinapakita ang kaniyang dala para sa asawa. Ilang segundo ring napatulala at napamaang si Alexa hanggang sa niyakap na nito ang dala-dala ni Theron.

"Timothy, thank you, you're here," maluha-luhang saad ni Alexa habang yakap-yakap ang anak.

"Theo come here," utos naman nito at agad na lumapit si Theo at yumakap sa kaniyang ina at kapatid. Lihim namang napangiti si Theron ng mga oras na 'yon.

"Sabi ko naman sa iyo hon, I'll do everything to make you happy as well as our child, kahit impossible pa," saad nito sa kaniyang isipan.

"Paano mo nadala si Timothy dito Hon? Ni-kidnapped mo ba siya?"

"Of course not hon, but I will explain it later, just enjoy the moment with your sons," nakangiting sagot naman ni Theron.

"I love you," sambit ni Alexa bilang pasasalamat kay Theron.

"I love you too," bulong naman nito.

Habang pinagmamasdan ni Theron ang asawang nakangiti habang kasama ang mga anak nito ay tila nabunutan siya ng tinik sa kaniyang dibdib, saglit namang bumalik sa kaniyang ala-ala ang kaniyang ginawa upang madala si Timothy kay Alexa.

---

"Harrison,"

"Bakit ka nandito?" gulat na tanong naman ni Harrison.

"Let's talk,"

"Para saan pa? Sa korte nalang tayo magkita-kita," mariing tugon nito.

"Please huwag na nating paabutin pa sa court ang lahat, alam kong parehas lang kayong mahihirapan at masasaktan bilang magulang, lalo na ang mga bata,"

"At sino ka para utusan ako? I'll do everything para mabawi pa ang anak ko sa inyo,"

"Please, I'm begging you Harrison, hindi ko na kayang makitang muli na madurog ang puso ng asawa ko, kaya nakikiusap ako, pag-usapan ninyo nalang ng maayos ang tungkol sa inyong mga anak, please," pagmamakaawa ni Theron dito.

"Alam ko parehas kayong nasaktan noong malayo kayo sa anak ninyo, pero ipagpapatuloy ninyo pa rin ba na saktan ang isa't isa kung pwede namang ayusin ang lahat para maging masaya nalang hindi ba? Para maging masaya sina Theo at Timothy,"  dagdag ni Theron.

Ilang minuto ring nakiusap at nagmakaawa si Theron kay Harrison upang payagang isama si Timothy sa kanilang bahay sapagkat patuloy pa ring nagkukulong ang asawa hanggang sa pumayag naman si Harrison.

"Ipapahiram ko sa inyo ang anak ko in  two conditions, papasamahan ko siya ng apat na body guard, para hindi ninyo siya maitakas if ever man, and pagbalik ni Timothy dito kailangan kasama si Theo, is that clear?"

"Okay, as you wish,"

"Okay good,"

---

"Nawa'y maging maayos na talaga ang lahat," sa isipan ni Theron habang pinagmamasdan ang mag i-inang may mga ngiti sa kanilang mga labi.

Maraming Salamat sa pagbabasa my JADES! LOVELOTS!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon