HOMWHB 64

1.3K 19 1
                                    

"Who is he mommy? Oh, he looks like me," nanlalaking matang saad ni Theo sa batang kaharap niya.

Tila natuod naman si Alexa sa kaniyang pwesto ng mga oras na magkaharap-harap silang tatlo ng kaniyang mga anak.

"Buhay ka anak, buhay ang kakambal mo Theo," saad ni Alexa at agad na niyakap ang dalawang batang nasa harapan niya.

"I said don't touch me, I don't even know you," masungit naman na saad ni Timothy.

"I want my mommy and daddy, let me go!" pagpupumiglas ni Timothy sa pagkakayakap ni Alexa.

"I'm your mommy baby, and he's your twin brother,"

"No, you're not," muling saad ng bata at doon na nagsimula ang pagtulo ng luha ni Alexa.

"Hon...ey," saad ni Theron habang papalapit sa kinaroroonan nina Alexa, mababakas ang gulat sa mukha nito nang makita rin ang kamukhang-kamukha ni Theo.

"Hon, buhay ang isa pang anak natin," lumuluhang saad ni Alexa at niyakap naman ito ni Theron.

"Daddy, Mommy!" sigaw ng batang nasa harapan nila. Mapapatingin naman ito sa kung saan paroon ang batang si Timothy.

"Daddy, mommy, thanks God, you're here, I'm so scared with this woman," sumbong ni Timothy sa kaniyang kinikilalang Mommy at Daddy.

"Ha-Harrison?" kunot-noong saad ni Theron habang pinapakalma si Alexa.

Agad namang susugod si Alexa kay Harrison na hawak-hawak ang batang si Timothy.

"Paano mo nagawa ito sakin? Ha? All this time inakala kong patay ang isa kong anak, 'yon pala itinatago mo lang siya sa akin? Napaka sama mo talagang tao Harrison, wala kang kasing-sama!" saad ni Alexa habang nakakuyom ang mga kamao at nakatitig ng masama kay Harrison.

"Sino ba ang naunang itakas ang mga anak ko at sumama sa ibang lalaki? Hindi ba't ikaw? Tinanggalan mo rin ako ng karapatan maging ama sa mga anak ko, patas lang tayo!" tugon naman ni Harrison.

"Napaka sama mo!" Bulyaw ni Alexa habang patuloy na bumabagsak ang mga luha.

"You are my real daddy?" lumuluhang saad naman ni Theo  kay Harrison.

Mapapaluhod naman si Harrison upang mapantayan si Theo.

"Yes baby, I'm your real dad, daddy really miss you so much," lumuluhang saad ni Harrison at mahigpit na niyakap si Theo.

Agad namang inialis ni Alexa ang pagkakayakap ng dalawa.

"Don't hug him Theo, he's evil!" muling saad ni Alexa.

"Really? Matapos kitang tulungan pati ang tatay mo, then sisiraan mo pa ako sa mga anak ko? Alexa minahal kita alam mo yan, pero anong ginanti mo? Inilayo mo sila sa akin, how dare you?"

"Let's stop this, sa labas tayo mag-usap at nakakahiya dito sa loob ng mall love," paalala naman ng asawa ni Harrison.

"No! Sa korte tayo mag-usap!" mariing saad ni Alexa.

"Baby, Timothy sumama ka na samin, I'm your real mother, please come with us," pagmamakaawa ni Alexa habang pilit na kinukuha ang mga kamay ni Timothy, ngunit pilit din itong nagtatago sa likuran ng kaniyang ama.

"Ano ba Alexa, ayaw nga sa iyo ng bata!" sambit ni Harrison.

"And remember this, hinding-hindi na ako papayag na magkalayo pa kami ng mga anak ko, babawiin ko sila sa iyo, tandaan mo 'yan!"

"Mali ka, si Timothy ang babawiin ko sa iyo!" mariing saad ni Alexa habang nakatitig ng masama kay Harrison.

"Let's go hon, babalik tayo don't worry, sa susunod kasama na natin si Timothy, umalis na muna tayo at dumadami na rin ang mga taong nakiki-usyuso." Sambit naman ni Theron.

Matapos noon ay agad silang naghanap ng abogado upang humingi ng advice dahil sa mga nangyayari.

To be continued...
Thank you my JADES, nandito pa rin kayo at nagbabasa. Nawa'y hanggang huli nandito kayo ha? Lovelots!

He Owned Me With His Billions [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon