HOMWHB 15

1.5K 38 0
                                    

Mr. Harrison's POV

Akala ko dati, once na makuha mo na ang isang bagay na pinaka hinahangad mo mako-kontento ka na, but I'm really wrong. Because I keep aiming for more.

Kanina, habang buhat-buhat ko si Alexa ay hindi ko maiwasan na tumingin sa kaniyang mala anghel na mukha, ngunit nakakaramdam ako ng kirot sa aking puso, dahil sa hindi man lang niya ako kayang tingnan, tila nandidiri pa rin ito sa akin. Hindi naman ako magtataka, nakagawa ako ng kasamaan sa kaniya noon. At hanggang ngayon, patuloy na hinahanap at ginagamit ang katawan niya para sa sarili kong kasiyahan.

Nagsisisi ako sa mga nagawa ko sa kanya at umaasa pa rin na balang araw mapapatawad niya ako sa mga kasalanan kong nagagawa sa kanya.

I'm so obsessed with her. Not only for her looks, but for her attitude and behavior as well.

"Boss ano pong mayroon at nasa salon po tayo?" saad ng isa sa mga body guard ko na kasama namin ni Alexa. Nabaling ang atensiyon ko rito. Nakangiti lamang ito g naghihintay ng aking kasagutan habang nakahiga at nagpapamasahe. Habang inaayusan kasi si Alexa ay napag desisyunan ko na magpa massage muna kami ng body guard ko sa kabilang salon.

"Because I want her to feel that she's beautiful no matter what, I know and I can feel na nawala ang self-confidence niya because of me, kaya gagawin ko makakaya ko para maibalik 'yon sa kanya," tugon ko habang may nagmamasahe sa ulo ko.

"Ang bait mo talaga boss, tapos nilibre mo pa ako ng massage, sobrang sarap sa feeling, kahit araw-araw mo akong utosan boss okay lang, salamat talaga dito," masayang saad nito.

"Sige araw-araw kitang u-utosan," biro ko rito.

"Joke lang boss, ito naman," natatawang saad nito.

"Siya nga pala, check the reception for welcoming party later if okay na para sa ating isang investor, nasa biyahe na siya from Korea,"

"Yes boss noted yan," tugon nito.

"In a few hours parating na siya, we will meet in our hotel, si Alexa nalang ang isasama ko mamaya," wika ko.

"Sino po magda-drive sa inyo boss?" muling tanong nito.

"I can manage about that, don't worry. After you check the venue you can go home, I know you're tired at ang dami mong binitbit," saad kong muli. Nakita ko naman ang pag ningning ng mga mata nito na siyang ikinangiti ko.

"Sobrang bait ng boss ko ano?" pagmamalaki nito sa mga nagmamasahe sa amin. Tumawa lang ako ng bahagya at ipinikit ang mga mata at dinama ang masarap na masahe.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na ring ayusan si Alexa.

"Presenting, Mr. Harrison's girl," masayang saad ng isang make-up artist at dahan-dahang pinaikot ang upuan ni Alexa papaharap sa akin.

Sobrang ganda niya sa suot niyang pulang dress, at sa kaniyang wavy hair, mas lalong nangibabaw ang kagandahan nito. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng mga panahon dahil sa saya na aking nadarama.

Gusto ko siyang yakapin at hagkan pero tila natuod ako sa kinau-upuan ko.

"Ang ganda-ganda mo madama sobra," natutuwang saad ng isa pa sa mga make-up artist.

"Sana nga, you're my girl, but I know the truth, hanggang pangarap na lamang kita," sa isipan ko habang pinagmamasdan si Alexa.

Enjoy reading guys.
Vote and comments are highly appreciated! Lovelots!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon