Dumating ang panibagong araw.
"Daddy! Mommy!" hiyaw ng isang bata, mapapalingon naman si Harrison at ang kaniyang asawa na kasalukuyan ay nagb-breakfast sa kanilang hardin.
"Timothy," excited na saad naman ng asawa ni Harrison at tatayo upang salubungin ang bata.
"I miss you," saad naman ng kinikilalang Mommy ni Timothy.
"I miss you too Mommy, and Daddy as well," sagot naman ni Timothy habang nakayakap dito. Matapos noon ay si Harrison naman ang niyakap ni Timothy.
"Namiss ka ng daddy," sambit naman ni Harrison habang nakayakap sa anak.
"But, where's your brother?"
"Napag usapan namin ni Theron na kasama si Theo pag ibinalik ka eh," wika naman ni Harrison na may pagtataka.
"Nasa labas pa po sila Daddy, let's go there," tugon naman ni Timothy.
Agad namang lumabas ang tatlo at nadatnan sina Alexa sa may gate at may kasamang abogado.
"What's the meaning of this Alexa? Theron? Bakit may abogado? Akala ko ba gusto ninyong ayusin ang lahat without court? Then what is this? Sinusubukan ninyo ba talaga ako? Ha?" sunod-sunod na tanong ni Harrison.
"Kumalma ka nga Harrison, I just want to settle things in a legal way, para maayos ang scheduling natin sa mga anak natin, para kapag may sumira doon, mawawalan ng karapatan sa anak, is that okay with you?"
"Okay, linawin mo agad," sagot naman ni Harrison.
"Paano ko malilinaw agad eh sunod-sunod na ang pagsasalita mo," iirap naman si Alexa.
"Sorry," wika naman ni Harrison.
"Maaari na ba tayong magsimula?" tanong naman ng abogado.
"Yes, Attorney," sabay na sagot ng dalawa.
Nagsimula na ang pag u-usap ng mga ito habang nasa harap ng abogado. Ilang oras din ang lumipas nang matapos ang kanilang pag u-usap upang ayusin ang schedule nila sa mga bata.
"Linawin ko lang ang napag-usapan ninyo okay? Monday to Wednesday kay Alexa ang dalawang bata, and Thursday until Saturday ay kay Mr. Harrison, and every Sunday, family bonding ninyong lahat, is that clear?" tanong ng abogado.
"Yes, Attorney," tumatangong saad ng mga ito.
"Okay good, nawa'y maging maayos ang lahat sa inyo," muling sambit ni Attorney.
"Thank you," nakangiting saad naman ni Harrison kay Alexa.
"Wala 'yon, pasensya na rin sa lahat-lahat," sagot naman ni Alexa.
"Love, pwede ko bang yakapin ang ina ng mga anak ko sa huling pagkakataon?" paalam ni Harrison sa kaniyang asawa, tatango naman ito.
"Theron, Can I hug your wife? And the mother of my child for the last time?" paalam naman ni Harrison kay Theron, tatango naman ito bilang sagot.
Lalapit naman si Harrison kay Alexa at dahan-dahan itong yayakap dito.
"Thank you for giving birth to my sons, pangako, kahit hindi man tayo ang nagkatuluyan, magiging mabuting ama ako sa kanila, at alam ko rin namang isa kang mabuting ina, Thank you Alexa," sambit naman ni Harrison habang yakap-yakap ang ina ng mga anak sa huling pagkakataon.
"Thank you at pasensya na rin kung inilayo ko ang anak mo sa iyo, ngayon ay maging mabuting magulang nalang tayo sa kanila," tugon naman ni Alexa habang nakayakap kay Harrison.
"May mga tao talagang hindi sa atin itinadhana, ngunit mag iiwan ng isang espesyal na bagay sa ating buhay,"
Ending na ba? Chareng. I love you my JADES! Thank you sa pagpapatuloy.
BINABASA MO ANG
He Owned Me With His Billions [COMPLETE]
RomanceSi Alexa Francisca ay kabilang sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa kanilang lugar, ngunit nang magkasakit ang kaniyang ama ay doon na nagsimula ang kanilang kalbaryo, nalulong ang ina sa bisyo at sa ibang lalaki kaya naman bilang panganay ay siya n...