Nauna namang pumunta ng kwarto si Alexa habang tinatapos ni Theron ang paghuhugas ng pinggan.
Nanliit naman ang mga mata ni Alexa habang sinisipat ang isang bagay na kumikinang sa loob ng isang maliit at pulang box.
Naglakad ito papunta sa bagay na iyon at agad na binuksan at namangha sa nakita.
"Balak ba niyang mag propose?" kunot-noong tanong ni Alexa sa kaniyang sarili.
Marahan niyang kinuha ang singsing at isinuot.
"Napaka ganda naman nito," nakangiting saad ni Alexa habang pinagmamasdan ang kamay na suot ang singsing na kumikinang-kinang pa.
"Mahal siguro ito at diyamante e, marahil maari itong ibenta kapag nagipit, joke!" pagbibiro nito sa sarili.
Nang maramdaman naman niya ang mga yabag papasok sa kwarto ay agad niyang itinago ang box at kaniyang kamay na may suot na singsing.
Tila may hinahanap naman si Theron pagkapasok na pagkapasok nito sa kwarto.
Lahat ng nasa side table ay kaniya ng hinalughog ngunit hindi pa rin niya mahanap ng pulang box na kaniyang inilagay kanina.
"Hon?" tawag nito kay Alexa
"Hmn?" Nakangiting tugon nito.
"May nakita kang pulang box na nakapatong dito?"tanong ni Theron dito.
"Pulang box? Para kanino ba 'yon?" Pa -inosenteng tanong ni Alexa.
"Para sa iyo 'yon eh, hindi ko na alam kung saan ko naipatanong, ang naalala ko dito ko 'yon inilagay eh," salubong ang kilay na saad nito.
"Ito ba 'yon?" Masiglang saad ni Alexa habang ipinapakita ang kamay na may suot na singsing.
"Hon, bakit suot mo na yan? Surprise ko nga yan sa iyo eh," nagkakamot sa ulong saad ni Theron habang papalapit kay Alexa.
"Yes I will marry you, Theron." seryosong saad ni Alexa. Mapapahinto naman si Theron sa paglapit kay Alexa at tatalikod ito at dahan-dahang babagsak ang mga luha.
"Hoy!" agaw pansin ni Alexa kay Theron na nakatalikod sa kanya.
"Hindi mo ba 'yon itatanong? Assuming lang ba ako? Advance ano?" natatawang saad ni Alexa.
"Hon," muling tawag ni Alexa kay Theron na nananatiling nakatalikod sa kaniya at patuloy na nagpupunas ng mukha, kaya naman si Alexa ang pupunta sa harapan nito.
"Bakit ka umiiyak? Parang ewan naman ito, hoy!" nag aalalang saad ni Alexa habang tinutulungan si Theron na magpunas ng luha.
"Napapaano ka ba? Magsalita ka nga," wika muli ni Alexa. Patuloy na tikom ang bibig ni Theron ngunit yayakapin nito si Alexa ng mahigpit.
"Thank you hon, kahit hindi ko pa tinatanong ang bagay na iyon sapagkat natatakot ako na hindi mo tanggapin, pero yong sagot na inaasam-asam ko sinagot mo, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, sobrang saya ng puso ko, sapagkat ang babaeng inakala ko na hindi na magiging akin ay ngayon ay magiging asawa ko na," lumuluhang tugon ni Theron.
"Napaka swerte kong babae sapagkat muli kitang natagpuan, ang lalaking alam kong mamahalin ako ng buo at hindi lamang katawan ang habol sa akin, ang lalaking hinding-hindi ako sasaktan kahit na nasaktan na kita noon pa man, salamat sa pagligtas at muling pagtanggap, Theron, sisikapin kong makabawi at maging mabuting asawa at ina ng magiging anak natin," sagot naman ni Alexa at muli itong binigyan ng mahigpit na yakap ni Theron.
Salamat po sa pagbabasa. Pasensya na rin po kung late update, abala din po kasi ko sa aming paggawa ng greenhouse. Sana po ay nagustuhan ninyo. Ingat po palagi. Lovelots!
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...